Prologue

15 3 5
                                    

Laurice 

Dalawang taon. Dalawang taon na ang lumipas. Umusad ang buhay at maraming nagbago. Pakiramdam ko sa paglipas ng oras pinilit kong sagutin ang mga katanungang hindi nasagot. Mga tanong na ako din ang sumagot. Unti unti kong tinanggap at kinalimutan ang sakit. Limot ko na yung pait ng nakaraan at nasanay nalang ako sa mga pagbabago sa buhay ko. Pinilit kong bumangon at makaahon sa pagkakalunod. Oo, limot ko na yung pakiramdam pero ikaw hindi pa. Naaalala pa rin kita. 

"Lalim ng iniisip natin ah?" Nabalingkwas ako ng narinig kong pumasok si Gale sa kwarto ko. Umagang umaga kasi nakatingin ako sa bintana. Ang lalim nanaman ng iniisip.

"Nagmumuni muni lang." Pagpapaliwanag ko. Naglakad ako papunta sa bed table ko at kinuha yung phone ko para tignan yung oras. 9am na pala.

"At sino naman yung minumuni muni mo?" Pang aasar neto. Hindi ka talaga titigilan ni Gale hanggat hindi niya nakukuha yung sagot na gusto niya. Gale is my best friend.

"Teka nga bakit ka ba nandito?" Pag iiba ko ng topic. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ang aga aga nakatambay dito sa bahay namin. Pag nandito siya ng walang paalam it's either broken siya or may kailangan sa akin.

"Labas tayo." Saad niya.

"Saan mo nanaman ako balak dalhin te?" Nung nakaraan kasi nagpunta dito sa bahay gabing gabi, tulog na tulog ako. Bigla ba naman ako hinila sa kama at may pupuntahan daw kami. Yun pala gusto niya tulungan ko siyang isurprise yung boyfriend niya.

"Dyan lang." Maikling sagot niya.

"Gale, diretsahin mo na ako. Saan mo nanaman ba ako dadalhin? Mamaya magugulat nalang ako nasa ibang lupalop na ako ng Pinas. Di ko pa kabisado dito ah." I just got home from US a month ago kaya wala pa akong masyadong alam dito sa Pilipinas. Hindi ako lumalabas pag wala akong kasama. Natatakot ako eh baka kung anong mangyari sa akin.

"Pag sinabi ko kasi di ka sasama." Pag iiwas ng mata neto.

"You know me too well. Ikaw na rin nagsabi na pag alam ko hindi ako sasama kaya di na ako sasama." 

"No! Please come. Please? Umuwi ka ng Pinas para mag enjoy ah. Kaya kung saan kita dadalhin sumama kana lang. Loosen up! You need to enjoy Lu!" Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Oo nga naman, I need to enjoy kaya ako umuwi ng Pinas para magbakasyon tapos nasa bahay lang ako. Para saan pa at umuwi ako diba?

"Fine, whatever. Make sure na it's safe." Pagbabanta ko sakanya.

"Trust me, you'll enjoy it." Nakangiting masama ito. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa ngiti niya eh. 

Hindi na ako nakipag bangayan pa at dali dali na akong nag ayos ng sarili ko. Tinanong ko si Gale kung ano ba dapat isuot. Sabi niya okay na daw yung casual. So I decided to wear denim shorts and cropped shirt then snickers. I asked her if okay na suot ko, she said yes so ito na. 

"Lu pack some of your clothes and things." Napatigil ako sa pagsusuklay ng hair ko nung narinig ko yung sinabi niya.

"Seriously Gale? Where the heck are you taking me?" Gulat kong sabi sakanya.

"Change of plan daw." Daw?

"Daw? You mean may iba tayong kasama?" Ayan nanaman siya sa ngiti niyang masama.

"Yes girl. Go na. Nevermind, ako na mamimili ng dadalhin mo." Imbis na makipag away pa ako sakanya, hinayaan ko nalang siya. Just go with the flow nalang. Kasama ko naman siya so better enjoy nalang kung saan man yung sinasabi niyang "dyan lang" na pupuntahan namin. 

I got a hint sa mga kinukuha niyang damit ko. Some of it are swimwear. It's either sa beach or resort punta namin. Kaya pinalitan ko ng slippers yung sneakers na suot ko. Napatingin naman siya sa ginawa ko but she didn't say anthing. Tuloy tuloy lang siya sa pag aayos ng gamit ko. In the end, tinulungan ko na din siya para madala ko rin yung necessities and gusto ko dalhin. 

After namin mag empake, kumatok si Ate Agnes para sabihing nasa baba si Claude, boyfriend ni Gale.

"Third wheel ba ako sainyo?" Tanong ko. Lagi nalang kasi akong third wheel sa dalawang to since umuwi ako. Naaawa na nga ako baka wala na silang time ng silang dalawa lang kasi lagi nila akong sinasama sa lakad nila. One of the reasons kung bakit nagdadalawang isip ako na sumama kay Gale.

"Nope. May kasama pa tayong isa." Sagot ni Gale at kumindat pa nga.

"Girl?" Out of curiosity tinanong ko.

"Syempre lalaki. Double date to te." Sabay palakpak pa niya. Ako naman parang nabingi ako sa sinabi niya.

"Ano yun Gale? Double date? Sa pagkakaalam ko wala akong boyfriend or manliligaw." Eh wala naman kasi talaga. May mga dinedate ako sa America noon pero hanggang don lang yun. Hindi ko pa kayang magtake ng another risk.

"Don't worry, manliligaw magkakaroon kana." Sabay hila sakin palabas ng kwarto ko. Gulong gulo ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi na ako makapagsalita. How come na may gustong manligaw sa akin one month palang ako dito sa Pinas?

Pagbaba namin sa living room, nandon na si Claude nakaupo sa sofa namin. Hinihintay kami.

"Hi Claude!" Bati ko sakanya at nakipag fist bump naman siya sakin.

Tinulungan na rin niya ako buhatin yung bag na may laman ng mga gamit ko. Nilibot ko yung mata ko para sana makita kung nasaan na ba yung sinasabi ni Gale na manliligaw ko. Eh wala naman.

"Curious much?" Pang aasar sakin ni Gale. Kiniliti pa nga ako sa tagiliran!

"No ah." Tipid kong sagot sakanya.

Natawa si Claude kaya sumabat na rin.

"He's in the car." Aniya at nag apir pa ang dalawa. 

I don't know exactly what I'm feeling right now. I dated other guys before but after I graduated college I told myself that I am ready to open my heart again for someone. Kaya sana okay tong sinasabi nilang gustong manligaw sakin!

Habang naglalakad papuntang gate, sa labas na kasi pinark ni Claude yung car niya kahit kasya naman sa garage namin yung car niya kasi aalis din naman daw kami agad, hinila ako ni Gale sa malayo.

"Laurice, it's time to love again. Hindi kita pipilitin na magustuhan mo si Marco, ang sakin lang try to open your heart again. That's all. Nasa sayo pa rin if magugustuhan mo siya or hindi. He already has a crush on you the first time he saw you. He asked Claude if there is a chance that he can get to know you." 

Wait, Marco? 

"Marco? As in the guy who grabbed me nung muntik na akong masagasaan ng car?" Gulat kong tanong kay Gale. Nakabonding na namin siya once nung birthday party ni Claude. Nandon lahat ng friends niya and one of them is Marco. I almost got hit by a car nung tumatakbo ako kasi I saw a cat lying on the street at mukang gutom na gutom. Dahil sa takot ko nawala na sa isip ko na isave yung pusa. Shems? Nasave kaya siya?

"Exactly! Buti naalala mo pa siya!" Excited na sabi ni Gale.

"How could I forget the guy who saved me when I almost die?"



Forever EngravedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon