The end : "Our Future"
Brave
"BRAVE!"
Napalingon ako sa biglaan na isigaw ng magaling kong kaibigan ang pangalan ko. Hindi ko talaga alam bakit sobrang ingay nito ni Skyler parang nakalunok siya ng mega phone kung makasigaw.
"Gago hinaan mo nga boses mo!" Sabi ko sa kanya nang makarating siya sa pwesto ko, nakalagpas na ako ng entrance at nagmemessage lang kay Justice, malalate kasi iyong isa dahil sa work niya.
Ayaw niya talagang bitawan pagiging barista niya kahit na sinabihan na siya ni mama Veron na hindi na niya kailangan magpart time pero iyong lalaki na iyon ay mas matigas pa sa bato.
Lagi nga ring puyat lalo na graduating kami.
"Ano ba kasi hindi ka namamansin mapuputol nalang litid ko kakatawag sayo hindi ka humaharap!" Ang reklamo ni Skyler. Umikot pa ang mata niya sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil nagreply si Justice sa akin.
Justice:
Mag aasikaso lang ako mamaya pa naman klase ko. Kasama mo na ba si Skyler?
Brave:
Yup! Dalian mo sabay tayo maglunch.
Justice:
Okay. Asikaso na muna ako. I love you, bun.
At hindi ko na nga napigilan ang kilig ko. Para akong highschool na kinikilig sa daan kaya si Skyler nakichismis sa cellphone ko at tinignan ako na parang sawang sawa na siya sa ginagawa ko.
Ikaw ba naman may kaibigan na may jowa tapos araw araw mo nakikita sinong hindi magsasawa? Pero ako never ako magsasawa kay Justice kahit minsan napapagod ang boyfriend ko sa kakulitan ko, super energetic daw kasi ako minsan.
Syempre sino bang ayaw maging pabebe sa mga partner nila? Sa private lang naman.
"Ano ba 'yan Brave hindi ko talaga naimagine noon na makikita kitang kinikilig dahil sa lalaki." Maarte nitong sabi kaya inirapan ko siya, pinagkrus ko rin ang kamay ko sa dibdib ko.
"At bakit naman? Inisip mo ba na never ako iibig sa iba ha?"
"Boplaks what I mean kasi sa lalaki. Akala ko noon sa babae ka mababaliw dami pa namang nagsasabi sayo na dakilang top ka raw pero teh bottomesa ka pala!"
Hindi ko mapigil na tumawa sa tabas ng dila ng lalaki na ito. Kakasama niya doon sa ibang grupo nahahawa na siya ng salitaan nila.
At oo nga pala iyong mga babae na sinasabi niya, noon talaga wala akong interest sa lalaki I mean I like boys noon pa wala lang akong interest sa kanila kasi hindi ko type.
Ayoko sa mga feeling pa-cool na rich kid sa department namin. Madaming gwapo pero hindi ko nga type. May study hard naman, may emotionally intelligent, may matalino basta lahat na ata ng uri ng lalaki sa department namin ay meron pero ayaw ko.
Gusto ko kasi iyong tahimik, pala aral, medyo cold at legal scholar.
Iyong tipo na very opposite ng personality ko.
In short si Justice Hostia Lapointe ang type ko.
"At sinong nagsabi na ako bottom ha?" Pagdisangayon ko sa sinabi niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay. At ang loko nakipagtaasan din sa akin ng kilay.
"Alam ko hindi ikaw top Brave sa tindig palang ni Justice alam ko papalamon ka na sa kanya eh."
Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Pero tama naman siya, sa aura ni Justice mas gugustuhin ko nalang na pumailalaim sa kanya kesa umibabaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/371153821-288-k208426.jpg)
YOU ARE READING
Blue and Grey [Roses And Champagne]
Romance#BL Justice Hostia Lapointe x Brave Claud Foster ᝰ Because of his childhood, Justice became cold-hearted, aloof, and distant. And everyone was afraid of him. Brave wanted to understand him, but it was difficult. He'll be able to soften the boy. Or w...