Chapter 1

26 2 5
                                    

[The Not-So-Adventures of Piers]

Quick Reminder:

All rights reserved. What is in the story (characters, events, places, shits) is only an imagination. Any resemblance to actual events or locations are simply coincidental. I am sorry for some mistakes (like grammars or spellings), I hope you guys won't create an issue about that. Therefore, enjoy reading! :)

Chapter 1

Sunday, Week 1

"Yes Mom, bukas na po ang pasukan namin. Opo. Ako na po bahala. Bye."

I ended the call. Nasa ibang bansa ang mga magulang ko para mag-trabaho, naiwan ako dito para mag-aral. Ang mommy ko ang palaging nagpapaalala ng mga dapat kong gawin, every Sunday tumatawag talaga siya.

Bukas na ang first day of class namin. Oh hell no, I am not excited. Mahirap gumising ng maaga, mahirap maligo ng malamig, mahirap bumangon sa kama.

Ako nga pala si Piers Martinez, 4th year high school student.

'Di ko pa pala naaayos yung mga gamit ko,at ang kalat na ng bahay. Kailangan ko na sigurong maglinis. Pero bago ko pa man umpisahan ang paglilinis, may kumatok sa pinto.

"Sino 'yan?"

"Pakyu!"

"Tang ina mo din."

Binuksan ko ang pinto. Si Charles Devera, my childhood friend. Parehas kami ng pinapasukan and magkaklase kami last year, sana ngayon din. Nauna pang kumuha ng pagkain sa ref ang walang hiya, at dahil doon...

"Hoy, tulungan mo ako ditong mag-linis ng bahay." Sabi ko.

"Katulong na tayo ngayon?" Sabi niya habang ngumunguya sabay tayo.

Makalipas ng isang oras, natapos din kami sa paglilinis at pagkatapos din noon ay umuwi na siya. Natapos ang araw na halos wala akong ginagawa kundi puro humiga at kumain at mag-Facebook. Halos wala akong ginawa sa buong bakasyon. Para lang akong nasa loop na paulit-ulit lang na kain, higa, nood (depende kung anong klaseng palabas :>), tulog. Pero mababago na ang lahat ng 'yun simula bukas.

--
Hey! It is my first time writing a story kaya sorry kung hindi kagandahan but hey, umpisa pa lang naman 'yan. Hahaha. Anyways, ano kayang meron sa first day of class nila Piers? Abangan natin sa next update so keep your eyes on this one! :)

- Earl

The Not-So-Adventures of PiersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon