NAKARAAN: 7 YEARS AGO PART 5

7 1 0
                                    

BENJO POV

Huminto na kami sa harap ng Mall agad akong bumaba at sumunod naman si Jong at nasa likod nito si Tina. Binuksan ni Wackie ang side mirror

Wackie: oh paano kita kits na lang mamaya habang inaabot sa akin ang project na need naming ayusin!

Tumungo lang ako bilang sagot, sumaludo naman si Bruce bago isaradong tuluyan ang bintana. Samantalang si Clyde naman ay tumapik naman sa aking balikat. Sumakay naman si Jong sa motor nya. Sa madali’t sabi naiwan na kami ni Tina. Naglalakad na kami papasok ng mall.

TINA: humanap muna tayo ng mesa!

Linibot ko ang aking paningin at nakakita ako ng bakanteng mesa sa isang food chain. Agad akong naglakad sa direksyon nito at ramdam ko na sumunod naman si Tina. Ng makarating ay linapag ko ang aking bag at ang project, ganun din ang ginawa ni Tina. Sinuri nya ang project para siguro alamin kung ano ang mga need naming bilhin.

TINA: STYRO, COLORED PEN, BRUSH, TAPE, CONSTRUCTION PAPER GLUE GUN, GLUE STICK, ELECTRIC TAPE

Rinig kong sabi nya

TINA: more on bookstore pala natin toh mabibili!

Hindi naman ako umimik at nagpatuloy lang sa pagdutdot ng cellphone. Ilang minuto na ang lumipas napansin kong tahimik siya. Kaya tinignan ko siya, ayun naka yuko sa mesa. Mahina kong pinalo ang mesa kaya napa angat siya ng tingin.

ME: natutulog ka?!
TINA: Hindi
ME: Eh bakit ka naka yuko?
TINA: nag aantay kung kelan ka magkaka interest at kumilos!!

Napataas ako ng kilay sa kanya. At napa inhale exhale na lang para mabawasan ang pagkapikon ko sa babaeng toh. Baka di ko na siya matantya. Tumayo ako at kinuha ang project agad din naman siyang kumilos at sumunod sa akin. Binaybay naming ang daan papunta sa isang malaking bookstore ditto sa mall.

ME: ikaw nakakaalam ng bibilihin susundan na lang kita!

Kumuha ako ng push cart at dun muna linagay ang aking bag at project. Sya naman ay patuloy na naglalakad sa harapan. Palingon lingon sya sa bawat aisle upang tignan ang mga need naming bilhin. Maya maya pa ay nakita nya na ang ilang materyales. Andito kasi kami sa art station kaya halos lahat andito na. maya maya pa ay lumipat siya sa mga styro. Nadatnan ko siya nakatingala,

TINA: need natin yun oh!

Sabay turo nya sa styro na nasa pinaka mataas na parte ng aisle.

ME: bakit ba yun? Andami naman ditto?
TINA:  mas makapal kasi yun kesa dito sa mga toh kaya abutin mo na
ME: tabi!

Gumamit ako ng step ladder para mas mabilis kong maabot. Nakapalda kasi si Tina kaya siguro kahit may step ladder ay hindi na nya pinilit pang abutin. Nang maabot ko na ang mga styro ay kinuha ko ang isa’t pinakita ko sa kanya

TINA: Hindi yan! Yung katabi nyan!

Binalik at kinuha ko naman ang sinsabi nyang styro, at ng makuha ay muli ko itong pinakita sa kanya. Nag thumbs up naman ito. Dali dali akong bumaba at sa di inaashan ay nadulas ang isa kong paa at na out balance. Mabuti na lang at naalalayan ako ni Tina. Pero bakit may kung anong kilabot ang naramdaman ko ng mahawakan nya ang aking kamay at likod. Agad akong umayos ng tayo at tinignan sya nakatulala.

ME: Salamat!
TINA: huh!!
ME: Ano pa kailangan?
TINA: Ahhhh glue stick at glue gun na lang
ME: Saan yun dito?
TINA: dun sabay turo kung saan!

Nauna siyang naglakad iniwan ang pushcart sa akin kaya ako naman ay sumunod na lang sa kanya. Nang makompleto na ay agad kami pumila sa counter. Maya ay may narinig akong tumatawag sa akin kung di ako nagkakamali si Marga.

MARGA: Benjo what are you doing here Babe?

Hindi ko siya sinagot kaya nabaling kay Tina ang kanyang paningin

MARGA: Don’t tell me magkasama kayo? Patukoy nya kay Tina
TINA: YES, but don’t worry this is pure school concern only for the sake of our grade
MARGA: Who cares? And I don’t talk to you?
TINA: NYE NYE NYE

Wala talagang takot ang babaeng to, inirapan lang siya ni Marga at bumaling sa kin

MARGA: By the way Babe, I’ll join you guys later. You know to support you guys sabay hawak sa pisngi ko.

Agad ko naman hinawi ang kamay nya

ME: Bahala ka! Sa ngaun umalis ka na muna at naalibadbaran ako sa kaartehan mo!
MARGA: but Babe…

Tinalikuran ko na sya at umusad ng pila. Maya maya pa ay umalis na sya kasama ang kanyang mga barkada

TINA: Jowa mo?
ME: Tsimosa ka?!
TINA: Tsimosa agad di ba pwedeng nag tatanong lang
ME: Ganun din yun

Tumahimik na siya at maya maya pa ay turn na namin para magbayad. Ako lang pala ang nag bayad.

TINA: Saan naman kaya natin to pwede gawin! Sa food court kaya?

Tinignan nya ako parang humihingi ng suggestion

ME: kung pwede dun eh di dun na lang
TINA: Sge dun na lang order na lang tayo ng foods
ME: gutom ka na ba?
TINA: Hindi naman kaso bawal dun ang tambay lang, for customer only kasi dun. Kaya need natin mag order ng foods or drinks para di tayo mapaalis

May point naman siya

TINA: Ganun ginagawa naming nung mga unang araw ng pag gawa nito. Kaya nga hingi ako ng hingi ng pera sayo kasi may pa foods kami
ME: ah ok, kaya pala
TINA: kaya pala mukha akong pera?!
Napakunot ako ng noo, naalala ko ang sagutan namin kanina
ME: sige na maghanap ka na ng bakanteng mesa at ako na oorder ng food, paki dala mo na lang to.

Agad naman siyang sumunod at nag hanap ng pwesto ako naman ay dumerecho sa mga stall at nag tingin tingin ng mga foods. Sa isang food chain ako napadpad, umorder ako ng coke float, big fries and burger. Nang makumpleto ang order ay agad ako nagtungo sa foodcourt area. Nakita kong kumakaway si Tina kaya dumerecho ako sa mesa kung nasaan siya

TINA: Andami naman. Reklamo nya
ME: Para di tayo paalisin agad kaya dinamihan ko na
TINA: nice move

Agad nya inumpisahan ilabas ang mga materyales na binili namin. Nilipat ko naman ang foods naming sa isang mesa at agad nilapag ang project namin para maumpisahan na. sinabi nya sa akin ang dapat kong gawin siya naman ay nag cut ng mga maliliit ng papel.

TINA: hay! mali
ME: eh ikaw nagsabi gawin ko toh
TINA:  I mean hindi pala ubra na dito tayo gumawa
ME: huh??
TINA: wala naman kasi saksakan dito. Paano ko magagamit tong glue gun?

Agad akong luminga  linga sa paligid wala ngang outlet na pwede magamit.

ME: Paano yan?
Kibit balikat lang ang sinagot nya sa akin
ME: So ano gagawin natin?
Nag ring ang kanya phone.
“ok naman kaso may small problem lang”
“ano?” siguro yung lalaking kasama nya kanina
“wala kasing outlet ditto sa food court eh need ko ng supply para sa glue gan”
“paano ngayon yan?!”
“we still thinking”
“keep me updated ok!”
“sge sge bye”

Nang maibaba nya ang phone ay agad naman nya akong hinarap.

TINA: wala tayong choice kundi umuwi sa bahay!
ME: Wala akong balak pumunta sa bahay mo? At wala din ako balak isama ka sa bahay!
TINA: Same to you
Natahimik kami parehas ng may naisip ako
ME: tara may alam ako
TINA: Saan?
ME: wag ka na magtanong!! Bilisan mo na!
TINA: Paano tong foods!
ME: itake out na lang
Agad agad naman siyang kumilos ganun din ako.

To be continue

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HANGGANG SA MULI (HULI)Where stories live. Discover now