I can see the shock in their eyes. They didn't know, because i didn't let them know. But....i said it so they already know. :) Kulit nyo kase e! Bad mood akong lumabas sa meeting room pero i try my best para ngumiti ayokong humarap sa pinsan ko at sa mga anak nya na nakasimangot ako.
Papasok na sana ako ng office nang makarinig ako ng maliit na boses.
"daddy! i want to be a CEO too. Like.....like tita Olivia!" si Keshi.
"Me too, i want to be beautiful like her! She's like a model." this time, it's Kesha.
"You're beautiful enough Kesha, you don't need to be like me." pumasok ako ng biglaan, kaya nagulat sila.
"Hi Olivia, how's the meeting?" si ate Maya.
"ahh...ayos lang naman." i smiled at her. "Tanong ko pala..." umupo ako sa tabi ni Keshi. "wala ba silang second name?"
"meron, Matthew Keshi D. Francisco or MK. Kesha Matthilda D. Francisco KM for short." naka ngiting sabi ni ate Maya.
Napataas ang isang kilay ko. "Binaliktad nyo lang yung nickname ni MK."
Tumawa si kuya Kye. "Actually napagkatuwaan lang namin yung pangalan nila nung mga panahong hindi pa sila buo hanggang sa nagustuhan na namin yung pangalan nila at naisipang ipangalan na sakanila. Binaliktad namin yung initial ng pangalan ni Keshi para isunod kay Kesha, gets mo?" Kahit medyo nakakalito ay naintindihan ko naman kaya tumango nalang ako.
Ilang sandali lang ay nagpaalam narin si ate Maya at kuya Kye na aalis na sila para maagang makarating sa pupuntahan. Kanina nagpabili ako kay Kina ng makakain ng mga bata at ngayun ay kararating nya lang, talkative si KM or si Kesha. Marami na syang nakwento saakin mula nung umalis ang mommy at daddy nya. Si Keshi naman ay medyo shy type kaya tahimik lang pero nakakauusap ko naman.
"tita do you have husband?" Keshi asked me.
"boyfriend yes, soon to be my husband. Why?"
"nothing i'm just asking lang po." she smiled at me.
"tita do you have child?" it's Keshi.
"wala pa sa isip ni tita yan e, why?"
"nothing tita, i just wanna ask lang po."
Nakipaglaro lang ako sakanila saglit at nag-aya narin silang matulog. Sakto ay sofa bed ang sofa ko dito kaya doon ko na sila pinatulog, kausap ko si Maevie ngayun sa phone. May mga tinatanong lang sya saakin. Bukas narin sya maguumpisang mag trabaho dito kaya sabay narin kaming papasok. Malaki na si baby Austin, nakakatayo narin at medyo nakakapaglakad ng onti pero more on gapang parin sya. Si ate Vivian na ang mag aalaga kay Austin pag nasa trabaho si Maevie.
[Bukas sunduin nyo ako ah! Baka naman takasan nyo ako hindi ko pa naman alam dyan!] it's Maevie.
"Masyado kang walang tiwala saakin Maevie Angela Saldivar! Nakakasakit kana ng damdamin..."
[Baliw! saka salamat pala sa binili mong damit para sakin, ang ganda bagay na bagay saakin tapos sakto pa.]
"Small thing, mag alaga kana ng anak mo di mo na madalas makikita yan!"
[Pinapaliguan pa kaya ni Mama.] inirapan nya ako.
"Hoooyyy! Bwiset ka bat ka nang iirap? Boss mo na ako ngayun, sesantihin kaya kita agad!?"
[Chee! bibihisan ko na anak ko. Bye!]
Naka upo ako ngayun sa tapat ng glass window ng office ko, kanina pa ako nag pipicture. Kahit ang mga bata ay tadtad narin ang mukha sa gallery ko ang cute nila habang tulog. Hati ang mga itsura nila, nakuha ng magkapatid ang ganda ng mata nila sa mata ni ate Maya, ang tangos ng ilong at shape ng mukha naman ay kay kuya Kye. Mahabang pilik mata, makapal na kilay, maputing balat at ganda ng buhok ay kay ate Maya. Tangkad at kinis kay kuya Kye. Halos sobrang magkamukha lang sila pero kamukha talaga ng nanay si Keshi at kay kuya naman si Kesha.

YOU ARE READING
My Worst Nightmare - SA
Fiksi UmumThis is a story about a woman who experienced all the hardship in her whole life, she got abused by her father, stress because of her mother, and trauma because of her own family. She's a loner in school, but when she's already in her high school sh...