MAISIE's POV
It's been weeks since we last have a communication with ate Anda. She's ignoring all of our messages to her. Wala kaming kaalam-alam sa nangyari sa kanila ni Matt.
All we know is nagsimula ang lahat ng ito nung araw na nasa xylo kami.Palagi rin kaming kinukulit ni Matt na makausap si ate Anda, pero kahit kami ay wala kaming magawang paraan. Wala rin sila dito sa Manila, si tita Arya ang huli kong nakausap at sinabing aalis muna sila ni ate Anda.
Araw-araw bumabalik si Matt sa bahay nila, at naghihintay sa maghapon kung magpapakita ba sa kaniya si ate Anda. Hindi namin kaya na makita siyang ganiyan at hindi rin namin kaya na wala si ate Anda. Lahat kami ay nagaalala na sa kanilang dalawa.
May mga pagkakataon pa na pinalalayas ng mga kapit-bahay nila Anda si Matt dahil nag-iingay ito at sigaw nang sigaw ng pangalan ng kaibigan ko.
_
Umabot na ng isang buwan at wala paring paramdam sa amin si Anda. Si Matt rin ay hindi na namin nakikita at nakakausap.
"Uyab, ano na kayang nangyari sa kanilang dalawa?" Pag-aalala kong tanong sa aking kasintahan.
"Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na 'yan, Uyab. Pero si Matt..... aalis na siya" My tears start to form as I heard the news. Bakit ba nangyari ito sa dalawa naming kaibigan. Parang kahapon lang ang gaan pa ng lahat.
CALI's POV
"What!? Aalis ka nanaman?" I exclaimed as Matt told me the bad news. "Bakit?"
She looked at me, I can see in her eyes that she's in so much pain. Alam kong nasasaktan ng sobra ang pinsan ko. Kitang-kita ko sa mata niya na para siyang nawalan ng buhay simula nung mawala si Anda sa buhay niya.
Sa loob ng isang buwan na walang paramdam si Anda ay halos masira na ang buhay ni Matt.
"Dad doesn't want to see me at my worst. He wants me to go back to the US. He even told me that he was ashamed of me being his daughter"Matt has a complicated relationship with her dad. Since we were a kid, palagi siyang trying hard to make her father proud of her. Kaya nga siya nag engineering para patunayan sa daddy niya na kaya niya rin at deserving siya sa pangalan ng Leabres.
_
I just pulled her for a hug and didn't realized that we are crying together. "It's okay ate Cali, I'll be back when I'm better."
She don't deserve any of this. I know Matt is a genuine person at hindi niya sinasadya na masaktan niya si Anda. Sana dumating yung panahon na magkakaayos pa sila o 'di kaya ay pagkakataon para magpaliwanagan.
_
I also know where Anda is. She told me na uuwi muna siya sa Cebu with her mom. Hindi ko naman inakala na aabot ng ganito katagal. Hiniling niya rin sa akin na 'wag sabihin kahit kanino.
When Matt left the house. I texted Anda and told her the news.
---------------------------------------------
To: AlexandraAnda, aalis na si Matt. She's leaving the country. Hindi mo ba siya kakausapin?
___________________________
I hope na hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa. Sana maayos nila ang pagkakaibigan nila.
ANDA's POV