CHAPTER 2

487 12 3
                                    









Kenny




"ikaw!!"

"ikaw!!" sabay pa naming sigaw

"Mr. kenny Ignacio may problema ba tayo sa transferee" pabalang na saad ni maam castro, nahiya naman ako at napayuko bago umiling.

"wala po ma'am" pagkasabi ko nun ay nagtuloy siya sa pagsasalita tungkol sa lesson, saglit ko pang tinignan ang katabi ko ng makita itong nakangisi sakin at sinamaan ko siya ng tingin at humarao nalang sa unahan.





"ano yung eksena mo kanina ate ko" bungad ni kelsey ng makaupo kami dala ang aming pagkain.

"teh naman diba nalate ako kahapon??" tumango naman siya sa tanong ko at nagpatuloy

"siya yung dahilan nun dahil muntikan nakong mabangga ng motor niya at siya pa ang matapang kaya ganun ang naging reaksyon ko kanina pagkakita sakanya" naiinis ko lintiya

"hahahahahah kaya pala ganun ang itsura mo kanina hahahah so ang transferee pala ang dahilan ng muntikan mong pagkalate ahhaahha" natatawang saad pa ni kelsey

Nilihis ko nalang sa ibang topic ang aming kwentuhan para hindi nako mainis.

Habang kumakain kami ni kelsey medyo umingay ang cafeteria samahan pa ng mga bulungan kaya lumingon kami ni kel sa paligid, nakita namin na ang transferee na bagong pasok sa cafeteria pala ang dahilan ng ingay.


'ang gwapo niya no'

'oo nga swerte naman ng mga taga section A'

'balita ko galing siya sa mayaman at kilalang pamilya'

'ayy oo kilala ng parents ko ang pamilya niya'


ilan lang yan sa mga narinig kong bulungan tungkol sa transferee, mayaman?? kilalang pamilya?? eh bakit dito pa sa public na school siya nag-aaral kong mayaman siya??, natigil lang ang aking pagiisip tungkol sakanya ng nasa harapan ko na pala siya na kinabigla ko

"hi, pwede maki share ng upuan at lamesa punuan na kasi eh" kumaway pa siya at nakangiti, nagulat ako sa turan niya kaya hindi agad ako nakasagot.

"a-ahh o-okay l-lang patapos nanaman kami" utal kong sagot sakanya dahil paubos na talaga ang aming kinakain, umupo naman siya sa tabi ko kaya umurong ako ng kaunti.

walang umimik samin pero si kelsey palingon-lingon pa sa direksyon namin, may naririnig pakong mga bulungan kesa daw ang swerte ko kasi sakin tumabi itong lalaki, gusto niyo sainyo nalang tumabi eh, tumayo naman ako kasi tapos nako.

"tara na kel malapit na mag time" sabi ko kay kel hindi ko na nilingon ang lalaking tumabi samin, tumango naman si kel at tumayo nadin.

Naglakad na kami palabas ng cafeteria habang naririnig padin ang chismisan.

"kala ko tatanggihan mo na makishare siya satin sa upuan" biglang saad ni kel.

"no choice ako kasi punuan na talaga kaya pinaupi kona tsaka wala pa siyang kilala" dahilan ko nalang sakanya

nakarating na kami sa classroom na unti palang ang tao kaya umupo muna kami para magpahinga.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok naman ang transferee hindi ko pa alam ang pangalan niya na wala naman akong balak alamin pa.

kasunod na pumasok ang prof kaya nagsiayus na ang lahat, nagdiscuss lang si maam at nag pa quiz buti nalang nakinig ako kaya may kataasan ang aking score.

Iisang subject lang kami tuwing friday kaya ng matapos ito ay uwian na nagpaalam muna ako kay kel na magc-cr kaya sabi ko mauna nalang siya umuwi.

naglakad nako patungo sa cr dahil kanina pako naiihi tinitiis ko nalang kasi nga kailangan kong makinig sa lesson para sa quiz.

Pagkalabas ko ng cubicle ay nagulat pako ng nakita ko ang transferee na naninigarilyo sa loob nitong cr, nagitla rin siya ng makita ako pero napalitan yun ng ngisi hindi ko nalang siya pinansin at nag hugas nalang ng kamay.

"so ikaw pala ang muntikan ko ng mabangga kahapon right?? im Dilmark Gozon and you??" biglang tanong niya na ikinaharap ko sakanya nangunot naman ang noo ko sakanya pero nakangisi lang siya.

"oo ako nga at hindi ko tinatanong ang pangalan mo" mataray kong sagot sakanya, bahagya naman siya natawa na lalo kong kinainis.

"Ang attitude mo naman nagpapakilala lang naman ako ah" nakasimangot na niyang sabi nakangiwi ko naman siyang tiningnan.

"tsee diyan kana nga kainis" naglakad nako palabas ng marinig ko pa siyang nagsalita.

"nice butt huh" nakangisi niyang sabi kaga masama ko siyang tinignan

"manyak!!!" sigaw ko sakanya kaya tumakbo nako paalis.




agad akong naglakad papunta sa coffee shop medyo malapit lang naman dito kaya lalakarin ko nalang, pagkarating ko doon ay katulad ng lagi kong ginawa pagseserve at naglilinis ng lamesa hanggang sa matapos ang shift ko ay hindi parin mawala-wala ang tao kaya buti nalang ay nakadating na agad ang papalit sakin.

Nagpaalam nako sa mga kasamahan ko bago ako dumiretso sa bilihan ng ulam dahil sabi ko kay mama ay ako na ang bibili ng ulam namin kasi nga maaga ang tapo nh shift ko, matapos kong bumili ay agad akong pumara ng jeep pauwi na.


pagkauwi ko ay nakita ko si mama na nanonood ng tv kaya inaya ko na siya kumain.

"ma sa lunes pala ay invited ako sa birthday ng kaklase ko kaya baka late nako makauwi nun" sabi ko sakanya habang nakain kami, tumango naman siya.

"sigee pero ang bilin ko ha bawal uminom ha" tumango naman ako kaya nagtuloy na kami sa pagkain.

Natapos kami sa pagkain kaya sabi ko ako na maghuhugas kaya nanood nalang ulit si mama sa tv.

Umakyat nako at ng goodnight kay mama dahil tutulog nako kahit maaga pa at walang pasok bukas, hindi ko kasi trip mag puyat ngayun lalo na't galing akong trabaho.

pagkatapos kong maglinis ng katawan ay agad akong humiga at nag scrolllang sa fb pampaantok.

Hanggang sa tuluyan nako lamunin ng antok.



Mabilis lumipas ang sabado at linggo na ngayun magsisimba kami ni mama at sa labas na kakain yun lagi ang aming ginagawa ni mama bonding narin namin to kumbaga.

"nak ang bilin ko ha wag kalimutan" ulit ni mama dahil ngayun ay lunes na at birthday na ng kaklase ko.

"opo sigee na papasok napo ako kaya ma ingat kayo" sabi ko at tumango naman siya at ngumiti.

nag tricycle nako dahil malayo ang abangan ng jeep samin isang street pa ang kailangan daanan.

hanggang gate lang ako nagpahatid para sulit ang bayad ko.

"guyss aasahan ko kayung lahat mamaya ha" bungad ni janela na kaklase naming magb-birthday nag yes naman ang lahat kaya napangiti siya.

"ikaw ken sasama ka??" tanong sakin ni kelsey, tumango naman ako.

"ikaw??" balik ko sakanya

"oo kasi may alak daw dun heheheehe" adik talaga tong babaeng to sa alak pero ako bawal dahil malilintikan ako kay mama.

napatingin ako sa katabi ko ng nakasubsub ito sa desk niya na parang natutulog, hindi ko nalang pinansin yun at nakipagkwentuhan na kay kelsey ng kung ano ano.

"huy ang ingay niyo!" may diing sabi at nag angat ng ulo itong katabi ko kaya tinignan ko siya, masama ang tingin niya na ginantihan ko naman.

"ang hina hina kaya ng boses namin tsaka bakit kaba natutulog dito sa room??" pataray kong sagot sakanya mas sumama naman ang muka niya at umubub na ulit.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My GangsterWhere stories live. Discover now