Kabanata I : Salamat

4 0 0
                                    

AMBHER LEIGH



"OH MY GOOOSSSHH!"


Agad kong ibinato kay Iñigo ang bola at saka kumaripas ng takbo papunta sa likod ng barbequehan. Dinig ko pa ang pagdaing nito nang tamaan siya mismo sa mukha.


"Ambher Leiiiighhh! Lalabas ka riyan o kakaladkarin talaga kita papunta kay Jigz?!!"


Inis kong sinuklay pataas ang buhok na tumatabing sa mukha ko habang sinisilip ang babaeng kararating lang. Si Aine. Tsk. Bakit ba kasi nandito na naman 'to?! Epal talaga.


"Ber!" pagtawag ni Iñigo. Mariin akong napapikit. 'Di rin marunong makiramdam ang isang 'to e. "Chics mo sinusundo ka na!" Dinig ko pa ang tawanan ng mga barkada niya.


Umalis ako mula sa likod ng malaking mama na nagtitinda ng barbeque na tinaasan lang ako ng kilay. Tss. Sinalubong ako ng masamang tingin ng babaeng naka-dalawang tirintas, blue na blue ang suot mula sa buhok hanggang sa sapatos, maging ang kulay ng mga labi, at salubong ang kilay na nakatitig sa'kin. Nakakrus pa ang kaniyang mga braso.


Altriane Syrene Alegre. Sampung taon nang nangungupahan sa amin. Hindi ko kaibigan pero madalas na nangingialam sa buhay ko. Madaldal, madaming satsat, maingay—pakialamera, napakapakialamera, at sobrang pakialamera talaga.


"Akala ko ba may practice ka buong maghapon?" angil ko nang makalapit sa kaniya.


Tinaas ko lang ang kanang kamay ko bilang paalam kila Iñigo. Tumango lang siya at nagpatuloy na sa paglalaro. Halatang nagpipigil ng tawa. Bad trip. Kung kailan ang ganda na ng laro saka naman umepal 'tong babaeng 'to.


"Kaya nagawa mong pumuslit dito at magbasketball?! Hindi ba't pinagbawalan ka na ni Jigz? Argh! Hindi ka talaga nakikinig—Hooyy! Hintayin mo 'ko!"


Nilagpasan ko lang siya at nauna nang naglakad pauwi. Daming kuda e. Nakakairita.


"Ka babae mong tao—panay ang pakikipaglaro mo doon sa mga balahurang mokong na 'yun?! Bakit ba naman kasi hindi ka na lang manatili dito sa bahay at ayusin 'yang sarili mo?"


Hanggang sa makauwi kami hindi niya ako tinantanan sa kakukuda. Lumapit pa siya sa'kin at inamoy ang buhok kong ilang araw nang walang suklay. Iritable akong lumayo sa kaniya at saka pinunasan ang mukha kong pawisan.


"Naliligo ka pa ba?" Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng batok.


Lokong 'to. Hindi lang nag-susuklay, hindi na naliligo?


"Ano ba 'yan? Ang aga-aga rinig na namin sa labas ang bangayan ni'yong dalawa."


Pabagsak akong umupo sa sofa nang dumating sila Jigz. Agad namang kinuha ni Aine ang mga dala nitong groceries. Umupo rin ito sa harap ko para sandaling magpahinga.


"As usual," pabuntonghiningang sambit ng babaeng kasunod ni Jigz. Si Fiara. May dala siyang isa pang paper bag ng grocery at dalawang basket ng prutas na isinisenyas niyang kunin din ni Aine. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng huli.


Umirap lang siya at tinungo na ang kusina para ilagay roon ang mga hawak niya. Pagkalabas niya ay nagpupusod na siya ng mahaba at plantsado niyang buhok. Itim na itim ang kulay niyon na bumagay naman sa maputi niyang balat.


Fiararylle Dionne Fuerto. Walong taon nang nangungupahan sa amin. Tipid magsalita at panay ingles pa. Snob at masungit kung titignan pero mabait naman. So far.


Gangster's Society Series 1: The Rise of Sunken High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon