Chapter 3

12 1 0
                                    

[The Not-So-Adventures of Piers]

Chapter 3

Tuesday, Week 1

"Yung akala mong tama ka, pero pag lumingon ka sa kung saan ka galing, doon mo malalaman na nagkamali ka pala at hindi mo alam kung pwede pa bang maayos ang lahat sa pagkakamaling nagawa mo."

Ang aga, ito agad yung nabasa ko sa News Feed ko. Makapasok na nga.

Nakita ko si Kim na nakatayo sa gilid ng gate ng school namin, I think this is the time to talk to her. :>

"Kim, anong ginagawa mo diyan? Tara, pasok na tayo."
"Hinihintay ko si Nick eh. Mukhang hindi ata papasok. Sige, tara." Sabi niya habang nakangiti. Kill me please.

While we're making our way to our room, I didn't hesitate to ask her some things.

"Uhh... bakit ka lumipat?"
"Hindi kasi maayos yung pagtuturo doon at mukhang hindi rin naturuan ng maayos yung mga nag-aaral doon sa school namin."
"Ahh. Tama ka ng pinasukan, mababait mga tao dito at magagaling magturo yung mga teachers, maiintindihan mo talaga." Tama ka talaga ng pinasukan kasi nandito ako.

Pag-pasok namin sa room, nakita ko ang dakilang rape face ni Charles, mang-aasar na naman 'tong hayop na 'to. Hindi pa 'ko nakakaupo e sinundot ako sa tagiliran.

"Ikaw ha. Mag-aral ka muna gago." Sabi niya habang nakangiti, rape face talaga ang gago.
"Wala pa tayong pag-aaralan ngayon."

Tuloy ang pangangantyaw sa'kin ni Charles ngayon, may nakain atang hindi maganda 'to. Naubos ang oras sa pang-aasar niya sa'kin, lumabas na kaming tatlo ni Ellaine para kumain. Parang napaka-boring nitong araw na 'to, wala kasi si Kim sa table namin. Pero dapat siguro eh mag-isip ako ng ibang pangalan na itatawag ko sa kanya para kakaiba. Hmm... Kim Alexandria...

"Alexa..."
"Sino naman yun?" Sabi ni Charles na ngumunguya pa.
"Si Kim yan, malalim mag-isip eh." Ellaine said.
"Ha? W-wala yun."

Bumalik na kami sa room and no special things happened, hindi ko alam kung bakit parang walang nangyari ngayon. Dahil ba ito sa pag-iisip ko kay Alexa? But... I need to know her first. Bukas na ang regular classes, pahirapan na ito. Ni hindi ko alam kung makakapag-aral ako ng maayos ngayong year, parang ang hirap.

Uwian na, nauna na sila Charles sa akin dahil nag-ikot ikot pa muna ako sa school. Nang pauwi na ako, iniisip ko pa rin siya. Tila ba parang ayaw na niyang umalis sa isipan ko.

Hanggang sa pagtulog ko ay siya pa rin ang naiisip ko. What the hell.

--

Hi, sorry kung ngayon lang ako nakapag-update and napaka-ikli pa. My mind is currently not working fine for now.

- Earl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Not-So-Adventures of PiersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon