Chapter 15

0 0 0
                                    

30 minutes lang byahe papuntang 'THE GRILL' pagmamay ari ni Lester. Pumwesto kami sa medyo malaking table para mag kasya kami. Anim kami dahil kasama namin ang girlfriend ni Hampri.

"Kuya, be gentleman. Tanungin mo naman order ng kasama mo." Pangtutukso ni Hampri.

"Sure, what's yours?" Tanong ni kuya Harold kay ate Meecah.

Halos magka-edad lang si kuya Harold at ate Meecah.

"A-ah, kahit beef steak lang tapos I scoop rice." Nahihiyang sagot ni ate Meecah.

"Drinks? Water? Soft drinks or wine?"

"Red wine nalang."

"Yun oh!" Mangkukutya ko. Pabirong kumindat si kuya Harold bago sumunod kay Hampri at Bryle.

Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni ate Meecah, kita ko naman ang nakaka asar na tingin ni Jamaica. Girlfriend ni Hampri

Habang nag hihintay ng order ay patuloy naming inaasar si ate Meecah. Naging close naman kami agad kay Jamaica dahil mabait ito at magaling din makisama.

Bumalik ang mga boys namay dala dala ng kanya kanyang tray. Pabilog ang table kaya mag katabi kami ni Bryle, si Jasmine at Hampri naman sa kaliwang bahagi ko, at si kuya Harold at ate Meecah naman sa kanang bahagi ni Bryle.

Habang nakain ay puro kami kwentuhan, tawanan at asaran. Nag uusap kami tungkol sa kung paano napasagot ni Hampri si Jamaica nang biglang dumating si Lester. Nakangiti ito at may dalang tray na puno ng dessert. Inilapag nya yun sa table at pumalakpak.

"Thank you sa pag pili ng resto ko! Dahil dyan may libre kayong dessert!" Masayang sabi nya at nag palakpakan kami.

Merong ice cream, cookies at strawberry, chocolate, and mocha cake. Masyadong matamis pero dahil libre sayang naman. HE-HE!

"Sarap naman!"

"Nuka ba Hampri, masarap talaga yan libre e!" Pabirong sabi ko.

"Looks like I'm the only who's single here." Napasimangot naman si Lester nang mapansing partner partner kami.

Napa ubo naman kami at nasamid si ate Meecah sa iniinom nya. Napaiwas naman tingin si kuya Harold.

"To be honest, single talaga tong dalawa!" Turo ko sa dalawa.

"Hu? Legit? They looks like couple. Match sila ng color ng damit oh, bagay din sila."

Totoo naman match sila ng damit dahil naka white long sleeve at black skirt ang suot ni ate Meecah at si kuya Harold naman ay baka white long sleeve polo din na nakatupi hanggang siko nya at black pants.

Si kuya Harold naman ang nabilaukan sa sinabi ni Lester, agad syang napatingin sa suot nila at tumingin samin. Nag pilit ng ngiti.

"Timing lang." Sabi nya habang namumula.

Natapos ang pag kain namin at nag paalam na kami kay Lester, masyado na kasi kaming maingay sa restaurant nya baka nagugulo yung mga tao doon.

Iisang kotse lang kami ni Bryle, Ganon din kay Jamaica at Hampri. Si ate Meecah naman ay may sariling sasakyan, regalo ko yun sakanya nung birthday nya. Si kuya Harold din ay gamit ang sarili nyang sasakyan.

"What do you think?" After a long long silence, Bryle suddenly talk.

"What?"

"Kay Harold and Meecah."

"Anong meron?"

"I think Meecah likes Harold."

"Yes I know, pero di ako sure kasi alam mo naman iyon. Haharot lang tapos mag sasawa."

My Worst Nightmare - SAWhere stories live. Discover now