Chapter 4

574 8 2
                                    

SA SUMUNOD na mga araw ay nagawa rin ni Sarah ang matagal na niyang nais—ang mag-sketch. Tuwing umaga, matapos ang almusal, ay nangangabayo siya, either bumabalik sa lawa o kung saan man na tumawag sa kanyang atensiyon.

Tulad ngayon na na-fascinate siya sa isang grupo ng maliliit na mga kambing. Matapos itali ang kabayo sa sanga ng puno ay umupo siya sa lilim at nagsimulang mag-sketch. Ganado siya, cute na cute sa isang batang kambing na puting-puti ang balahibo.

At napapansin niyang habang tumatagal ay nagiging mas mahusay siya. Parang inspired siyang hindi niya maintindihan.

Katunayan ay hindi siya nag-aalala kung darating pa nga ba si Jina o hindi na. She had this sense of contentment, dahil kung tutuusin ay bakasyonista ang naging papel niya.

Nang may kung anong biglang pumasok sa kukote niya. Inilipat niya ang sketch pad sa huling page at mabilis na kumilos ang kanyang mga kamay, drawing from memory.

Buhos na buhos ang atensiyon niya, every stroke meticulous. At nang matapos ay nakamasid na siya sa isang stunning na portrait ni Greg, powerful and disturbing even on paper.

Sumandal siya, minasdan ang larawan. Pati siya ay nagulat sa kalidad ng pagkakaguhit niya, pati sa karakter nitong na-capture niya. Maybe it was how she saw him. At pakiwari niya ay hindi siya magsasawang pagmasdan ang mukhang iyong.

Pero bakit? Imposible namang in love siya kay Greg Samson. That would be ridiculous. Pero siguro, crush. Hanggang doon lang. Pero love? It would be suicide. Seryosong bagay iyon sa kanya, isi-share niya sa isa na karapat-dapat.

Hindi sa gaya nito na "laro" lang ang pag-ibig. Siguro'y nadala lang siya ng pagiging romantic ng atmosphere sa lawa kaya umakto siyang ganoon. Na marahil, kahit si Charlie ang kasama niya ay ganoon din ang mangyayari.

Muli siyang tumingin sa batang kambing. Kung bakit naman parang nakita niya roon ang mukha ni Greg. Bigla niyang naisip, Ang bagay kay Greg, may sungay na gaya ng kambing!

Napapangiti siya habang nilalagyan ng sungay si "Greg." And was deeply satisfied sa nakitang resulta.

'Yan ang bagay sa mga mayabang na tulad mo!

"TOTOO bang may picnic kayo mamaya?" si Eloisa. Nagkasama silang naglulunoy sa pool nang umaga ng Linggong iyon. "Nabanggit sa 'kin ng kusinera na nagpapahanda raw si Greg ng mga ibabaon ninyo."

Nawala na sa isip niya ang tungkol sa picnic. "O-oho," atubili niyang sabi.

"Pinagbigyan din pala ako ng aking anak," satisfied namang sabi ni Eloisa, lumuwang ang ngiti. "Parati ko kasing kinukulit na ipasyal ka kahit paano dahil lagi kang napag-iisa nitong huling mga araw. Nahihiya na tuloy ako sa iyo, hija."

"K-kasama ho namin sina Aileen..."

Nabawasan ang ngiti ni Eloisa, pero sandali lang iyon. Lumapit ito sa kanya at tinapik siya sa balikat. "May kumpiyansiya pa rin ako sa 'yo," mahina lang nitong sabi, saka nagpatianod palayo.

Natitilihang sinundan lang niya ito ng tingin.

HAPON na nang dumating ang magkapatid na Avena. Hindi naman siya makahagilap ng valid na excuse para hindi sumama. Ayaw naman niyang magmukhang maarte at killjoy.

Dahil pinagkasunduan nang maliligo sila sa ilog, gusto niyang matawa sa ayos ni Aileen. Sa lahat ng magsu-swimming, ito yata ang dumaan pa sa parlor! Naka-make-up ito, ayos na ayos ang buhok. Sexy pa ang bestida. Talagang nagpaganda para kay Greg.

Samantalang simpleng blouse at ang usual na maong na pantalon ang get-up niya.

Tig-isa sila ng sasakyan papunta sa ilog. Humimpil sila sa isang malaking ilog sa tabi ng kakahuyan sa paanan ng bundok. It was an awesome sight.

Sa Sulok Ng Puso - Olga MedinaWhere stories live. Discover now