🥀ALTHEA POV.🥀
Hapon na nung matapos kami nila aling cora at ate Janice sa pag lilinis ng mansion, wala naman gaanong kalat maliban sa alikabok, nilinis rin namin lahat ng mga room's sa first and second floor, maliban lang sa room ni sir zach, dahil wala itong pinapayagan na pumasok sa loob ng room nya, mahigpit rin nitong ipinag bawal yon, kahit ang kanyang mga magulang ay hindi maka pasok rito, maliban sa ate niya dahil sobrang kulit nito.
Nasa kusina kami nila aling cora at nag hahanda ng pagkain ni sir zach, dahil mamaya lamang dadating na ito.
makalipas ang ilang minuto narinig namin ang busina ng sasakyan ni zach.
"good evening po" pag bati namin sa kanya na sinuklian nito ng isamg pag tango at daretsong umakyat papunta sa kanya kwarto.
"wala nanaman ata sa mood" rinig kong ani ng isang katulong. si manang cora pa lamang ang kilala ko sa mga katulong.
"kaya nga eh" pag sang ayon naman ng isang katulong na sa tingin ko'y kasing edad ko lang.
"hay nako, hindi pa kayo nasanay sa kanya. siya at magsi pag balik na kayo sa mga ginagawa nyo at pagkatapos ay kumain na kayo, para naman maagang kayong maka pagpa hinga." mahabang sabi ni aling cora.
nagsi pag balikan na nga sila. habang ako naman ay nag hain na ng makakain.
f.f
Habang nag huhugas ako ng mga pinag kainan ay lumapit sakin ang isang katulong.
"ahm thea, pinapatawag ka ni señorito" sabi nito.
"Sige po ate mamaya po, tapusin ko lang po ito saglit" sagot ko rito.
"puntahan mona si señorito thea, nasa library lang siya, hayaan mo nalang yan jaan at ako na tatapos niyan. mahirap na at baka magalit pa yun" saad pa nito sakin habang halata sa himig ang pag aalala.
halatang takot na takot ito kay señorito.
"ah sige po ate, salamat po" ngumiti lang ako rito sabay takbong umakyat papuntang library.
pagkarating ko sa library kumatok lang ako ng tatlong beses.
"come in." rinig kong sagot niya.
agad naman akong pumasok sa loob at sinara ng may pag iingat yung pinto. mahirap na baka maka sira pa ng gamit wala pa naman akong pambayad.
nung maka pasok nakita ko itong naka upo habang nag babasa ng isang makapal na libro habang may suot na reading glasses.
ghaddd nakaka hilo at nakaka lula naman yung mga libro na nandito sa library, grabeng dami at kapal.
"sit down" seryosong utos nito na agad ko namang sinunod
nung maka upo ako sa isang mahabang sofa na kaharap nya staka lamang ito nag angat ng tingin sakin sabay tanggal ng salamin sa mata.
"ahm sir, bakit nyo po ako pinatawag?" kinakabahang tanong ko.
"You're already enrolled and now i just want to give your schedule and ID." daretsong sabi nito sabay kuha ng paper bag sa tabi niya.
"here" aniya nito at nilapag ang paper bag sa lamesang nasa harapan namin.
"your schedule and ID is here inside the paper bag and also your school uniforms" aniya pa nito.
kinuha ko naman ang paper bag at sinilip, may damit sa ilalim, and may isang maliit din na may papel tapos nasa ibabaw ang aking ID. nakita kopa na yung gamit na picture don sa ID ko ay katulad nung picture na nasa resume na pinasa ko sa kanya nung pumasok ako ng trabaho rito sa mansyon.
YOU ARE READING
MY PERSONAL MAID SECRET
RandomSa province kami nakatira. Nine years old palang ako ay lagi na akong laman ng aming barangay or pangalawa ko ng bahay dahil sa mga nagaganap na street fighting. Dahil don ay may nag offer sakin na pumasok sa org nila, matagal na pala ako nitong sin...