Chapter 3: Teasing Guy..

4 0 0
                                    

CJ's POV

"At ano naman ang pali?????" Nayayamot na tanong ko sa kanya. Nakakainis kase, malay ko ba kung ano yung pali na yun diba? mamaya latin prayers pala yun e nakulam na pala ako dito!

"Edi palengkera! HAHAHAHAHAH!" Naiiyak na siya sa sobrang kakatawa niya! Nakahawak na nga siya sa tiyan niya e, napakasaya niya! Ako naman, nakatingin lang sa kanya at binigyan siya ng "what-the-hell-did-you-call-me" look! nakakapanginig siya ng laman! Swear!!!!!!!

"Hahahahaha ea-hahaha-sy ka lang ka--hahahahhahaah-se! HAHAHAHAHAHAHA!" Baliw na yata ang isang to e! Ano bang number sa mental? Bigay nyo nga sakin at ng mapadala na ang isang to! Ginagalit niya talaga ako!!!!!!!!

At ng mahimasmasan na siya.....

"Napakadaldal mo kase e, kaya pali nalang ang itatawag ko sayo. HAHAHAHAHA."

Okay readers, alam kong hindi horror ang story natin pero pwede hayaan nyo kong paslangin ang isang to?!!

A/N: Edi pag pinatay mo siya CJ, sino ng kalove team mo sa story nato? Ikaw din baka maging loner ka. :))))

Wag ka nga ms. author! Wala naman akong balak na maging kapartner siya no! Ang gusto kong maging partner ay ang aking lovable na Papa Zyerre! OO tama ang nababasa nyo dyan readers! Syempre meron din naman akong crush no! Siya si Zyerre Jann Benito, ang ultimate handsome ng Academy nato! Ang galing nga niya e, isa din siya sa mga varsity dito sa school namin! Oh diba hanga kayo? Kaso sa sobrang kasikatan niya, parang hindi yata niya alam na nag eexist ang isang tulad ko. Ang dame kaseng magagandang girls na nakapalibot sa kanya, mga mayayaman din sila! O ano naman daw panlaban ko sa mga yun? :'( pero kahit ganun ang bait bait nya! Paano ko nasabi? Kase may mga tinutulungan din siyang scholars dito sa school namin! Like yung allowances nung mga yun siya ang nag iisponsor, mga projects din nila siya ang sumasagot! Kahit na sa parents pa rin niya naman talaga nanggagaling ang lahat ng yun atleast siya yung nag sasabi sa parents niya. Oh diba? Ang bait bait talaga ng Papa Zyerre ko! Kaya labs na labs ko yun e! Tapos ang macho pa, ang tangkad, bumabakat sa jersey niyang basa ng pawis yung 6paks na abs niya! Huwaaaaaw! :DDDDDDD Ang tangos ng ilong, at may dalawang malalalim na dimples! Oh diba? San ka pa! tapos-----

"AAARAAAAAAY!" sigaw ko habang sapo sapo ko ang ulo kong binatukan ng hambog nato! oo nga pala, kasama ko nga pala siya. Nakakainis naman oh! Inistorbo niya yung pag papantasya ko kay Papa Zyerre! Arggggh! "Ano bang problema mo?! Bat bigla bigla ka nalang mambabatok?! Kita mong ang ganda ganda na ng iniisip ko e! Nakakainis ka na talaga a! Suntukan nalang ano?!" At agad ko namang itinaas yung dalawa kong manggas at nag form yung dalawa kong kamao ng pangsuntok na   pose! Ready to fight na to tsong!

"E pano ba naman kase, mukha kang sinaniban diyan! Nakangiti ka ng wagas habang nakatingin sa kawalan! Malay ko ba kung pinag nanasaan mo na yung macho kong katawan no! Nako hindi nako virgin dahil sa mga pinag iiisip mo! eeeewwwww kang babae ka! Hindi ka lang pala palengkera, manyakis ka pa! Maniac!" Sigaw ba naman niya sa mukha ko?! Ay walangya lang! Nakakainis! asa naman siya, kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya! Dibale sana kung kasing macho at kasing gwapo niya si Papa Zyerre ko e! E hindi e! Kuko lang siya ni Papa Zyerre no! HMP!

"Hoy feelingero kang lalake ka! Wag ka ngang umasa diyan! Hindi ikaw ang iniisip ko no?! Di hamak naman na mukha ka lang kuko ni Papa Zyerre ko kaya manahimik ka nga diyan!" >__________< ganyan ako ng sinabi ko yan sa kanya! Nakakainis talaga siya!!!!!!!! Masyado siya! kahit kailan hinding hindi ko siya pag nanasaan no! Over my dead beautiful sexy hot body! :DDDD

"Sus! I bet ako ang iniisip mo kanina. Wag ka na kase mag deny, halatang halata naman kase talaga sa reaction mo e!" Nang aasar na sabi niya sakin.

"Aba't ako ba tala---"

"Both of you enough! Dinig na dinig hanggang sa labas yang asaran niyong dalawa! Hindi na kayo nahiya late na nga kayo e ang iingay niyo pa! Hala sige pumunta na kayo sa mga classroom niyo tapos na ang detention punishment sa inyo!" Di ko na natuloy yung sasabihin ko sa kumag nato ng biglang dumating si Mrs. Minchin este si Mrs. Santos na ubod ng sungit! Pinababalik na niya kami sa classroom. :'(

"Halika na nga, bago pa bumalik yung kapatid ni Amelia sa Princess Sarah!" --Siya

"...................." yan naman ang sagot ko! Naiinis na kase talaga ako kaya di na ako nag salita.

Lumabas na kami ng detention room. Ang layo ng pagitan namin sa paglalakad. Syempre nauuna siya! Napaka gentleman talaga!!!!!

Buti naman makakabalik nako sa room, makikita ko na ulit si Tseby Hannah! :DDD oo, si Hannah Aguillar ang bestfriend ko dito sa AAcademy, since 1st yr bestfriends na kami. Mukha siyang koreana pero hindi talaga siya koreana. :D Excited nakong ikwento sa kanya kung gaano kahambog tng lalake na to! Na nanira ng buong araw ko! :'(((

A Love To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon