15

2 2 0
                                    

Chiara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chiara

"Thank you sa paghatid," saad ko kay Yuan bago bumaba ng kotse niya.

"Sino bang kasama mo maggala? Hindi ba kita sasamahan?" Tanong niya, umiling na lang ako.

"Hindi na, may kasama ako," sagot ko, tumaas naman ang kilay niya.

"Sino?" Tanong niya.

"Basta," yun na lang ang sinagot ko, lumabas naman siya ng kotse niya kaya nagtaka ako.

"Sabayan na kitang pumasok sa mall," saad niya, kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko, lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako.

"May bibilhin ako sa loob eh, promise pag nakapasok na tayo hahayaan na kita," saad niya, pumayag na lang ako.

As much as possible ayaw ko sanang malaman niya na si Taehyun ang kasama ko. Sumama lang naman ako dahil libre daw.

Sinong hindi makakatanggi sa libre diba?

Naglakad na kaming dalawa ni Yuan papasok sa mall at nung nakapasok na nga talaga kami, nagpaalam na siya at umalis na din agad.

Naiwan na lang akong mag isa kaya hinanap ko na kung nasaan man si Taehyun.

Hindi niya nga pala sinabi kung saan kami magkikita, sa mall lang sinabi niya eh di ko tuloy alam kung saan siya hahanapin.

Gago talaga.

Pumunta na lang tuloy ako sa bookstore at naghanap ng libro na pwedeng bilhin.

Pag hindi ko talaga nakita si Taehyun bahala na siya sa buhay niya.

Nag-ikot lang ako sa mga shelves at pag may nakikita ako na gusto ko kinukuha ko lang yun para babayaran ko na lang mamaya.

May nakita naman akong gusto kong libro kaya kinuha ko agad yun baka makuha pa ng iba.

"'Before The Coffee Gets Cold?'" Nagulat naman ako ng may narinig akong nagsalita sa likod ko kaya napatingin kaagad ako kung sinong siraulong nagsalita sa likod ko.

Umirap naman ako ng makilala kung sino yun. "Oh?" Yun na lang ang nasabi ko, tumawa naman siya.

"Kanina pa kita hinahanap buti alam mong nandito ako," saad ni Taehyun, I scoffed.

So you're telling me nandito lang pala siya all this time?

"Tss... hindi ko nga alam na nandito ka," saad ko, tumaas naman ang kilay niya.

"Eh bakit nandito ka?" Tanong niya naman, hindi niya ba nakikita kung ano ang hawak ko?

"Para bumili ng mga libro malamang," sagot ko, natawa ulit siya at umiling.

"Tapos ka na ba?" Tanong niya, tumango naman ako at kinuha niya naman ang libro na babayaran ko sana.

"Hoy! Ibalik mo yan!" Sigaw ko kay Taehyun ng maglakad na siya kaya sinundan ko naman siya.

"Babayaran ko na! Sabi ko diba ililibre kita?" Saad niya, oo nga pala.

Hinayaan ko na lang siya na dalhin ang mga libro na kinuha ko papunta sa counter para siya na ang magbayad.

Hinintay ko na lang siya sa labas ng shop. Hindi naman siya matagal sa loob kaya nakalapit na siya agad sa akin dala dala ang mga binili ko.

Kukuhanin ko na sana yun sa kamay niya ng ilayo niya yun. Kumunot naman ang noo ko at tinignan siya ng nagtataka.

"Baka pag nakuha bigla kang tumakbo eh may kapalit 'to 'no," saad niya, nagtaka ulit ako dahil sa sinabi niya.

May kapalit amputa.

"Ano namang kapalit?" Tanong ko sa kanya, ngumisi naman siya.

"Let's hangout, yun ang kapalit," saad niya at hinila niya na ako bago pa ako makahindi.

Loko talaga siya.

𝐞𝐦𝐛𝐚𝐫𝐫𝐚𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐬𝐭𝐚𝐤𝐞 , 𝐤.𝐭𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon