Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1

"Late ka na tanga!" Bungad sa akin ng mga kaklase ko pagkapasok ko ng classroom. It's our second and last year as senior high schools.

"Baliw six thirty pa lang!" Sigaw ko pabalik. "Wala pa nga yung tatlo oh," Dagdag ko.

"Ikaw raw ulit president ngayong taon sabi namin," Proud na sabi ni Sam habang tumatawa pa.

"Parang-awa niyo na pagpahingahin niyo na ako ngayong taon," Sagot ko at umupo sa pinakaharap. Dahil iisang side lang naman ng upuan namin ang may lamesa, nakatagilid akong nakaupo para makita sila.

"Isang taon mo na lang kami titiisin oh 'te," Nagmamakaawang saad ni Gian. "Tsaka sinong ibang magfi-fit sa president e nand'yan ka na," Pambobola niya sa akin.

"Ulol tigilan mo 'ko sa paganyan-ganyan mo!" Tumatawang ani ko. Umupo bigla sa tabi ko si Sam habang nililibot ko ang tingin sa classroom namin. Napahinto ang mata ko nang makakita ng hindi pamilyar na mukha.

"Transferee ata or galing sa ibang section," Bulong ni Sam sa akin kaya nilingon ko siya.

"Imposibleng ibang section lang 'yan galing, halos kilala ko mga nasa ibang section 'no," Pabulong na sambit ko rin.

"Sa apat na section ng STEM? Baliw," Sambit niya at hinampas pa ako sa braso.

"Huy 'te balita ko may---"

"Shh," Putol agad ni Chia kay Flevi bago pa matapos ang sinasabi nito. Sinenyasan niya si Flevi gamit ang mata niya. Ang lakas-lakas kasi ng boses ni Flevi e, akala mo naka-loudspeaker lagi.

"Ano ba 'yon?" Mahinang tanong ko at hinintay silang makaupo.

"May mga transferee daw sa section na'tin sabi ni Sir Castro, isa na yun oh," Pabulong na sagot niya at nginuso ang pwesto ng lalaking tinitignan ko kanina. Pinakatitigan ko siya, side profile niya lang kasi ang kita ko dahil may kausap siya na mga kaklase rin namin.

He's handsome, model level type of handsomeness, kahit side profile niya lang ay malakas na ang dating. I can't help but notice how his nose are perfectly sculptured, he have a high nose bridge, he looks like a foreigner. Singkit ang mga mata, maputi, sharp jawline, and he's really really tall. I can say that kahit nakaupo siya dahil sa mga biyas niya. His hair is messy, mahaba 'yon at umaabot sa eyes niya. But it looks good on him, para ngang hindi 'yon magulo dahil bagay na bagay sa mukha niya 'yon.

"Unapproachable siya tignan for me," Inalis ko ang tingin sa lalaki ng magsalita si Sam. "I mean, halatang gwapo pero unapproachable," Dagdag niya pa.

"Hindi ba halos lahat naman ng lalaking may itsura e mukhang unapproachable para sa'yo?" Tanong ko sa kanya. "But I agree with you on this one."

He doesn't look intimidating, more like someone who's not approachable because of how shy and awkward he is. He's also a cute type of a guy, one look at him and you would be drawn by his facial features that go together.

Tumango-tango lang si Sam at nagpatuloy na sila sa pagkukwentuhan. Nilingon ko ulit ang lalaki at agad ko ring inalis ang tingin ko. Flevi and Mharga also turned to look at him, kanina pa kasi nila hindi nililingon. Si Chia naman ay halatang walang pake.

"Hoy gago hindi ba si Liam 'yon?" Tanong ni Flevi kaya napalingon din si Chia sa lalaki.

"Liam?" Takang tanong ko sa kanila.

"Oo si Liam nga baliw," Sagot ni Chia kay Flevi at halatang naguguluhan din si Mharga sa kanila. Nagkatinginan lang kami ni Sam.

"Gaga si Liam, yung kaklase na'tin nung sa CNHS ka pa nag-aaral," Hinampas ni Flevi ang balikat ni Mharga. Naging magkaklase kasi silang tatlo mula grade five hanggang eight. Lumipat si Mharga rito noong grade nine at naging kaklase ko siya. Grade eleven naman lumipat dito ang dalawa.

Better than nothingWhere stories live. Discover now