NAKARAAN: 7 YEARS AGO Part 2

4 0 0
                                    

Nadatnan ko si Wackie sa aming tambayan naglalaro ng online games. Hindi nya ata ako napansin kaya nagulat ng hablutin ko ang kanyang cellphone

Taeka naman Benj! Andun na ako sa dulo eh. Inis nyang sabi . Kelan ka ba titigil kakalaro nyan . Kundi SUPER MARIO , CANDY CRUSH laro mo.

Tinaasan nya lang ako ng kilay WOI MALI ka jan TEMPLE RUN to noh sabay tawa.

Si wackie lang talaga sa amin magtro tropa ang isip bata. Ewan ko ba bkit napasama to sa barkada siguro para bumalanse ang aming grupo.

Wala pa ba sila? Tanong ko sa kanya habang nagsisindi ng yosi sa lanai!

Si jong at bruce kasabay ko sana kaso nag biglang liko naka amoy na babae. Kaya ayun nauna na ako dito. Si yael at clyde sabi OTW pero di ako naniniwala sa mga yun. paliwanah nya habang patuloy na ang paglalaro

Si Enzo?? Tanon ko sa kanya! Tinignan nya lang ako saglit at tumahimik.

Nakalimutan ko, masama nga pala loob nito kay Enzo dahil nasira ang PS 5 nya matapos ibato ni enzo ang joysticks (controller)

Did I hear my name?! Sabay kaming napatingin kay Enzo, si Wackie ay agad umiwas ng tingin, tumayo at naglakad papunta sa isang kwarto.

Ang tambayan namin ay isang apartment. May sala kusina at kwarto. Sa magulang ito ni Yael hindi pa official pero sabu ni Yael sa kanya daw ito.

Agad lumapit sa akin si Enzo at naki pag handshake.

Di mo pa ba babayaran o papalitan yung nasira mo? Patungkol sa PS5 ni wackie.

Ngumisi lang si Enzo at bumulong sa akin

(Nasa kotse ko na! Inaasar ko lang sa baby natin)

Siniko ko sya sa tagiliran. Kaya agad sya kumawala at tawa na lang ng tawa.

Ibigay mo na ng matapos tantrums ng isang yun. Sabi ko sa kanya ang hirap kaya kumilos ng di tayo maayos lahat.

Nag hands up lang siya sabay upo sa sofa kung san nakaupo si Wackie.

Mamaya pa ay nagdtingan na ang iba pang tropa. Wala naman late sa kanila maya maya pa ay lumabas si Enzo para kunin ang PS5 ni Wackie . At pag balik siya na ang kumatok at pinasok na si wackie sa kwarto. At pag labas ayun parang clown na anh itsura ni wackie sa saya.

Nag umpisa na kami mag usap usap tungkol sa magiging laban bukas. Again inalala nila ang tagiliran ko kung kaya ko na daw ba?!

Maayos na lagay ng tagiliran ko tatlomg linggo na ang nakakalipas. Pwede na mabugbog. Pabiro kong sabi

Two set ang magiging laban kung mag tie magiging tatlo kaya nag bunutan kami kung sino ang dalawa pang sasalang..

Lahat naman kami ay sanay sa ganitong laban kahit pa si Wackie na akala mo hindi seryoso.

Si wackie na pag inabot ka ng combination kick nya bukas ka pa magigising. Natandaan ko may kalaban siya akala namin madedehado siya kasi martial art expert ang natapat sa kanya. Gusto na namin sya palitan pero napikon sa amin sinabihan kaming minamaliit namin siya kaya yung galit nya sa amin dun nya binuhos. Ayun sa loob ng kinse minutos tapos ang laban. Hindi nagising ang kalaban dahil sa dibdib at panga niya piniruhan. Nabalitaan na lang namin 3 araw nasa hospital.

For some reason, Legal ang underground fight na aming sinasalihan. May mga millionaire, politiko at negosyanteng back up ba naman. Tapos sila sila din nag pupunstahan.

Sa amin naman player may price. 200,000 sa ang mananalo. and THANK YOU sa matatalo.

Nag bunutan na sila obviously isa ako sa lalaro,

Nakuha ni JONG AT CLYDE ang GO ibig sabihin sila ang sasalang. Kasunod nyan tinanong namin kung okay sa kanila. Baka kasi may commitment sila or masama pakiramdam nila. Kaya for the last time tinatanong pa din sila. Parehas naman silang okay kaya wala ng naging discussion pa. Agad silang nag ensayo sa mini gym namin para mag handa bukas. Ako amg ka sparring nila para sa ganun na ensayo na din ako.

Higit dalawang oras din kami ang ensayo bago pa magkaayaan tumigil, ang iba sa amin nag aya na umuwi. Kami naman ni Clyde ay nag decide mag paiwan na muna.

Palagay mo kaya natin bukas?! Tanong ni Clyde sabay hagis ng kaha ng sigarilyo. Naka kunot nuo ako nakatingin sa kanya. Malakas din kasii ang makakalaban kaya siguro ganun na lang ang pag-aalala nya.

Lalo ka na! Napuruhan ka nung nakaraan salang mo. May himig pag aalala nya.

Nawawalan ka na ba ng tiwala sa akin?! Pabirong tanong ko sa kanya.

Paano kung sabihin ko HINDI NA OO!!

Agad ako napatingin sa kanya inaalam kung seryoso ba siya sa kanyang sinasabi

Hindi na oo?! Medyo galit kong tanong

HINDI SA KAPASIDAD AT KAKAYAHAN MO
O0 sa physical mo!!

Ilan beses ko na sasabihin na kaya ko na at maayos na lagay ko, Nakakainis yung paulit ulit kayo!

Ang amin lang naman .. tumigil ka na! Singhal ko sa kanya .

Nabalot kami ng katahimikan. Nang sumaging ideya sa isip ko

Para matahimik ka! Tara sa Gym . Aya ko sa kanya.

Nanguna ako sa pag lalakad patungo sa Gym kaya pagpasok nya ay nadatnan nya akong nasa sparing area.

Ano balak mo? Tanong nya sa akin

Para masagot yang agam agam mo tara mag one on one tayo.. sagot ko

Nasisiraan ka na ba? Tanong nya ulit

Dali na puro ka na lang dada. Alam mo naman hindi ko trip yung puro salitaan lang . Tara na dito. Aya ko pa sa kanya

Baliw ka nga! Tigilan mo ko Benjo! Dami mong ebas! Iritable nyang sagot

Eh para mapatunayan mo kung okay na tagiliran ko hindi yung puro ka duda . Napipikon na talaga ako sa kanya

Natahimik syang nag isiip maya maya pa ay kumilos na din patungo sa akin. Agad syang nah stretching at saka seryosong tumingim sa akin.

Game! Pahayag ko

Wala sa amin dalawang nanguna sumungod nagpapakiramdaman sa magiging atake. Maya maya pa ay sya ang unang sumugod, gamit ang kanya kamo nakatanggap ako ng suntok sa braso. Aaminin ko malakas si Clyde, napaurong ako matapos ang kanyang suntok. Ngumisi sya sa akin na tila nang aasar. Alam na alam kung paano ako paiinitin.

Ako naman nag iisip kung paano makakabawi nagpalitan kami ng suntok at sipa hanggang sa yakapin nya ako at kinuha ko ang tyempo na ito upang tuhudin sya sa sikmura. Agad syang bumitaw dahil sa sakit pero hindi ko sya pinalayo hinatak ko sya upang patuloy na puntiryahin ang sikmura. Napahiga kaming dalawa at balak ko ihead lock pero

Blaggggggg!! Mula sa pintuan ng gym

Si wacky pala nabitawan ang tumbler

Anooo ginagawa nyo!! Tanong nya

Baho ng trip nyo!! Umay tigilan nyo yan! May salang pa naman kayo parehas .. sabay labas ng gym

Nagtinginan na lang kami ni Clyde, agad ako umalis sa kanyang ibabaw at tumayo. Inabot ko ang kanyang kamay upang tulungan makatayo.

Ano ok na ba?! Tanong ko sa kanya

Ngumisi lang sya sabay tapik sa akin balikat.

HANGGANG SA MULI (HULI)Where stories live. Discover now