Kian POV:
" Kian! " Galit na sigaw ni Papa habang malakas na kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"kanina pa ako sigaw ng sigaw dito wala kabang naririnig?!?! O nag bibingibingihan ka lang bata ka!! " Bungad ni papa sambay sapal ng malakas sa pisngi ko ng buksan ko ang pinto.
" Sorry po pa, hindi ko po kasi narinig" panghihingi ko ng tawad habang naka yuko dahil nararamdaman ko ng tutulo ang mga luha ko ano mang oras.
" at sumasagot ka pa!?! " Galit na sigaw nito habang naka hawak sa pisngi ko.
" Sinabi ko sayo diba!, maaga kang magising at ipagluto mo'ko ng almusal!? " Pag papaalala n'ya sa utos n'ya sa'kin.
" Sorry po pa, late na po kasi akong nakauwi kagabi galing trabaho " paliwanag ko.
" Wala akong pakealam kung late ka umuwi, sa susunod na hindi mo'ko pinagluto ng almusal tatamaan ka sa'kin " aniya bago ako bitawan at itulak ng malakas kaya napa upo ako sa sahig.
Ng umalis si papa ay doon sunod sunod na luha ang pumatak, hindi pa man magaling ang mga pasa sa aking katawan dahil sa pagbubugbog ni Papa ay meron nanaman sa aking mukha.
Hindi ko alam kung bakit lagi nalang akong sinasaktan ni Papa, lalo na pag lasing ito lagi nalang akong nalalatayan ng sintoron sa aking likusan kahit na wala nama akong ginagawa.
Lumaki akong si Papa lang ang kasama ko, mahirap lang kami, minsan ay hindi ako pinapakain ni Papa at kinukulong ako sa kwarto.
Hindi ako nakapag aral dahil sa hirap ng buhay at ayaw rin akong pag aralin ni Papa dahil sayang lang daw ang gagastusin kung pag aaralin n'ya pa ako dahil wala naman s'yang mapapala sa'kin.
Mabuti nalang at naging kaibigan ko si Aaron at tinulingan n'ya akong makapasok sa trabaho n'ya.
Nagtratrabaho ako sa isang hotel dito na Sta. Fe, buti nalang at naghahanap sila ng taga linis ng mga rooms kaya agad akong naka pasok kahit na wala akong pinag aralan.
Malaki ang hotel na pinagtratrabauhan namin ni Aaron, mabait ang mga may ari ng hotel sa pagkakaalam ko ang mga Torres ang nagmamay ari nito. at sabi sabi na meron daw silang isang anak na lalaki pero ubod ng sama at babaero pa ito.
" Anong nangyari sa mukha mo Kian? " Tanong ni Aaron habang tinitignan ang pasa sa mukha ko. " Sinaktan ka nanaman ng Tataybmo? "
" A-ah, O-oo nakalimutan ko kasing ipagluto ng almusal kanina dahil late na'ko nagising " paliwanag ko habang naglalakad kami, dahil papasok nakami sa trabaho.
" Ano, wala na bang alam gawin yang Tatay mo kundi saktan ka? " Naiiritang wika nito.
" Hayy, sobrang bait mong anak 'no?, sinasaktan kana lahat lahat ng Tatay mo hinahayaan mo lang " aniya habang naka tingin sa harapan namin
" Hayaan mona kasalanan ko rin naman " sabi ko.
Kaibigan ko na si Aaron simula nung bata pa kami, Pag wala si Papa at pumupunta ako sa kanila para makapag laro kami at tinuturuan n'ya rin ako mag basa kung ano ang pinag aralan n'ya sa skwela ay tinuturo n'ya sa'kin kaya kahit papano ay may alam naman ako. Mabait ang pamilya ni Aaron pagsinasaktan ako ni Papa at hindi pinapakain ay pinapatuloy nila ako sa kanila para gamutin ang mga sugat ko at pakainin ako.
Kaya malaki ang pasasalamat ko dahil naging kaibigan ko si Aaron dahil kahit lagi akong sinasaktan ni Papa ay nanjan s'ya at ang pamilya n'ya para sa'kin, kahit papaano ay naramdaman ko ang pakiramdam ng pagmamahal ng pamilya, pinaramdam nila sa'kin ang pagmamahal ng Ina, ama, at kapatid. Hindi tulad ng tunay kong pamilya, hindi ko alam kung nasaan ang aking Ina at si Papa naman ay hindi ko mawarinkung bakit sobrang laki ng galit n'ya sa'kin at lagi nalang akong sinasaktan.
YOU ARE READING
THROUGH GENERATION OF LOVE
RomanceA BL STORY where in Kian is a poor guy who works at the Torres' hotel, will Kian's path cross with the son of the Torres who has a bad attitude and is a womanizer? what will happen if the paths of the two cross?