Chapter 8

17 7 0
                                    

Rhosia Pov:

Love?

3 days later...

It's saturday! Trabaho day! Kamusta na kaya si Mama sa Japan.

Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Mama. Para kumustahin man lang.

"Hi Ma. Kamusta kana?"

["Sobrang ok ko dito anak. May nanliligaw nga sa'kin dito eh."] sabi niya na agad na ikinagulat ko.

"Tapos ano ginawa mo?"

["Sinagot ko."]

"Ma bakit? Akala ko ba pumunta ka dyan para magtrabaho at makaipon? Bakit naghanap ka ng jowa?"

["Mayaman toh anak ito na ang nakakatulong sa atin. Tsaka hindi ako ang naghanap, siya ang naghanap sa'kin."] sabi niya sabay tawa pa.

Siraulo lang? Bakit nagawa niyang mag jowa-jowa habang nagtatrabaho? Sigurado ba talaga siyang kaya ng lalaking yun na buhayin kami habang buhay? Jusko hindi palang nag-iisang semana si Mama sa Japan may nakalabit na.

Dali-dali kong tinawagan si Tita Gela upang ipaalam sa kanya toh.

"Tita?"

["Bakit anak?"]

"Nabalitaan mo naba kung ano na ang nangyayari kay Mama sa Japan?"

["Ha? Bakit ano bang nangyari?"]

"Nakahanap siya ng nobyo niya doon! Na imbes na magtrabaho siya upang makaalis na ako kina Tita Emma, lumalandi pa siya. Kausapin mo yun Tita!" pasigaw ko at hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko.

Alam ko na kasi kung anong mangyayari after non eh. Alam kong papakasalan ng lalaking yun si Mama tapos iiwan na naman? Gaya ng ginawa ng past relationships niya lalo na kay Papa. Saan naba kasi si Papa? Bakit pinili niyang iwan si Mama!

Pinatay ko na ang tawag at dumeretso na sa CR kasi maliligo na ako dahil mamayang 10:00 na ang trabaho ko.

Paglabas ko ng CR ay marami ng missed call si Matt. It's already 9:50 na kasi tsaka sabi niya susunduin niya ako. Baka nandoon na siya sa labas.

Agad akong nagsuklay at naglagay ng kaunting make-up lang upang hindi masyadong mahalata na grabe yung iyak ko kanina sa CR.

Akala ko kasi nagbago na si Mama. Mali pala ang akala ko, naghahanap pa rin siya ng pagmamahal. Eh kung tutuusin kami nalang nila Tita at Lolo-Papa ang nagmamahal ng totoo sa kanya eh, hindi niya lang binibigyan ng pansin.

"Hi good morning. Puyat ka?" tanong ni Matt at hinawakan ang pisngi ko para makaharap ako sa kanya.

"Umiyak ka ba?" nag-alalang tanong niya.

"Siraulo, hindi noh!" pagsisinungaling ko sabay hampas ng kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

Akala ko naniwala siya sa sinabi ko dahil nagpa-andar na siya ng sasakyan. Nang bigla siyang nagsalita...

"We're friends Sof. You can rant." sabi niya habang nakatingin ang mga mata sa daan.

"Promise wala talaga." mababaw lang yung iniyakan ko noh baka masasabihan niya akong oa.

Pagkarating namin sa Café ay dali-dali kaming bumaba ng kotse dahil naghihintay na daw yung Mom niya. Lagot ako nito.

Pagpasok ko sa office ng Mom niya ay bumungad sa'kin ang Mom niyang seryusong nakaharap sa Laptop niya.

Innocent Beginnings (Higshcool Series #1)Where stories live. Discover now