A FUTURE
"Hon, ready na ang mga bata pati na rin ang mga gamit na dadalhin natin sa picnic! Ikaw lang ang kulang" sigaw ko habang papasok sa loob ng bahay pagkatapos kong ayusin ang mga gamit na dadalhin namin para sa picnic.
Hindi naman madami ang dadalhin namin kaya 'di ako natagalan sa pag-ayos, pinasakay ko na rin ang mga bata sa sasakyan bago ko puntahan si Ivy sa kusina. Tapos na rin naman siya mag-ayos pero hanggang ngayon may ginagawa pa rin siya sa kusina.
"Hon?"
"Oh, Hon" aniya nang nakita niya akong kakapasok lang sa kusina.
"Anong ginagawa mo? Hindi ka pa tapos?" tanong ko, nilapitan ko siya at nakitang naglalagay ng Icing sa cake.
"Ginawa mo ba 'yan?" sunod kong tanong.
"Uhhh, oo, homemade..." aniya.
"Pero pwede naman tayong bumili ng cake sa bakery ah"
"Naisipan kong gawan nalang si Thee ng homemade cake sa birthday niya para maging special, hindi bongga pero gusto kong maging memorable kahit papaano" tumango ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon.
But for real, we can just buy a cake sa bakery pero mas gusto niyang homemade nalang para maging memorable, I'll just let her do whatever she wants then. Bumuntong-hininga muna ako bago magtanong ulit sa kanya.
"Matatagalan pa ba 'yan?" tanong ko.
"Hindi naman, Icing lang at ilalagay ko na kaagad sa cake box na binili ko"
"Uhhh, may tinira pala ako dito, tikman mo kung masarap" aniya at binigay sa'kin ang tinira niyang isang slice na katulad lang ng cake na ginawa niya.
"It's a taste test" ngumiti siya sa sinabi niya.
"Ah, taste test.." tumango ako at kinuha ang slice na cake para tikman iyon, tumigil siya sa paglagay ng icing sa cake para panuorin akong subukan ang cake na ginawa niya.
Nakita kong nakasalubong ang dalawa niyang kilay habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Masarap ba? Do you think they will like it?" aniya, wala pa rin akong sinabi tungkol sa kung anong lasa ng cake na ginawa niya.
"Hindi ba masarap? Kung hindi masarap, bumili nalang tayo?" aniya at tumingin sa ginawa niyang cake.
"It's my first time making a cake, kaya 'di ako sigurado kong masarap ba" Tinitigan ko lang siya habang patuloy na kinakain ang taste test cake na binigay niya sa'kin.
I cleared my throat to get her attention ng napansin kong naging malungkot ang mukha niya, bumaling naman siya kaagad sa'kin. Huminga muna ako ng malalim bago pinakita sa kanya ang maliit na plato na ngayon ay wala ng laman ng cake.
"Sa tingin mo, mauubos ko ba 'to kung 'di masarap?" umiling lamang siya sa tanong ko.
"First time mong gumawa ng cake, and you gave all your best into it... Masarap siya, sigurado akong magugustuhan rin 'to ng mga bata" ngumiti ako ng sabihin ko iyon to comfort her, pero sa tingin ko umabot hanggang tenga ang ngiti ko ng ngumiti siya pabalik.
"Feeling better?" tumango lamang siya sa tanong ko, tumango na rin ako pero 'di pa rin matanggal ang ngiti ko sa labi.
Knowing that she feels better because of me, makes me so damn happy.
"Uh, kailangan ko na'tong ilagay sa cake box na binili ko" aniya.
"Tulungan na kita diyan" pag-alok ko, kinuha ko ang cake pagkatapos kong ayusin ang cake box na binili niya.
Natigilan ako nang ilalagay ko na sana ang cake sa cake box nang napansin ko ang nakasulat 'happy birthday little summer boy'.
"Little summer boy?" lumingon siya sa'kin pagkatapos niyang hubarin ang apron na suot niya kanina, nginitian niya muna ako bago magsalita.
"It's the meaning of his name" aniya.
______
The green grass, people in the picnic with their loved ones, the chill wind, the big trees that shade us while on the ground having a picnic as a whole family. It's a perfect atmosphere to celebrate a simple birthday with a homemade cake. After singing happy birthday, nilabas ko ang homemade cake na gawa ng asawa ko.
Their genuine surprise after seeing the cake made by their Mama, and finding out that it was made by her is enough to make me happy. Tinabi ko ang cake ng nakita kong nagyakapan silang lima, I looked at my wife's all smiley face nang nakitang nagustuhan ng mga bata ang cake na gawa niya pagkatapos nilang pasalamat siya. Seeing them enjoying this small celebration makes me wish that we're like this everyday.
It makes me wish for it to last long. Seeing my kids playing around with their Mama habang nakaupo ako dito, makes me recall all the memories in my past. I just can't believe that all the imagination of my dream came true.
"Ahh, huwag kayong lumayo, okay?!" sigaw ni Ivy, sinundan ko ng tingin ang asawa ko na umupo at tumabi sa'kin pagkatapos niyang maglaro kasama ang mga bata.
I stared at my wife's beautiful face habang umiinom siya ng tubig dahil sa pagod, napangiti nalang ako knowing that the gorgeous woman here by my side is the reason why all my dreams came true. I would never get tired looking at her for so long.
"Hindi ka ba nagsasawa kakatitig sa mukha ko?" ngumiti siya nang nilingon niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon.
I smiled at her back at mas lumapit pa sa kanya, hinawakan ko ang kamay niya at sinabing.
"I would never get tired of it"
"Thank you for helping me everyday, Hon. You helped me arrange the things we needed for the picnic, and you even helped with the kids... I'm happy that you're always by my side...." umiwas siya ng tingin habang nakangiting umiiling ng ulo.
"Imagine, we didn't show up in that set-up blind date? We would never be together until now... I would probably regret it if I didn't show up that day..." this time she looked at me in the eyes, our faces were close.
Close enough that one move...
"Thank you for being the reason all of my dreams came true because of you, thank you for being part of my own family..." tumango siya sa sinabi ko.
Napalunok na lang ako, knowing that I wanted to kiss her at kusa akong lumalapit sa kanya.
"How about you? Are you going to regret it if you didn't show up on that blind da—mhmm" hinawakan ko siya ng marahan sa leeg gamit ang kanan kong kamay, at hindi na nagsayang ng oras pa para halikan siya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kaliwa kong kamay na nakahawak sa kaniya kanina, when she kissed me back. I would never stop loving you... And if you're going to ask me again if I'm going to regret it, kung 'di ako pumunta sa blind date na 'yon.
I... I will regret it for the rest of my life. So, let's not regret being with each other for so long, even after so many years... I will always admire this unending and faithfulness of love that I feel for you.
![](https://img.wattpad.com/cover/373448286-288-k450211.jpg)
YOU ARE READING
4 Seasons of Love || Yyneexx
RomanceSi Ivy ay isang crew sa isang maliit na library cafe; matagal nang single kaya't pinagkasunduan ng kanyang mga kaibigan na e set-up siya sa isang blind date kasama ang isang taong bagong hiwalay. Bagamat hindi siya gaanong interesado sa ganitong bag...