Chapter 1

19 0 0
                                    

Luna POV

Sabi nila napakabata ko pa para pwersahan i-ensayo sa mga delikadong bagay.

Ngunit anong magagawa ko, ito ang kapalaran ko. Nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina ay nakaplano na ang lahat. Nakahanda na at ako na lamang ang hinihintay.

"Luna focus on the target, don't let yourself get distracted" malakas na sigaw ni papa saakin

Mas pinosisyon ko ang aking mga paa at pinokus ang aking mata sa target. Nang matansya ko na ng maayos ay  agad kong pinaputok ang hawak na baril. Sunod sunod hanggang sa ang mismong target ko na ang matumba.

"Good job" pumalakpak si papa at ginulo ang aking buhok "Sa susunod ay mas madali mo dapat sila mapatumba"

Tumango na lamang ako. Samantala ay sinenyesan na ni papa ang kanyang mga tauhan na iligpit ang mga taong kanina lamang ay mahahalata sa mga mata ang pagmamakaawa.

Mariin kong pinagmasdan sila habang dinadala nila ang mga lalaki papalayo. Hindi ko alam ngunit wala akong maramdaman na awa para sakanila. Oo, wala dahil sabi ni papa ay deserve nilang mamatay dahil masamang tao sila. Nagbebenta ang mga lalaking iyon ng mga menor de edad kaya nararapat lang sakanila na pinaglalaruan muna bago mamatay.

Sa edad kong kinse ay ineensayo na ako ni papa na parusahan ang mga masasamang tao. Mayroon kaming organisasyon kung saan hinuhuli namin ang mga ito at binibigyan sila ng parusa na nararapat sakanila. Balang araw ay ako naman ang mamahala nito.

"Luna" napabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni mama. May dala dala siyang cookies na aking paborito "Kumain muna kayo"

Agad kinuha ni papa ang plato kay mama at inalalayan niya ito maupo sa silya, kasabay nang paglapag niya ng plato sa mesa. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang ginawa ni papa.

Parehas assassin ang mga magulang ko at nag-iisang anak lamang nila ako.  Kahit sabihin na hindi normal ang pamilya namin ay punong puno naman iyon ng pagmamahal.

Nang maupo ako sa tabi nila ay agad akong inasikaso ni mama habang naglalambing si papa sakanya. Hindi ko ulit maiwasan tuksuhin sila kaya napuno ng tawanan ang aming simpleng meryenda.

Naputol ang tawanan namin ng biglang dumating ang isang lalaki. Sa pagdating ng doktor na katiwala ni papa na si Tito Arthur ay may binulong ito saaking ama, sanhi upang biglang makita ko ang pagbabago ng emosyon ni papa. Nang tumingin siya saakin ay bakas ang pag-aalala sakanyang mukha.

.....

Habang nasa aking kwarto ako ay hindi ko parin makalimutan ang nakita kong pag-aalala saaking ama. Hindi ko na rin siya nagawang tanungin dahil umalis na rin siya kasama si mama. Natanaw ko mula sa malaking bintana namin na seryoso silang nag-uusap dalawa kaya imbes lapitan at istorbuhin ay pumanhik ako saaking silid.

"Luna" natauhan ako ng marinig ko ang boses ni mama

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya, masyado ata malalim ang iniisip ko, sanhi upang hindi ko siya mapansin.

Napatingin ako sa orasan at gabi na pala. Baka naririto siya upang yayain akong mag-dinner.

"Mama, ano po iyon?" magalang kong tanong

Matamis na ngumiti ang aking ina at napakunot ang noo ko ng may itinaas siya na isang kulay puti na dress.

"Oh why are you frowning?"

"Mama you know I don't like dresses, its uncomfortable" nakanguso kong saad

Totoo iyon, hate ko talaga ang pagsusuot ng dress. Karamihan saaking damit ay malalaking polo at pants. Kulay itim ang halos naroroon saaking cabinet.

"Oh dear, we have an important guests. You need to wear this"

"But mama---"

"Please"

Napabuntonghininga ako at napipilitan na pumayag. Akala ko ay ipapasuot niya lang iyon saakin pero mukhang aayusan niya rin ako.

Naligo lang ako saglit at pagkalabas ko mula saaking banyo ay nakahanda na lahat ang kanyang make-up kit saaking vanity table.

"Mama naman hindi ko naman po kase kailangan n'yan. Tignan mo hindi babagay saakin yan"

Panay ang reklamo ko habang nilalagyan niya ako ng mga kolorete sa mukha. Samantala si mama naman ay panay tawa lamang.

Mayamaya ay pinamulat niya na ako ng mata at doon napagmasdan ko ang aking mukha....ang ganda ko.

"You look so beautiful dear. Manang-mana ka saakin" nakangiting aniya ni mama

Hindi ko naman maiwasan mapangiti. Hindi ko pa pala nasasabi ngunit ang aking mama ay isa rin make-up artist, she loved so much to do this thing.

Mayamaya lamang ay niyaya niya na akong bumaba. Yun nga lang hirap na hirap ako dahil pinasuot niya lang naman ako ng sandal bago kami lumabas saaking silid. Kanda-tapilok ulit ako.

"Mah gaano po ba kaimportante ang bisita na iyon at kailangan ko pa mag-ayos" may pagka-irita kong tanong

"Malalaman mo rin"

Nang makarating kami saaming garden ay kusang napatigil ang aking paa sa paghakbang. Paano ba naman kase ay bigla nagtama ang mata namin ng isang binata. Napakasama ng tingin, akala mo naman inaano ko. Kung barilin ko kaya siya, baka nakakalimutan niya nasa teritoryo ko siya.

"Lydia, you look so beautiful tonight" salubong ng isang babae at nakipagbeso saaking ina. Nang mapatingin siya saakin ay mas matamis siyang ngumiti "Is this is the little moon?"

"Yes, she is" nakangiting sagot ni mama "Oh and I guess that boy is her sun"

"Hmm...bagay na bagay silang dalawa right? I'm so excited to witness their wedding"

Moon?

Sun?

Wedding?

Wala akong maintindihan sa sinasabi nila kaya naisipan ko na lamang pumunta sa silya upang maupo sana ngunit kung minalas malas nga naman ay natapilok ako sanhi upang mapasubsob ako sa sahig.

Sa sandali na iyon ay gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa dahil sa labis na kahihiyan. Shet, napahiya ako sa lalaking iyon.

"Dear are you okay?" rinig kong tanong ni mama at tinulungan ako tumayo

Pilit naman ako ngumiti, hindi iniinda ang sakit na natamo "Yes mama, this is nothing"

Nang mapatingin ako sa binata na prenteng nakaupo ay nakita ko ang pagpipigil niyang tumawa. Lalo sumama ang loob ko at napakuyom ang kamao.

Kinamusta rin ako ng ginang kausap ni mama ngunit tanging tango lang ang aking tinugon.

"You okay Luna?" tanong ni papa ng makaupo ako sa silya. Tumango ako at ngumiti sakanya "Be careful next time. Kung hindi ka komportable ay wag mo pagpilitan. You only hurt yourself"

"Your papa is right hija, but don't worry it  won't happened again because my boy is here and ready to be with you always"

Ngumiti ako "No thanks, I can handle myself po. Its just I'm not really comfortable wearing heels or dresses that's why I'm having a hard time to move"

"Oh but you don't have a choice, you will marry my son on your eighteen birthday. Whether you like it or not"

"Vector, stop. Akala ko ba ay dadahan-dahanin natin ang pagsabi kay Luna tungkol dito" aniya ni mama

Napatikhim naman ang lalaki "I'm sorry"

"Its okay, mas mabuti narin na nalaman na ni Luna" aniya naman ni papa at saka tumingin saakin "Luna meet Helios. He is your sun, and you are his moon. No matter what happened, you must protect each other. Don't let anyone separate you"

Napatingin ako sa binata na nagngangalan Helios. Mariin siyang nakatingin saakin habang may supil na ngiti sakanyang mga labi.

"Luna" sambit ni Helios at hindi ko alam kung bakit tila kumabog ang aking dibdib ng marinig ko ang kanyang baritonong tinig "The moon is beautiful, isn't it?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shadow of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon