MASBATE
Pakiramdam ni Sarah ay inilipat siya sa ibang lugar mula nang bumaba siya ng eroplano at sumakay sila sa Land Cruiser na sumundo sa kanila sa airport. Pakiwari niya'y para siyang napunta sa isang television commercial—sa "Marlboro Country."
Paglagpas nila ng kabayanan ay puro kural na ang nakikita niya, mga baka, mga lalaking nakakabayo—Pinoy cowboys. At wala siyang masabi sa view. It was rugged, wild, and breathtakingly beautiful.
Maburol ang kapaligiran, mapuno ang malawak na grasslands, at sa dako roon ay mountain ranges and plateaus. "Sana'y mawili ka nga rito, hija. Sino'ng makapagsasabi, baka hindi mo na gustuhing bumalik ng Bataan 'pag nagkataon?"
Napailing siya, flattered na giliw na giliw sa kanya si Eloisa. "E-‐‑ewan ko ho. K-‐‑kailangan ko rin namang bumalik kapag naisip kong tama rin sina Ate Imee. ."
Tumawa ito. "O, sige. . tingnan natin, hija."
MATAGAL din ang naging biyahe nila, pero hindi nainip si Sarah. Na-‐‑excite pa siya nang sa wakas ay pumasok sila sa isang gate na barbed wire na ayon kay Eloisa ay simula ng lupain ng mga Samson.
"Daang taon nang pag-‐‑aari ng mga ninuno namin ang lupaing ito, hija. Sa awa naman ng Diyos ay hindi nababawasan, sa halip ay lalong nadaragdagan. Salamat din kay Greg."
"Greg?" Mula sa pagmamasid sa labas ay bumaling siya rito.
"Panganay kong anak. Actually, matandang binata na yun. Mabait sana, guwapo, simpatiko, pero ewan ko kung bakit nuno ng suplado sa mga babae. Pero huwag mo lang masyadong pansinin. Dahil tiyak ko rin namang 'pag nasanay rin sa 'yo yun at nakuha ang ugali mo'y magkakasundo rin kayo. Pagtiisan mo lang muna sa simula. Hindi rin naman makakatanggi yun kapag pinakiusapan kong ipasyal kayo halimbawa sa buong hacienda."
"S-‐‑si Greg lang ho ba ang dapat kong.. pakibagayan?" nag-‐‑aalangan niyang tanong.
"Si Greg lang. Dahil lahat ng iba pa ay simbait ko na," pagbibiro nito.
She was breathless nang sa wakas ay tumambad sa kanila ang isang malaking bahay sa ibabaw ng isang burol, sa gitna ng isang marangyang hardin. Kanina pa nabo-‐‑boggle ang utak niya sa laki ng property ng mga Samson, dahil kanina pa sila lumagpas sa gate na barbed wire. And now she was overwhelmed.
Dahil ngayon ay nasa harap siya ng isang matandang Spanish villa. Pinturado iyon ng puti at tisa ang bubong. Yari sa capiz ang mga bintana, sagana ang intricate mouldings sa mga hamba. Sa una at ikalawang palapag ay nakapaligid ang terasa. At sa pinakagitna ng ikalawang palapag ay may isang pabilog na tower, ang pinakamataas na bahagi ng bahay.
It was a magnificent picture of affluence. Labis-‐‑labis sa inaasahan niya, higit sa kinasanayan niya.
Tinunton ng Land Cruiser ang driveway, at huminto iyon sa harap ng villa.
"Tara na, hija," ani Eloisa nang buksan nito ang pinto ng sasakyan. "Hinihintay na nila tayo."
Hindi pa rin siya makapaniwala habang pumapasok sa loob. Halos ayaw niyang tumapak sa malambot na carpet na nakalatag sa gitna ng marmol na flooring ng sala. Naiilang din siya sa uri ng tinging ipinupukol sa kanya ng mga unipormadong katulong doon.
"Sige na, ipasok n'yo na ang mga bagahe namin at dalhin na ninyo ang mga maleta ni Sarah sa kanyang magiging silid," narinig niyang utos ni Eloisa. Bumaling ito sa kanya. "Halika sa komedor at nang maka-‐‑pagpahinga tayo sandali. Nakakapagod ang biyahe," buntong-‐‑hininga nito.
She was in for another surprise. Bukas ang mga pintong yari sa salamin na nasa isang bahagi ng komedor. Saka lang niya na-‐‑realize na nasa tabing-‐‑dagat sila dahil mula roon ay tanaw ang bughaw na karagatan. At sa dako pa roon ay mga pulo.
YOU ARE READING
Sa Sulok Ng Puso - Olga Medina
Romance"Ang mga insultong 'binigay ko sa iyo'y upang pagtakpan ang aking damdamin. Pero tama ka, sa isang sulok ng puso ko'y mahal pala kita..."