Kabanata II : Bangkero

2 0 0
                                    

AMBHER LEIGH

Weird. Sobrang weird.

Hindi ko alam kung anong trip ng tar@ntadong 'yon para padalhan si Jigz ng ganitong klaseng prank. Bigyan ba naman ng isang kahon na walang ibang laman kun'di isang kapiraso ng papel na may nakasulat na 'Maraming salamat'.

"Hayaan n'yo na at mukhang prank lang naman 'to," sabi ni Jigz na itinapon lang sa kung saan ang kahong natanggap. "Magsiayos na kayo at simulan n'yo nang mag-impake. Maaga pa ang biyahe n'yo bukas."

"Agad-agad? Bukas na kami aalis?!" reklamo ni Aine.

Dumeretso lang si Jigz sa kaniyang silid at umaktong walang narinig. Tuloy ay panay dabog at hinaing ni Aine habang paakyat sa kanilang kuwarto, bitbit ang isang mangkok ng Nachos at isang pitsel ng blue lemonade. Muli kong tinapunan ng tingin ang kapiraso ng papel sa basurahan.

"He's acting like a strict father again," pabuntonghininang komento naman ni Fiara. Tahimik itong sumunod kay Aine.

At some point, gets ko kung saan nanggagaling ang mga reklamo nila. Kahit ako minsan nagtataka rin kung bakit umaakto si Jigz na parang magulang ng dalawa. As far as I know, may magulang pa si Fiara na parehong nasa Canada. Unlike Aine na ulilang lubos na. Hindi ko lang alam kung alam ba 'tong mga biglaang desisyon niya ng mga magulang ni Fiara.

Imbes na maburyo mag-isa sa maliit naming sala, nag-ayos nalang ako ng mga gamit sa kuwarto ko. Nag-impake na rin ako para wala nang hassle bukas.

Wala naman akong reklamo sa pagpapalipat sa'kin ni Jigz ng eskwelahan. Sanay naman na akong palipat-lipat simula elementary pa lang. Takaw-gulo raw kasi ako. Tss. E, sa gulo ang lumalapit sa'kin e.

Patapos na akong magtupi ng mga damit na dadalhin ko at ilalagay nalang sa maleta nang basta nalang pumasok si Aine at patalon na naupo sa kama ko. Sa lakas ng impact ng pagtalon niya, parang nag-slow motion pa ang pagtalsikan ng mga gamit ko. Lumipat ang tingin ko sa kaniya mula sa mga itinupi kong damit na ngayon ay nagkalat na. May mga nalaglag pa nga sa sahig. Ramdam ko ang unti-unting pag-akyat ng dugo sa ulo ko.

"Tutulungan kita d'yan mamaya." Humiga siya patagilid upang magkaharap kami. Nakapatong ang kaniyang ulo sa kamay habang nakatukod ang siko niya sa unan ko. Hindi natitinag sa matatalim na tinging iginagawad ko sa kaniya. "May sasabihin lang ako."

Tumayo ako at humarap sa kaniya, pilit pinapakalma ang sarili. "Busy ako, pwede ka nang lumabas."

"Come on! I'm sure macucurious ka rin dito sa chika ko." Patalon siyang umupo dahilan para muling magsihulog ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng ngiti niya gayong halos magdugtong na ang mga kilay ko rito. Ang akala ko ba kasi ay magbababad na 'to sa pinanonood niya?

"Nananadya ka ba?!" Nagsisimula nang uminit ang ulo ko.

"Makinig ka muna kasi! Just give me a minute," giit niya pa. Ipinagdikit niya pa ang dalawang palad na parang timang na nagmamakaawa.

"Nandoon si Fiara sa kuwarto n'yo—ba't hindi ka nalang bumalik doon at siya ang guluhin mo?!" Tinalikuran ko na siya at totoong nabubuwisit na ako.

"We're going to Sunken High." Natigilan ako sa sinabi niya. "Narinig ko si Jigz na may kausap sa phone. Parang pinapaalam niya roon sa kausap niya na babyahe na tayo papunta d'on tomorrow morning."

Muli akong humarap sa kaniya. Ang kamay ay naiwan sa doorknob ng pinto. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Tapos?"

"Sunken High is in Palawan. Malayong isla ng Palawan. And based on my research, bagong bukas daw ang university na 'yon."

Mas kumunot pa ang noo ko. "Tapos?"

"Ambher." 'Yong boses niya parang napapagod na siya sa'kin. Ako rin naman, banas na banas na sa kaniya kanina pa. "That place was burned almost 30 years ago because of some ruckus between the shareholders of that university which turned out to be members of some mafia organizations. Isn't that creepy? Like, hello? What if isang mafia boss pala ang nagparenovate n'on? Gosh, hindi ko rin alam kung anong topak sumapi kay Jigz para doon tayo ilipat."

"Thank you for letting me know the history of whatever place is that but all I want right now is you out of this room. Now."

Unti-unti kong binuksan ang pinto at itinaas ang kanang kamay para isenyas ang labas ng kuwarto ko.

Binigyan niya lang ako ng matinding irap na may kasamang pagpilantik ng buhok bago padabog na naglakad palabas. Yumuko pa ako sa pagdaan niya sa harap ko na parang nagbibigay galang sa dumaan na reyna. Reyna ng kalechehan.

Nang makalabas siya ay pabato kong isinara ang pinto. May pa-mafia-mafia pang nalalaman. Tss.

Kinabukasan, as usual ako na naman ang unang nagising. At us usual ulit, alas otso na at handa na ang lahat pero kagigising pa lang ng tulog-mantikang si Aine. Tuloy ay tanghali na kami nakaalis ng bahay.

"Ihahatid ko lang kayo sa Palawan. Kabilang isla pa ang eskwelahan kaya kailangan n'yo pang sumakay ng bangka," paliwanag niya pagkapasok naming lahat sa kaniyang kotse. "Don't worry may kinausap na akong maghahatid doon sa inyo. Mapagkakatiwalaan iyon."

"Dahil sa bagal kumilos ng isa d'yan, baka bukas na madaling araw na kayo makarating doon." Sinamaan niya pa ng tingin si Aine sa rearview mirror. Wala namang pakialam ang huli na abala sa pagtitirintas ng kaniyang buhok sa back seat. Katabi niya si Fiara na naka-shades at may suot nang neck pillow—mukhang handa nang matulog.

"Hindi ka sasama?" tanong ko sa katabi ko habang nasa labas ang tingin. Nagsimula na siyang imaneobra ang sasakyan.

"Hindi na. May kailangan pa akong asikasuhin pagkatapos ko kayong ihatid." Bumaling siya sa'kin saglit bago muling itinututok ang atensyon sa daan. "Bakit? Gusto n'yo pa bang magpasama? Baka kailangan ko pa kayong kumutan bago matulog doon."

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang wala sa hulog niyang sense of humor. Inirapan ko lang siya.

Tahimik ang buong biyahe. Palibhasa mahimbing na natutulog ang dalawa sa likod. 'Yong neck pillow at shades na suot ni Fiara kanina ay na kay Aine na. Tuloy ay panay ang galaw ni Fiara. Halatang hindi na komportable.

"Nandito na tayo."

Pagkatapos ng napakahabang biyahe, binanggit din ni Jigz ang mga salitang kanina ko pa gustong marinig. Hindi ko talaga gusto ang mahahabang biyahe. Nauna siyang bumaba ng kotse na sinundan ko naman. Hindi na kami nag-abala pang gisingin ang dalawa dahil maya-maya magigising naman na 'yon. Bukod kay Aine. Mukhang kailangan pa namin siyang buhusan ng tubig-alat bago bumangon.

Umupo ako sa tuktok ng bumper ng kotse. Pinanood ko lang si Jigz na makipag-usap sa isang lalaking mukhang kaedad niya lang. Sa tingin ko ay ito ang bangkero na maghahatid sa'min sa kabilang isla.

Nagulat ako nang bumaling sa'kin ang lalaki at bahagyang ngumiti. Kumunot lang ang noo ko at hindi na nag-abalang gantihan siya ng ngiti. Mas lalo akong nagtaka nang lumapit si Jigz habang nakaakbay na sa matanda na ngayon ay titig na titig pa rin sa'kin.

"You've now grown as a pretty young lady, huh?"

Napaawang ang mga labi ko nang magsalita siya fluently ng english. Judgemental na kung judgemental pero sa medyo madungis niyang itsura, hindi mo aakalaing ganoon siya kafluent mag-english. T@ngina, daig pa yata neto si Fiara.

Nakangiti pa rin sya nang maglahad ng kamay sa'kin. Pinunas niya pa ito sa kaniyang marumi rin namang kamiseta.

"Nice to meet you, Lady Ambher."

________________________________________________

dearpsycho;

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gangster's Society Series 1: The Rise of Sunken High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon