Prolouge

3 0 0
                                    

Masiyado ng malalim ang gabi, Halos matumba tumba ako sa paglalakad dahil sa mga bato bato at mga puno sa daan at wala rin ako masiyado makita, dahil bukod sa malalim na ang gabi ay naparami din ako ng inom ng serbesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masiyado ng malalim ang gabi, Halos matumba tumba ako sa paglalakad dahil sa mga bato bato at mga puno sa daan at wala rin ako masiyado makita, dahil bukod sa malalim na ang gabi ay naparami din ako ng inom ng serbesa.

Dahil sa hilo ay hindi ko na malaman ang daan na tinatahak ko. Ito pa kaya ang pauwi sa kubo namin. Maya maya ay napunta ako sa napakalaking puno ng akasya, at mula sa napakalaking puno ng akasya ay sumisilip ang liwanag na galing sa buwan na dahilan kaya medyo nakakita ako ng kaunti kahit papaano.

Pag lapit ko sa puno ng akasya ay sumandal muna ako dito at umupo upang magpahinga muna para mahimasmasan ako kahit kaunti.

"Anong oras na hindi pa ako nakakauwu sa amin, maaga pa bukas ang trabaho sa taniman sa hacienda ng mga Santiago, lagot nanaman ako pag tinanghali ako.

Masiyadong mahigpit ang pamamalakad ng mga Santiago sa hacienda nila. Kaunting pagkakamali mo lang ay matinding parusa na ang aabutin mo. Kaya naman madaming trabahador ang takot at galit sa kanila, ang iba pa nga'y isinusumpa pa sila dahil sa sobrang lupit nila sa mga tauhan nila.

Maya't maya pa ay nahimasmasan na ako kahit kaunti. Tumayo ako at kahit papaano ay nabawasan na ang pag ikot ng aking mga paningin. " Sa wakas ay makakauwi narin ako!". Masaya kong banggit habang inihahakbang ang aking mga binti sa naglalakihang ugat ng puno ng akasya nang may natapakan akong parte na malambot "Anak ng- nakatapak pa ata ako ng dumi ng kalabaw" naiinis kong sambit habang dahang dahang binababa ang aking tingin. Maya maya pa ay bumilog ang aking paningin at nanigas ang aking katawan. Hindi ako makakilos sa sobrang takot at kaba. Bumibilis ang tibok ng aking mga puso.

"Tangina! Tama ba itong aking nakikita?"
"Patay na ba talaga itong taong ito?"
" Tulong, tulong! Merong patay dito!"

Napasigaw ako ng malakas sa sobrang takot. Anong nangyare at may bangkay dito sa puno ng akasya at punong puno ng dugo ang kanyang buong katawan.

Maya maya ay naramdaman ko na may tumalon sa aking bandang likuran. Hindi ko alam kung ano ito dahil nakatalikod ako sa kanya pero nakakasiguro ako na siya ang pumatay bangkay na nasa aking harapan ngayon.

Nang mahimasmasan ako ay dali dali akong tumakbo nang napakabilis, wala ng iba pa sa aking isip, ang importante ay makalayo ako sa puno ng akasya at sa kung ano mang nasa likod ko ngayon. Hindi na ako tumingin pa sa likod at mas binilisan ko pa ang aking takbo habang nagdadasal ako sa aking isipan na sana ay hindi niya ako mahabol.

Not HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon