CHAPTER 1

910 19 2
                                    











Kenny



"Ma alis na po ako, ingat kayo sa trabaho ha" saad ko habang papalabas ng bahay

"anak sandali lang, ito oh dagdag mo sa baon mo" sabay lahad niya sakin ng onehundred, tinulak ko naman ang kamay ni mama at umiling.

"nako ma wag na meron pa naman akong pera dito kaya itabi niyo nalang iyan" sabi ko sakanya at ngumiti, niyakap ko siya at naglakad na paalis

Malapit lang naman ang pinapasukan kong School kaya nilalakad ko nalang ito, college na pala ako at ang kinuha ko ay about business yun talaga ang gusto ko dahil yun ang pangarap ni mama pero hindi niya iyon natupad dahil sa hirap ng buhay dati.

About naman sa tatay ko, diko alam kung nasaan nayun pero ang sabi sakin ni mama iniwan siya nito noong pinagbubutis niya ako, wala narin akong paki sakanya kasi iniwan niya kami.

Habang naglalakad ako biglang may humaharurut na motor ang muntikan nang mabangga ako, natumba ako at tumigil naman ang nakamotor.

"huy!! bat ba pahara-hara ka sa daan!!" sigaw sakin ng lalaki at hinubad ang helmet niya, lumabas naman ang muka niyang gwapo, saglit akong napatulala bago sumagot.

"huy lalaki ang kapal mo namang sigawan ako ikaw nanga tong mutikan na akong mabangga at hindi ako pahara-hara tawiran kaya to gagong to" balik kong sigaw sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"aba't—" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng biglang may sumigaw na mga kalalakihan sa likod ko, nanlaki naman ang kanyang mata at hinila ako sa likod ng pader dito sa malapit na bahay.

"huy!!!!!......lintek na lalaking yun natakasan nanaman tayu, kayo hanapin niyo siya malalagot tayu kay boss pag hindi siya nahanap" rinig kong saad ng mukang lider ata nila.

"sino b—" hindi natuloy ang sasabihin ng takpan niya ang bibig ko.

"shhhhh wag kang maingay" bulong niya at sobrang lapit ng muka.

ilang minuto pa kaming nasa ganoong posisyon bago umalis ang mga lalaking may hinahanap, tinulak ko naman siya paalis kaya nakahinga ako ng maluwag.

"huy ikaw ba ang hinanap ng mga yun?? at dinamay mopa ako" tanong ko naman sakanya.

"oo at anong dinamay hindi no, pahara-hara ka kasi at baka ikaw pa ang dahilan para mahuli nila ako" sinamaan niya ako ng tingin, naalala ko na may pasok pako kaya napatingin ako sa relo ko at nagulat ako shitttt naman late nako

"shittttt!!!....late nako, kasalanan motong lalaki ka" sinamaan ko siya ng tingin bago kumaripas ng takbo, malapit nanaman ako sa schook kaya unting takbo nalang ay makakarating nako.


Ng makarating ako sa school ay agad akong umakyat sa 4th floor meron ding ibang nagmamadali, ng makarating ako sa 4th floor ay buti nalang hindi pa nagsisimula at wala pa ang prof namin.

"oh sisss hingal na hingal ka ata" bungad sakin ni kelsey ang nagiisang kaibigan ko.

"akala ko late nako bwiset kasing lalaki yun muntikan nakong mabangga" asik ko natawa naman siya.

"buti nalang wala pa si ma'am hahahahaha" saad naman niya na natawa, tumawa nalang din ako haysss nadumihan tuloy ang damit ko sa may laylayan unti lang naman dahil sa pagbagsak ko kanina sa kalsada.


Nagsiayos na kaming lahat ng dumating na ang prof namin nag discuss lang siya at pinasulat kami.

"by the way class may bago pala kayung magiging kaklase bukas ang dating niya kaya sana pakitunguhan niyo siya ng mabuti" nag yes naman ang iba at ang iba ay tumango, huh bat tumatanggap pa sila ng bago eh halos kalahating taon na ah.

ng matapos ang si maam ay recess na kaya lumabas na kami ni kelsey para pumunta sa cafeteria sandwich lang at juice ang binili ko dahil nagtitipid din kasi ako habang si kelseg naman andaming binili ililibre niya sana ako kaso sabi ko wag na, nakakahiya narin sakanya kasi palagi niya nalang ako nililibre.

"bess narinig ko kanina na ang transferee daw na magiging kaklase natin ay anak ng kilalang businessman sa pilipinas" nagtaka naman ako sa sinabe niya, huh bakit naman dito sa school nato eh public to tsaka baka hindi siya sanay dahil anak mayaman nga.

"huh bakit dito pa sa public??" nagtataka kong tanong, nagkibit-balikat nalang si kelsey.

ng matapos kami sa pagkain agad kaming bumalik sa classroom para sa sunod na subject as usual discuss dito discuss doon hayssss kasawa na medyo tinatamad na nga ako eh pero hindi dapat ako tamarin para kay mama.



Pagkatapos ng lastsubject ay agad akong lumabas para  pumunta sa part-time job ko sa coffee shop alam ni mama ito, pero nung malaman niya pinapatigil niya ako sabi ko ok lang kaya ko naman pagsabayin ito at ang pagaaral tsaka para makatulong ako sakanya hanggang sa pumayag nalang siya.


"hi ate bibs" bati ko sa cashier namin ito ang ate samin saka sobrang bait din

"hello ken, bihis kana at marami tayong costumer ngayun" agad akong tumango at nagpunta sa locker namin saka nagbihis nakita kopa ang iba kong kasamahan na busy dahil marami talaga ang costumer, agad akong tumulong sakanila ng matapos akong magbihis.

"ken paki-serve nga nito dun sa table 6 thankyouu" utos sakin ni ate jelay agad ko itong kinuha sakanya at naglakad patungo sa table 6.

"this is your order ma'am enjoy po" malapad kong ngiti na saad dito, saka umalis para sa iba pang order.




"hayyyy sa wakas tapos na" saad ni kuya josh at naguunat-unat pa siya, tapos marin kaming maglinis at nagpapahinga nalang kami, nag close narin kasi kami dahil maaga talaga magsara itong coffee shop.

"oh ken mauna kana at may pasok kapa kami ng bahala dito sige na" saad ni ate bibs.

"oo nga ken sige na at para magawa mo na din ang ibang gawain mo" saad naman ni ate jelay, tumango naman ako sakanila kaya pumunta ako sa locker at at nagpalit na ng uniform ko, pagkatapos ko lumabas nako saka nagpaalam sakanila.

"mga ate, kuya una napo ako ingat po kayo dito" paalam ko sakanila at kumaway pa.

"sige ken ikaw den ingat ka babye" paalam nila sakin saka na ako nag lakad paalis isang sakay lng ng jeep dahil malapit narin naman ang amin.




pagkarating ko sa bahay ay tulog na si mama kaya pumunta ako sa kusina at nakita ko ang nakatakip na ulam sa lamesa, kumain nako at hinugasan ang pinagkainan pagkatapos ay pumunta nako sa kwarto ko at naglinis ng katawan bago matulog.




Kinaumagahan ay agad akong nag-gayak papunta sa school para maaga ako hindi katulad kahapon na malapit na malate tsaka sana hindi na sumulpot ang lalaking iyon.



pagkarating ko sa school ay dumiretso muna ako sa library dahil maaga pa talaga wala pa masyadong tao, nagbasa-basa lang ako para malibang pero hindi ko inaasahan na makakatulog ako.

pagkamulat ko ay marami na ang mga tao dito sa library agad kong tinignan ang relo ko at shitttt!!,... 1minutes nalang at mag sstart na ang klase.

halos liparin kona ang daan para lang makapunta sa room namin, pagkarating ko sa room ay nag didiscuss na si maam kaya napatigil siya sa pagsasalita ng makita ako.

"oh Mr. Aljeres you're late" saad ni maam kaya napakamot nalang ako sa batok.

"sorry maam" sagot ko nalang, nagbuyong hininga naman si maam saka ako pinapasok at pinaupo, pagkaupo ko ay napabaling ako sa katabi ko ito na ata ang bago naming kaklase kaya kinalabit ko ito para magpakilala ako pero ng humaral siya sakin ay laking gulat ko kung sino ito siya??.....


siyaaa......!?

s-siya y-yung m-muntikan nakong mabangga kahapon

"ikaw!!"

"ikaw!!" sabay pa naming sigaw.

My GangsterWhere stories live. Discover now