2.

5 0 0
                                    


Nang makatayo ako ay hindi ako makatingin sa kanyan dahil kinakabahan ako, baka pabayad n'ya saakin ang nabasa nyang damit. wala naman akong perang pambayad sa kanya dahil mukhang mamahalin ang mga soot nito. At baka makarating ito kina Mr. Torres at matangal ako sa trabaho.

" Are you ok? " Tanong nito.

" H-ha o-opo, ok lang po ako " kinakabahan kong sagot habang naka yuko pa rin.

" Hey, bat' ka naka yuko, kinakausap kita " usal nito kaya agad akong tumingin sa kanya.

Ng makatingin ako sa kanya ang napa titig ito at naka nganga. ng mahimasmasan s'ya ay agad itong ng iwas ng tingin at nag salita.

" Are you sure na ok kalang? " Pagsisigurado nito.

" H-ha opo, ok lang po talaga ako " pagsisigurado ko rito. " Sorry po talaga, hindi ko po kasi kayo napansin " panghihingi ko ulit ng tawad.

" It's ok, sa susunod mag ingat ka. " Wika nito bago umalis.

Ng makaalis ito sa harapan ko ay sinundan ko ito ng tingin at dun ko lang na pansin na ang tangkad n'ya pala, moreno rin ito at makisig ang katawan.

" kian, anong nangyari sayo? " Tanong ni Aaron. Nadatnan n'ya kasi akong nililinis and natapunan na tubig sa flooring.

" Ha, may nabunggo kasi ako tapos natapos sa kanya yung tubig. Buti nalang mabait ito at hindi ako sinigawan o pinabayad yung nabasa nyang damit. " Kwento ko rito habang nililinis pa rin.

" Ganon ba " wika nito. " Alam mo ba, sabi sabi ay ngayon daw darating ang anak nina Ms. Torres. " Wika ulit nito.

" Ganon ba, anong oras daw darating " curious kong tanong.

" Hindi ko alam, sabi ng iba ay dumating na raw ito kanina " aniya.

Kaya tumango nalang ako, ano kaya itsura ng anak nina Mr. Torres siguro gwapo rin ito gaya kay Mr. Torres kasi sobrang gwapo nito at sobrang ganda rin ni Ms. Torres kaya hindi na'ko mag tataka kung ang anak nila ay gwapo rin kagaya ni Mr. Torres.

Ng matapos ang trabaho namin ni Aaron ay napag desisyonan muna namin na pumunta sa sentro dahil mag gro-grocery daw si Aaron. nagpapasama ito kaya sinamahan kona at wala naman akong gagawin sa bahay.

Nag ikot ikot muna kami sa sentro at kumain ng mga street food bago kami pumasok sa mall para mag grocery. Ng naka pasok kami sa mall ay niyaya muna ako ni Aaron na mag tingin tingin ng mga damit gusto n'ya raw kasi bumili ng tingin tingin narin ako habang hinihintay ito. May nakita akong puting t shirt kaya tinignan ko ito ang lambot ng tela at ang ganda ng desenyo sa harap. Bibilhin ko sana pero ng makita ko ang presyo nito ay agad ko itong binalik dahil ang mahal nito.

" Ang mahal naman 499, sa labas nalang ako bibili pag nag sahod na " wika ko sa sarili ko.

Kaya hinanap ko nalang si Aaron upang samahan nalang ito pumuli ng binilhin n'ya, ng makita ko ito ay agad ko itong nilapitan namimili ito ng pantalon.

" Ho Kian, may napili ka? " Tanong nito

" Oo kaso ang mahal 499 sa labas nalang ako bibili pag naka sahod na " wika ko habang nag titingin din ng mga pantalon.

" Kunin mo na, libre ko nalang sayo dahil sinamahan mo'ko " aniya habang namimili pa rin kaya napa tingin ako sa kanya.

" Totoo ba? " Masayang tanong ko?

" Osige 'wag na, ayaw mo ata e " wika nito kaya agad akong tumutol at bumalik sa kanina kong pwesto at hinanap ang Tshirts na gusto ko.

Ng matapos kaming mamili ng damit ay nag pasalamat uli ako rito at sinamahan kona itong mag grocery ako na ang nag kusang mag push ng pushcart para maka bawi sa pag libre n'ya sa'kin.

" Hindi kaba mag gro-grocery? " Tanong nito habang kumukuha ng mga delata.

" Hindi na muna, wala pa'kong pera sa sahod nalang. " Sabi ko habang sumusunod sa kanya.

Nagpatuloy lang sa mag grocery si Aaron habang ako ay nagtitingin tingin lang ng matapos kaming mamili ay nag ayang kumain muna si Aaron sa isang fastfood kaya tumango nalang ako at libre n'ya naman kaya walang dahilan para tumanggi ako.

Naka pwesto kami sa sulok habang kumakain kami ay nag kwekwentuhan lang kami ng mga bagay bagay, nag matapos akong kumain ay tinitignan ko nalang ang mga dumadaan sa labas dahil ang bagal talagang kumain ni Aaron. Ng mapa tingin ako sa isang lalaking familiar sa'kin at ng matitigan ko ito ay nakilala ko ito, ito yung lalaking natapunan ko ng tubig meron itong kasamang magandang babae habang  nakayakap ito sa bewang ng babae.

Ilang sandali lng ay naisipan na namin umuwi upang makapag pahinga na at mag a-alasingko na ng hapon. Kauwi ko ay naligo muna ako at umiglip muna dahil napagod ako kakalakad kanina at mag aalarm  nalang ako ng alasais para makapag luto na ng hapunan namin ni papa.

Ng magising ako ay naghanda na agad ako para makapag luto ng ng hapunan naisip kong lutuin nalng ay adobong manok dahil matagal tagal narin noong huli kong kain nito. Ng matapos ako ay nag hain na'ko sa lamase dahil maya maya lang ay siguradong darating na si papa.

Umupo muna ako sa sofa habang hinihintay si papa ng bigla nalang bumukas ang pinto kaya napatayo ako para tignan ko sino ang pumasok ng makita kong si Papa ito na lasing na lasing lalapitan ko sana ng bigla nalang itong tumingin sa'kin ng masama kaya napa atras ako.

" Hoy Kian, bigyan mo nga akong pera! At babalik ako sa sugalan! " Wika nito

" W-wala pa pong akong sahod Pa " wika ko

" Wala akong pakealam kung wala kapang sahod! Bigyan mo'ko ng pera! " Galit na wika nito.

" P-pa, w-wala po talaga " natatakot kong Sabi. Nag bigla nalang itong pumasok sa kwarto ko, kaya agad ko itong sinundan at nakita ko itong kinakalkal ang lalagyan ko ng damit.

" P-pa wala po talaga akong pera " pagpipigil ko sa kanya ng bigla n'ya nalang akong tinulak ng malakas kaya tumilapon ako sa pader kaya napa singhap ako.

Nabigla ako ng makita kong hawak ni Papa ang pitako ko at kinukuha ang ipon kong tatlong libo kaya pinigilan ko ito.

" Pa 'wag ko ipon ko po 'yan para sa birthday ko! " Malakas sa sabi ko rito at pilit na kinukuha ang pera sa kamay nito ng bigla n'ya nalang akong suntukin sa sikmura kaya napa luhod ako sa sakit.

" Wala akong pakealam kung ipon mo ito para sa birthday mo, sabi ko sayo diba bigyan mo'ko ng pera at babalik ako sa sugalin " wika nito at hinawakan ang panga ko at sinampal bago umalis.

Napa iyak nalang ako dahil inaalala ko ang ipon kong pera para sa birthday ko, balak kong bumili ng cellphone na touchscreen para iregalo ko sa sarili ko sa darating na kaarawan ko ngunit ngayon ay malabo na dahil kinuha ito ni Papa.

Hindi na'ko lumabas ng kwarto upang kumain dahil nawalan ako ng gana at umiyak nalang ako ng umiyak sa kama dahil sa sakit ng katawan ko at pagka wala ng pera ko. Hindi ko namalayan naka tulog na pala ako dahil sa sobrang pag iyak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THROUGH GENERATION OF LOVE Where stories live. Discover now