POV of Amalia Braelyn Solace
"Brae" tawag sa’kin ng Naynay.
Tinigil ko muna saglit ang paglilinis upang puntahan ang Naynay.
"Bakit po, Naynay?" Naka-ngiting tanong ko sa aking Lola.
"Nand’yan ba ang magaling mong Ina?"
"Wala pa po, Naynay. Baka po parating pa lamang." Kamot ulo kong sabi, dahil alam kong magagalit nanaman s’ya kapag nalaman na wala ang aking ina.
"Kahit kailan talaga ‘yang Nanay mong ‘yan" umiiling na sabi n’ya.
Sya ang Ina ng aking Ina. Mabait s’ya ngunit may pagka-matabil rin ang dila. Depende sa mood n’ya ang ugali nya, ‘di na ‘yon kataka-taka dahil gan’yan din naman ang aking Ina. Kapag may pera mabait.
"O ayan ang paburito mong sinigang, bumili ako r’yan sa aking kumare." Sabay abot sa’kin ng sinigang.
"Wala pong shanghai?" Nakangiting tanong ko sakanya.
"Itong batang ‘to talaga." Nailing-iling sya "o s’ya sandali at ibibili kita." Sabi n’ya atsaka umalis para bumili.
Pumasok naman ako sa loob atsaka itinuloy ang pag-linis ng bahay.
"Asan ba ang batang ‘yon. Kapag nakita ko talaga, talagang makaka-tikim ka." Gigil na sabi n’ya.
"Nay, sino po ang hinahanap n’yo?" Tanong ko
"Halika rito!" Lumapit naman ako, at kaniyang piningot.
"Nay, bakit ho?" Umiiyak na sabi ko habang hawak ang tainga.
"Talagang nag sumbong kapa sa Lola mo!" Gigil na sabi nito. "Sinundo ako sa sugalan at binungangaan doon!" Galit na sabi nito sakin.
"Nay, wala po akong isinusumbong sa Lola" umiiyak na sabi ko.
"Hindi ba at Emalia ang ngalan mo?" Tanong nito sa’kin. Tinanguan ko lang s’ya. "Kung ganon ang itatawag ko na sayo ay Mali, tutal lagi ka rin namang mali!" Kinuha nya ang gitna ng aking ngalan.
"Maddina!" Rinig kong sigaw ni Naynay. "Ano na naman ang ginagawa mo sa anak mo?!" galit na sigaw nito.
"‘Wag ho kayong maki-alam. Dini-disiplina ko lang ‘tong batang ito." Galit na sabi n’ya at akmang kukuha ng sinturon upang ihataw sa’kin.
"Mag tigil ka, maddina!" Si Naynay. "Brae, umalis ka muna rito" sabi nito atsaka ko s’ya tinanguan at tumakbo palabas.
"Mali! Bumalik ka rito!" Rinig kong sigaw ni Nanay.
Takot na takot ako habang tumatakbo. Nakarating ako sa isang parke na may palaruan, dito ako umiyak. Gulat ako ng biglang may lumapit sa’kin na halos kasing edad ko lang, 12 pa lamang ako at malapit na mag 13. Highschool na’ko sa nalalapit na pasukan, ngunit ganoon parin ang trato sakin ng Inay.
"Why are you crying?" Tanong nito sa’kin, tinignan ko lamang s’ya. "Sorry, hindi kaba kumportable?" tanong n’ya.
"Huh? Hindi naman" nauutal na sabi ko.
"Kailangan mo uminom ng tubig, nauutal kana dahil sa pag-iyak mo." payo nya sa’kin. "Dito ka lang. I'll buy water for you, okay?" Tango lang ang sinagot ko sakan’ya.
YOU ARE READING
Embracing the life
RomanceEmalia Braelyn Solace is a girl from a poor family. It seems that she is the last card of her family, so she believes she should be perfect and never disappoint anyone, especially her family. So her thinking is that she and all she does had to be p...