20 years and 11 months later
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa mesa upang tignan ang mga notifications neto dahil kanina pa ito walang tigil sa kakatunog.
[The new music video of the P-pop superstar Kai has gained a million of views in less than 24 hours]
Habang binabasa ko ang post sa page ay biglang may kumatok sa pinto at binuksan ito at iniluwa nito ang show manager ng "P-pop All Stars" ang show kung saan nagpeperform ang mga sikat na singers, dancers sa bansa. " Kai, ikaw napo ang next na magpeperform after ng Lunar, please get ready and standby" nagmamadali niyang banggit sabay lumabas na ulit siya sa room ko.
Muli akong tumingin sa salamin upang i-check ang aking mukha at mukhang wala naman ng dapat ayusin. Lumabas nako ng room ko at naglakad papunta sa backstage ng show para andoon na agad ako after mag perform ng Lunar. Pagpunta ko sa backstage ay nakita ko ang Lunar na nagpeperform pa sa entablado. Ang Lunar nga pala ay isang P-pop boy group na binubuo ng apat na miyembro. Gaya ko ay sikat din sila at sa kasalukuyan ay naghahanda sila para sa kanilang bagong album na ilalabas sa susunod na buwan.
Nang matapos mag perform ang Lunar ay nagpalakpakan at nasihiyawan ang mga manonood. Halos lahat ng manonood ay kabisado ang fanchant ng Lunar, at kung hindi niyo naitatanong, ang Lunar ay kapareho ko lang din ng agency which is ang High Entertainment. Maya maya ay pumunta narin sila sa backstage at binati sila ng mga staff dahil sa napaka ganda nilang peformance. Nang magkasalubong ang nga tingin namin ng Lunar ay agad na nawala ang kanilang mga ngiti. Dali dali silang umalis sa backstage at nilagpasan ako ngunit binangga ako ng isang miyembro nila na si Rence, ang all rounder sa group nila. Nakalimutan ko sabihin pero ako at ang Lunar ay hindi ganoon kaganda ang pagsasamahan dahil sa mga nangyari ng nakaraan ngunit iyon ay mahabang kuwento.
Maya maya pa ay pinatay na lahat ng ilaw sa entablado at nagsitigil na ang mga tao sa pagpalakpak at paghiyaw. Lumapit sa akin ang manager ng show at bumulong ito sa akin "Pumunta kana sa gitna ng stage" bulong niya sa akin. Huminga ako ng malalim sabay naglakad papunta sa gitna ng stage. Pagpunta ko sa gitna ay inayos ko na ang aking pwesto at humarap sa mga manonood.
Nang magbukas ang mga ilaw ay sabay sabay na nagsipalakpakan at nagsihiyawan ang mga manonood, ang iba ay may banner kung saan andoon ang aking mukha at halos lahat ng tao ay may hawak ng lightstick na naka disenyo para sa akin. Habang ako'y kumakanta sa entablado ay sumasabay lahat ng tao sa akin sa pagkanta, maya maya naman ay sabay sabay nilang binigkas ang aking fanchant.
Nang matapos na ako umawit ay patuloy parin sila sa pagkanta at paghiyaw, nakangiti akong kumaway sa kanila at sabay sabay nila muling binanggit ang fanchant ko.
Maya maya pa ay bumalik narin ako sa backstage, binati ako ng staff sa aking magandang performance at masaya din akong sinalubong ng show manager "That performance was really great, good job Kai" masaya at nasasabik niyang banggit sa akin.
May lumapit na staff sa show manager at tuwang tuwa din ito " Umabot sa 30% ang ratings natin nung nagperform si kai!" Sigaw niya sa sobrang tuwa at sabay silang napatalon sa tuwa ng show manager. Hayst ,sana tuparin ni Jojo yung pangako niya, na pag napataas ko ang ratings ng show nato ay makakapag pahinga ako ng isang linggo. Lalo na't next week ay maghahanda na kami para sa concert tour ko. Halos ilang bansa din ang pupuntahan namin. Hindi pwedeng mag perform ako na mahahalata ng fans ko na wala akong pahinga.
Nang matapos ang mga staff sa pagbati sa akin ay pumunta muna ako sa CR para manalamin. Habang pinagmamasdan ko ang aking mukha ay napansin ko na natunaw na ang ilan sa mga make up ko. "Need ko na pala ulit mag retouch" bulong ko sa aking sarili habang hinahanap pa ang ibang parte ng aking mukha na natunawan na ng make up.
Habang nag aayos ako sa salamin ay may narinig akong kakaibang tunog sa loob ng isang cubicle, lumakad ako ng dahan dahan para malaman kung saang cubicle ito nanggagaling. Hanggang sa makarating ako sa dulo. Lumapit ako ng dahan dahan sa pinto nang biglang lumakas ang kakaibang tunog sa loob nito.
Napatumba ako sa gulat, bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ako makagalaw ng maayos sa kaba. Unti-unti kong binaba ang aking ulo sa sahig upang masilip kung ano nga ba ang nangyayari sa loob at kung bakit napakalakas ng tunog na hindi ko mawari kung ano ba ito.
Habang pababa ng pababa ang aking ulo sa sahig ay mas nakikita ko ang kung ano man ang nasa loob non, hanggang sa tuluyan kong madikit ang ulo ko sa sahig. Punong puno ng dahon ang loob nito.
"Shit!" Sigaw ko nang biglang mamatay ang ilaw sa banyo. Tumayo ako ng dahan dahan dahil wala akong makita maski unting liwanag. Nang tuluyan akong makatayo ay nag patay sindi ang mga ilaw sa banyo at muling lumakas ang tunog sa loob ng cubicle. Nanigas ang aking katawan at napasandal nalang ako sa pader habang patuloy na bumibilis ang pagkabog ng aking dibdib, ramdam na ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo sa buong katawan.
Habang nagpapatay sindi ang mga ilaw sa banyo ay naaninag ko na dahan dahang bumubukas ang pintuan sa labasan ng banyo. Maya maya pa ay may iniluwal itong tao na hindi ko mawari dahil sa pagpatay sindi ng mga ilaw. Nang magkatapat kami nito ay huminto ito sa paglakad at humarap sa akin. Mas tumindi ang takot na nararamdaman ko nang lumakad ito papalapit sa akin at namatay lahat ng ilaw sa banyo. Napakatahimik ng buong paligid.
Wala na ba siya?
Ano bang nangyayari?"Aghh!!" Napapikit at napasigaw nang malakas nang biglang bumukas ang ilaw sa mga banyo at may taong bumulaga sa aking harapan.
"Its a prank!" Malakas na sigaw sa harapan ko at kahit nakapikit ako ay alam kong si Jojo ito. Hindi nga ako nagkamali nang idilat ko ang aking mga mata. Unti unti ng bumalik sa normal ang pagtibok ng aking mga puso at paghinga. Sa likod ni Jojo ay mayroon ding dalawang cameraman. Mukhang isasama nila ito sa vlog ko sa youtube sa KaiTV. Seryoso talaga? After kong magperform niyo ako ipapaprank? Papatayin nio ba ako sa pagod at takot hayst.
Sinimangutan ko siya at ginantihan niya naman ito ng ngiti "Ouyy mag smile kana sa camera para sa mga fans mo hahaha" pabiro niyang banggit kaya ngumiti narin ako ng pilit sa camera dahil hindi parin ako maka move on sa mga nangyare.
Pagtapos non ay sabay narin kaming lumabas ni Jojo sa banyo. Si Jojo nga pala ay ang CEO ng High Entertainment, Madami na kaming napagdaanan kasama ng Lunar bago pa man lumaki at maging successful ang Agency namin kaya kahit papaano ay close narin kami.
"Sir Jo.., bakit naman kasi doon mo pa ako naisip i prank kung kailan kakatapos ko lang mag perform, naniwala tuloy ako sa prank mo. Saka ang ganda nung naisip mong lagyan ng maraming dahon yung cubicle ah, natakot talaga ako don. Nga pala ano ung pinatunog mo don sa banyo? Para talagang may kung anong nilalang doon sa loob?" Nasasabik kong tanong sa kanya habang sinasabayan ng pag senyas ng aking mga kamay dahil napaniwala talaga niya ako sa ginawa niya.
"Anong dahon saka tunog na pinagsasabi mo?" Nagtataka niyang banggit habang nakatitig sa akin.
"Bakit naman ako maglalagay ng mga kalat sa banyo? Gusto mo bang malagot tayo sa manager ng show nayun?" Banggit niya sa akin sabay pumasok na siya sa loob ng Van at ako naman ay naiwang nakatigil sa aking kinatatayuan at nagtataka. " Hoy! Tara na, Ano pang tinatayo mo dyan, Yung Lunar nauna nang sumakay sa isang Van natin" malakas niyang banggit na dahilan upang mahimasmasan ako sa aking pagkatulala.
END OF CHAPTER 1
BINABASA MO ANG
Not Him
Misterio / SuspensoA superstar's world crumbles when a scandal forces him to seek refuge at his family's rural estate. There, he falls for a captivating young man, but their blossoming romance is overshadowed by a dark family secret that will expose the lies he's live...