Prologue

17 5 9
                                    

Disclaimer : This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All scenarios depicted are intended for entertainment purposes only!!

_______________________________________

Napuno ang araw ko ng walang katapusang rounds at pagsusuri sa mga pasyente. Bilang isang doktor, sanay na ako sa ganitong klaseng buhay ang pagiging abala, ang mga madalas na pagpupuyat, at ang mga maliliit na tagumpay sa bawat pasyente na gumagaling.

Ngunit kahit na matagumpay na ang aking karera bilang isang doktor dito sa America, hindi ko pa rin lubos na maramdaman ang tunay na kasiyahan. Hindi naman sa hindi ako masaya, ngunit parang may kulang pa rin sa puso ko.

"Archi, tara muna sa opisina mo," tawag ni Tanya, ang matalik kong kaibigan at kasamahan sa ospital. Pilipino rin siya kagaya ko.

"Sandali lang, Tanya. Tapusin ko lang itong chart ng huling pasyente ko," sagot ko, abala sa pagsusulat.

"Halika na, may ipapakita ako sa'yo," sabi niya, hindi mapakali. Napabuntong-hininga ako at pumayag na rin. "Sige na nga, para matapos na itong pangungulit mo."

Pumunta kami sa aking opisina, isang maliit na kwarto na puno ng mga libro, medical records, at isang maliit na telebisyon na ginagamit ko paminsan-minsan para sa mga balita. Naupo kami at binuksan niya ang cellphone niya.

"Ano bang ipapakita mo?" tanong ko habang nag-aayos ng mga papel sa mesa ko.

"Basta, manood ka na lang," sagot ni Tanya, may halong excitement ang kanyang boses.

Nagsimula ang isang clip ng balita, at biglang lumabas sa screen ang isang pamliyar na mukha. Parang huminto ang oras nang makita ko kung sino ang nasa screen.

It was Ace.

My ex-boyfriend.

"At ngayon, narito si Ace Gutierrez, ang kilalang engineer na nagdala ng maraming pagbabago sa larangan ng arkitektura," sabi ng tagapagbalita.

Nakita ko si Ace, nakangiti at puno ng kasiyahan. Ang kanyang presensya sa screen ay tila bumalik lahat ng mga alaala ng aming nakaraan. Ang mga tawanan, ang mga pangarap, at ang sakit ng paghihiwalay.

Ngayon ko na lang ulit nakita ang kaniyang mukha. dahil simula noong naghiwalay kami, pinutol ko na ang koneksyon ko sakaniya at hindi na rin ako nanghingi ng update sa mga kaibigan ko tungkol sakaniya

"Ang pinakabagong proyekto ni Ace Gutierrez ay naglalayong magdala ng makabagong disenyo sa mga pampublikong gusali. Ang kanyang bagong proyekto ay ang pinakamalaking green building sa bansa," sabi ng tagapagbalita habang ipinapakita ang ilang mga larawan ng gusali.

"Hala, ang gwapo pa rin niya," bulong ni Tanya sa tabi ko, tila hindi napapansin ang tensyon sa akin. "Archi, ex mo 'yan di ba? Ang hot pa rin!"

"Huwag ka nga," sagot ko, sinusubukang itago ang aking emosyon. "Matagal na 'yun. Hindi na mahalaga."

"Eh, bakit parang affected ka pa rin?" tanong niya, tinitigan ako ng mabuti    "Move on na, girl!"

"Basta, matagal na 'yun," sagot ko, pilit na ngumingiti. "Masaya na siya, at masaya na rin ako."

Pero sa loob ko, may bahagi pa rin na nagtataka. Ano kaya ang mangyayari kung magkikita kami muli? Paano kung ang mga sugat ng nakaraan ay maghilom na at kami ay muling maging magkaibigan?

Ilang linggo ang lumipas, nakatanggap ako ng imbitasyon na dumalo sa isang international medical conference sa Manila. Isang prestihiyosong event ito, at hindi ko pinalampas ang pagkakataong makabalik sa Pilipinas, kahit na ilang araw lang.

Dumating ako sa Manila ng mas maaga para sa international medical conference. Mayroon pa akong isang linggo para makapagpahinga dahil gusto ko makapag-handa bago ang mga aktibidad ng event, kaya't nagdesisyon akong mag-stay sa isang condo malapit sa venue. Sa kabila ng pagod mula sa mahabang biyahe, sabik akong masimulan ang conference.

Nagdesisyon akong umakyat sa aking unit upang mag-relax at i-check ang mga materyales na kailangan ko. Habang naglalakad ako patungo sa elevator, hindi ko namamalayan ang paligid ko, nakatuon lamang sa aking cellphone at sa mga dapat kong gawin.

Pinindot ko ang button ng elevator at naghintay. Nang bumukas ang pinto, biglang bumunggo sa akin ang isang lalaki. Tumingala ako upang makita ang lalaki.

Nang makita ko ang pamilyar na mukha ay napahinto ako. Hindi ko inaasahang ang pagkakataon na 'to.

Nagkatitigan kami, at sa isang saglit, parang huminto ang mundo. Walang salita ang lumabas mula sa aking bibig.

Si Ace

Tila nagulat din sa pagkakita sa akin. Ramdam ko ang tensyon sa hangin habang nag-uusap ang aming mga mata.

Ngunit sa kabila ng mga damdaming nag-aalab, wala ni isa sa amin ang nagpasiyang magsalita. Walang "kamusta," walang ngiti. Tila ba natigil ang oras, at ang paligid ay naglaho. Sa likod ng kanyang mga mata, nakita ko ang mga tanong at alaala na bumabalik, ngunit hindi siya nagtagal sa aming pagtitig.

Bago ko pa man maisip ang sasabihin, may tumawag sa kanya mula sa labas ng elevator.

"Ace, Tara na!" Isang babae ang nagmamadaling tawagin siya. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, ngunit sa kabila nito, hindi niya maikilos ang kanyang mga paa.

"Sorry, Miss" sabi niya, ang boses ay puno ng panghihinayang. Wala pang isang segundo, nag-angat siya ng tingin, ang mga mata niya ay puno ng mga alaala at tanong na hindi namin kayang ipahayag.

Naramdaman kong parang lumalabo ang paligid habang siya ay unti-unting lumalayo. Walang salita, walang pagkakaunawaan, ngunit ang tingin namin sa isa't isa ay tila naglalaman ng mga damdaming nakatago sa loob ng maraming taon.

Habang naglalakad siya palayo, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at panghihinayang. Ang mga alaala namin ay muling bumalik ang mga tawanan, ang mga pangarap, at ang sakit ng paghihiwalay.

Hindi ko siya masundan ng tingin habang siya ay naglalaho sa likod ng mga tao. Binalikan ko ang aking sarili at ang mga dapat kong gawin, ngunit ang mga tanong at emosyon na naiwang nakabitin ay patuloy na sumasagi sa aking isipan.

Sa sandaling iyon, alam kong ang pagkikita namin ay hindi natapos sa mga sulyap na iyon. Ang aming kwento ay patuloy na umiikot, at hindi ko alam kung kailan o paano ito muling mabubuksan.

________________________

A/N

- ‘di ko rin alam when next update guys

thanks for reading :'))

Endless Horizons                                      ( Youth Series #1 )Where stories live. Discover now