Chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter 2

"Single pala si Liam? Akala ko ba may girlfriend 'yon?" Pabulong na tanong ni Chia habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Nasa second floor kasi ng building ang room naming mga grade twelve STEM.

"Ang alam ko rin, baka nag-break na," Pabulong na sagot din ni Flevi.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nakatingin sa hagdan. Nang tuluyan kaming makababa, doon nagsalita si Mharga.

"Malay niyo kaka-break lang pala nila."

Lumapit si Sam sa kinatatayuan ko at binulungan ako. "Huy 'te kaka-break lang pala, 'wag mo muna papatulan ah baka maging rebound ka."

Tumawa ako sa kumento niya habang umiiling pa.

"Hindi pa naman sigurado kung kaka-break lang o hindi, tsaka hindi ko naman siya papatulan 'no."

"Bakit hindi?"

"Mukhang campus heartthrob, mahirap na," Pabirong sagot ko kaya hinampas niya ako sa braso.

"Gaga ang tanda-tanda mo na gumaganyan ka pa."

Tumawa lang ako at kumapit siya sa braso ko. Sinabayan kami ni Flevi at kumapit siya sa kabilang braso ko kaya medyo nahirapan akong maglakad.

"Ano ba para kayong mga linta ah?" Pagrereklamo ko.

"Wow hindi pa siya nasanay e araw-araw nga namin 'to ginagawa noong grade eleven pa lang."

Ngumiti ako at pabirong inirapan si Flevi dahil sa sinagot niya. Um-agree naman si Sam sa kanya kaya mas lalo akong napairap.

Kaunting asaran at kwentuhan ang ginawa namin hanggang sa makarating sa canteen. May pagkalayo kasi ang canteen namin, hindi rin naman malaki ang school kaya tindahan lang talaga ang nasa canteen at kaunting mga upuan para sa mga estudyante.

"Ano bibilhin niyo?" Sabay-sabay na tanong namin sa isa't isa.

Unang sumagot si Chia. "Ewan ko, ikaw ba?"

Bumaling ako kay Mharga na nagkibit-balikat lang. Napunta ang tingin nilang apat sa akin.

"Pancake siguro, maaga pa naman," Kung hindi ako sasagot, hindi agad kami makakabili dahil sa pagka-indecisive ng mga kaibigan ko.

Flevi pouted. "Ayoko pancake."

"Kwek kwek?" Tanong ko habang tinitignan ang mga tinda sa canteen.

Umakto pa siyang nag-iisip at pinakatitigan ang kwek kwek. "Hmm, pwede na."

"Kayo?" Baling ko sa tatlo.

Si Mharga ang sumagot habang ang dalawa ay tinuro ang bibilhin nila. "Pancake kami."

"Ay, pabili tayo kay Liam oh," Flevi exclaimed at tinuro pa talaga si Liam na nandoon sa pwesto ng nagtitinda ng kwek kwek at iba pang street foods.

I remained silent for a while and stared at him. I cleared my throat.

"Baliw nakakahiya, kaunti pa lang naman students, tayo na lang bumili."

Sinamaan ako ng tingin ni Flevi. "Tangeks okay lang 'yan, ka-close ko naman si Liam."

I just sighed and let her drag me. Totoo namang nakakahiya, wala lang talaga siyang hiya kaya nagagawa niya 'yan.

"Liam!" Sigaw niya habang papalapit kay Liam. Huminto ako ng halos ilang metro at hinayaan na si Flevi na lang ang magsabi. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Ayoko nga," Narinig kong sagot ni Liam kaya napalingon muli ako.

Hinampas ni Flevi ang braso ni Liam. "Sa aming dalawa lang ni Alissia, epal ka."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Better than nothingWhere stories live. Discover now