Isang Munting Bulaklak

80 2 3
                                    

                                                                        PANIMULA

Si Ashley ay isang babaeng maganda, mahinhin, masaya ang kanyang buhay na pinapasukan nito. Siya'y nag-iisang anak nina Mang Ryurichie at Nang Yuri, na kinikilalang sikat na negosyante sa bayan nila at lihim na umiibig sa kanyang kababata na si Bryle. Matalik na magkaibigan ang dalawa. Si Bryle ay matangkad, matipuno, may respeto sa magulang at mapag-alagang anak, higit sa lahat may kaya sa buhay, tatlo silang magkakapatid, siya'y bunso sa kanilang magkakapatid. Nasa abroad ang kanyang dalwang kapatid kaya minsan lang niya ito makakasama sa kanyang buhay. Siya'y anak ng asyendero sa kanilang bayan na sina Mang Brauilo at Nang Kylie at sa tamang panahon ay siya ang mamamahala nito dahil  malaki ang pagtitiwala ng ama sa kanyang anak.

Sa kabila ng lahat, ano kaya ang mananaig sa dalawa ? ang damdamin o ang pagkakaibigan ng dalawa. Kailan kaya nila balak ipagtapat ang kanilang relasyon, hindi lang pagkakaibigan kundi walang hanggan, kailan kaya nila sasabihin ang kanilang lihim na damdamin...

                                                                    MGA TAUHAN :

Ashley - kababata ng binata mula pagkabata nito. Magalang, masunuring anak at lihim na umiibig kay Bryle.                                                                                                                                            

Bryle - kababata  niya ang dalaga mula pagkabata nito. Matipunong tao at may kapilyuhan minsan.

Kimmie - gagawin niya ang lahat para agawin niya ang binata sa buhay ni Ashley.

Ellen - pinsan ni Ashley. Laging karamay niya sa kalungkutan.

Renz - Fiance ni Ellen na laging sumusuporta sa dalawa kapag nangangailangan ng tulong ito.

Mang Ryurichie - ama ni Ashley na walang inaatupag kundi ang kanilang negsoyo para sa kanilang pamilya.

Nang Yuri - ina ni Ashley, nasa bahay lamang nag asekaso sa gawaing bahay.

Mang Brauilo - ama ni Bryle, walang inaatupag kundi ang asyenda nito para palaguin.

Nang Kylie - ina ni Bryle, katulong sa kanyang ama sa negosyo para sa kanilang kinabukasan ng mga anak niya.

Venz - kaibigan ni Ashley noong highschool at kasama nya ito sa trabaho at niligawan pa ito ang dalaga.

Mr.Mais, Mr.Liam, Mr.Japar, Mr.Joah - mga negosyante.

Belot - isang negosyante at kasusyo ng dalaga sa kanilang negosyo.

Mang Gaspar - manggagawa nang kanilang uma.

Bella Champagne, Maica, Francien - close friend ni Ashley noong 4th year.

Jessie - katabi ni Ashley sa upuan nito at prom king ito sa kanilang valentines.

Jevon - close friend ni Bryle.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

                                                                          KABANATA 1 

Graduation Day, masayang nagcecelebrate ang dalawa dahil nga pareho silang nagkaroon ng award, si Bryle ay 1st honorable mention lamang dahil sa kapilyohan nito samantala si Ashley ay salutatorian. Lamang ang dalaga sa binata dahil puro aral ang iniisip nito kahit asarin ito ng binata na mamasyal laging busy ang dalaga, ganito na talaga itong binata laging kinukulit ang dalaga upang makipaglaro sa kanya. Noong mga bata pa ito, ang bahay ng binata ay nasa likoran lamang sa bahay ng dalaga, anak kasi siya ng asyendero sa kanilang bayan. Doon lagi naglalaro ang dalawa sa kanilang bakuran dahil malawak ito. Masaya ang magulang na nakikita nilang tumugtog sa entablado ang kanilang mga anak. Nandoon din sina Mang Ryurichie, Nang Yuri, Mang Brauilo at Nang Kylie, nagsubaybay sa kanilang mga anak. Pagkatapos ng programa ay pumunta ang mga estudyante sa kanilang classroom at nagpaalam si Ashley sa kanyang ina.

Isang Munting BulaklakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon