***
Maaga pa lang ready na ako excited kasi ako dahil sabi ni axel susunduin nila ako dito sa bahay kahapon pala ako nag paalam sa Mommy ko na pupunta ako sa condo ni Ian, pinayagan naman ako kasi Saturday naman walang pasok.
Pero diko maiwasan mahiya kay Ian dahil sa ginawa ng mga kaibigan ko kahapon nga din galing ako kay Charlotte na sabi papasok na ito sa Monday like ian Di na namin pinag uusapan about kay Aya at Stephen gusto na daw nya mag move on.
Yun na nga masaya din naman sya ng malaman nya na kinuha ni Axel yung number ko at pinaalam ko na invited ako sa House blessing ni Ian sabi nya okay lang wala naman talaga akong kasalanan kay ian saka walang masama na maging kaibigan ko ito.
"Ma'am Louise andyan na po yung sundo nyu" Ani Manang nita sa akin na agad kung inayus muli ang sarili ko naka pink dress ako na medyu umabot ng kunti sa tuhod ko naka lugay lang ang natural wavy hair ko. saka white sandals may dala din ako maliit na shoulder bag cellphone at lipsticks lang laman at wallet.
Agad akong bumaba naabutan ko naka upo sa sofa ang aking Dream man. . Hayy!! Ang gwapo nya talaga naka simple polo shirt at pants lang ito pero ang gwapo gwapo na nito sa paningin ko."Hi. . ." Bungad na bati nito na naka ngiti lumabas tuloy ang dalawang dimples nito hayyysss!! Tipid naman na hello ang sinagot ko sa kanya saka niyaya na syang umalis.
Isang sasakyan lang pala ang gamit namin Di na daw bumaba yung apat sya na lang pinasundo sa kanya okay lang naman basta sya ang susundo sa akin every day hehe landi ko din.Pinag bukas nya ako ng pinto ayiee. . Pag pasok ko binati ako ng mga kaibigan nito Well maliban kay Lincoln na tulog sa hulihan katabi nito si Tyler, si Tyree naman katabi ko saka si Axel nasa gitna nila ako si Wyatt naman sa driver seat katabi nito ang driver nila.
"I'm so excited. . .to eat ian food!" Ani Tyree habang nakatingin sa cellphone nito.
"Kainis si Zoe eh! Madaya late na sinabi kung saan ang condo ni ian!" Maktol na wika ni Wyatt.
"Kaya nga! Mamaya yan sa akin!"Pag sang ayun ni Tyler kay Wyatt patawa tawa lang naman si Axel sa tabi ko.Malapit lang pala ang condo ni ian sa BTS dahil ng malampasan namin ang BTS ilang minuto lang tumigil na Kami sa isang three star condominium.
Bumaba na Kami medyu may pag ka kilig pa ako dahil inalalayan pa ako ni Axel sa pag baba at pag akyat sa hagdan.
"Ayiee....pumapagibig na!" Rinig kung Panunukso ni Wyatt kay Axel nahihiya naman akong nilibut ko ang paningin ko sa kabuan ng lobby. Nandun na pala si Lincoln at Tyler sa front desk.
Maya-maya pa may tinawagan na si Tyler si Zoe pala para masundo Kami dito sa lobby Di daw kasi matawagan ang telepono ng unit ni Ian.
"Wait muna tayo. . .pababa na si Zoe" Anito ang gagwapo nila sa totoo lang pero syempre mas gwapo si Axel ko hihi.
"Zoe!!!"Masiglang tawag ni Tyree kay Zoe nang lumabas ito ng elevator naka ngiti naman lumapit sa amin si Zoe.
"Zoe. . .lagot ka daw kay Tyler!" Sumbong ni Wyatt kay Zoe na kinatawa namin ni Axel kasi tinaasan ng kilay ni Zoe si Tyler. "Nag sisinungaling sya! Alam mo naman gawa-gawa yan ng kwento!"Pag papaliwanag ni Tyler sabay batok kay Wyatt na mamatay na sa katatawa.
"Well. . .Yanna's waiting so. . .let's go!" Anito na Di na pinatulan ang kalukuhan ni Wyatt, sumakay Kami sa elevator sa fourth floor pala si ian, pag labas mo ng elevator kakanan ka lang tapos yun na unit na ni Ian isa lang pala ang katabing unit ni Ian.
Excited na nag doorbell si Wyatt may pasayaw-sayaw pa ito habang nag iintay na mag open ang pinto, Hindi naman nag tagal bumukas na ang pinto bumungad nga ang napaka gandang si ian kung titingnan mo simple lang ang suot nito plain white t-shirt and black jogger pants naka messy bun lang din ito pero grabe ang dating nya.
"Yannnnnnaaaaaa!!..." Sigaw na bati ni Wyatt sabay yakap dito madali naman din gumanting yumakap si ian dito.
"Me too!" Parang batang wika ni Tyree na gusto din yakapin si Ian natatawang niyakap din naman ito nito, kasunod si Lincoln at Tyler Pati nga si Axel ko huhu may pag talon pa kasi habang niyayakap si ian.
"Halika na dito Louise " tawag sa akin ni Wyatt na may ibig sabihin ang mga tingin nito inismiran ko lang sya. "Hi ian!" Mahina kung bati kay ian na kinawayan naman nya ako saka nginitian. "Pasok ka!" Anito at ginaya ako sa loob ng unit nya.
Hindi ko maiwasang humanga kung paano naka ayus ang condo nito pag pasok mo pala sa makikita mo agad ang maliit na altar sa tabi nito may halaman na nakalagay sa paso, sa gilid naman ng pinto andun ang mga sapatos nag hubad din ako ng sandal saka sinuot ang tsinelas na naka ready dun para sa bisita nito.
"Wow!. . .are you sure ikaw lang nag ayus nitong condo mo?" Tanong ni Lincoln kay ian habang nililibut ang paningin nito. Napadako naman ang tingin ko sa sala kung saan may tatlong magagandang babae na nakatingin sa amin.
"Oo naman! Wala ka naman para tulungan ako eh!" Kunway tampo ni ian kay Lincoln.
"Si Zoe eh!" Biglang sabad ni Wyatt na biglang natigilan ng nakitang nakatingin sa kanya si Zoe. "Anong ako?" Tipid na tanong ni Zoe dito.
"Wala! Sabi ko ang ganda mo" Parang natatakot na sagot ni Wyatt dito tinawanan lang naman sila ni ian saka lumapit Kami sa sala kung nasaan ang tatlong babae.
"Guys! This is my neighbour----" Sabi ni Ian na Parang iniisip pa kung ano mga pangalan ng tatlo. "I'm Anne" Sabat nung isang medyu matangkad maganda sya, "Althea!" Masiglang pag papakilala ng isa na medyu curly ang buhok, " Andrea!" Sabi naman ng babaeng naka salamin.
"Yun. . Mga klasmeyt ko sila. ." Pag papakilala naman ni ian sa amin na nag joke pa si Wyatt isa isahin nga daw ni ian mga pangalan namin. Sagot naman ni Tyler wag na baka masaktan pa kami pag Di alam ni ian ang mga pangalan namin.Nagtawanan lang kami saka Kami nag pakilala sa tatlo medyu nag kahiyan pa nga after.
***
TYREE🤩🤩
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
RomanceIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...