Chapter 2

23 2 4
                                    

[The Not-So-Adventures of Piers]

Chapter 2

Monday, Week 1

5:30 in the morning, great, I have 1 hour and a half to prepare for school.

Magsipilyo, maligo, magbihis ng damit, nagawa ko naman na siguro lahat ng dapat kong gawin... Well, except kumain, nakakatamad mag-luto so sa school na lang ako kakain.

Lumabas na ako ng bahay para pumasok sa school, syempre 'di ka naman makakarating doon kung 'di ka lalabas sa bahay niyo. Walking distance lang ang school namin mula dito sa bahay , pero ang layo na ng bahay namin pag nasa school na, aba matindi.

Habang naglalakad na ako papunta sa school, nagkasalubong kami ni Charles. Nagsabay na kami papasok sa school. Hindi nagsasalita 'tong si Charles tuwing umaga, tungo tungo lang, monggoloyd ata.

Nakarating kami sa school sa tamang oras at nakasama sa flag ceremony. Nasa loob na kami ng room namin ngayon at ayon sa mga kaklase namin, may dalawang bagong kaklase daw kami, babae at lalaki. Naubos ang isang oras ng walang tumatayong teacher sa harap namin, we don't know where is he and where are our rumored classmates. Walang nagbago sa first day of class, maingay at magulo, actually buong school year ganito naman talaga. After a few minutes, a teacher and a guy came in.

"Good morning students." Sabi ng teacher namin,

"Good morning sir." Sabay-sabay na sabi namin.

"We have a new classmate, they're actually two but the other one is still in the office so we will wait for her so they can introduce themselves... Hey, take a seat first." Sabi niya doon sa bago at tumungo lang ito.

After five minutes, dumating na yung bagong kaklase namin na babae.

"OKAY GUYS, GISING! Magpapakilala na sila!" Sigaw ng teacher namin.

"H-hi, I am Kim Alexandria Francisco."

"I am Nicholas Molinao, you can call me Nick."

[Alexa's POV]

"Okay, Nick and Kim, you can occupy the vacant seats over there." Our teacher says while pointing out the vacant seats.

Naupo na kami ni Nics, and yep, Nick is gay. Buti na lang at na-pwesto ako sa tabi ng salamin, makakalanghap ako ng hangin.

Kinalabit ako ni bading.

"Hoy babae, naloloka ka na naman diyan." Sabi ni Nics.

"Che. Alam mo, pakiramdam ko mas maayos 'tong school na 'to compare sa dati nating school."

"Ramdam ko nga girl, feel ko nga eh madaming gwapong nilalang dito! Oh my gosh, nakakaloka kung ganon nga." Sabi niya sa'kin na para bang naeexcite mag-explore sa school na ito.

I laughed and said, "Gwapo talaga pinunta mo dito no? Just kidding, hay nako, manahimik ka na nga muna diyan." Sabi ko kay bakla at hindi na siya sumagot.

[Piers' POV]

"Piers, ang ganda nung Kim."

"Alangang yung Nick ang maganda. Pero oo maganda nga." Sabi ko kay Charles.

"Edi iyo na, Ella pa rin ako."

Si Ellaine Tiu, yung babaeng kinahuhumalingan ni Charles, hindi ko alam kung sila na o hindi pero ang sweet nila pag magkasama sila. Sila na may forever.

Sa Wednesday na daw ang regular classes. However, lunch break na. I can finally eat.

Sabay kaming tatlo ni Ella at Charles pumunta sa cafeteria para bumili ng foods. Ang daming tao so I asked Ella to occupy the last table for us three.

Bumalik na kami sa table namin nung nakapamili na kami ng pagkain, and we saw Kim and Nick trying to find their luck searching for an open table.

Tinawag ni Charles si Ella at sinenyasan niya ito na tingnan yung dalawa.

"Okay... Ugh... KIM! NICK! Dito na kayo umupo!" Sigaw ni Ella sa dalawa. Hindi ko naman aakalain na nagkakaintindihan itong dalawang kupal without saying a word. Lumapit na yung dalawa dito at umupo.

Tahimik kaming kumakain until Charles finally decided to break the silence.

"Piers, tahimik ka ata?"

"Gutom ako." Sabi ko pagkalunok ko ng pagkain.

"Sus, nandiyan lang si ano e." Sabi ni Charles at napatingin si Kim at Ella sa akin.

"What the... Aw!" Kinurot ako ni Ella, manners nga naman, salamat. "Sinong nandiyan?" Sabi ko kay Charles.

"Wala." Sabi niya habang humahalakhak. Minsan talaga e may pagkagago 'to, pero gago naman talaga ito palagi.

Tapos na kaming kumain kaya bumalik na kami sa room. Wala din kaming ginawa hanggang sa natapos na ang buong klase at umuwi na kami. 'Di ko akalain na may bago kaming kaklase since 4th year na. Oh well, may dahilan naman siguro kung bakit sila nag-transfer.

But that Kim is pretty, though. Sana makausap ko na siya sa susunod.

--
Uhuh, may pag-tingin na ata si Piers kay transferee Kim Alexandria! Abangan natin ang susunod na updates kung ano ang mga magaganap! Anyways, don't forget to suggest this to your friends! c:

- Earl

The Not-So-Adventures of PiersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon