Chapter 6

1 0 0
                                    

What the?

I know hindi dapat ako masaktan but, I'm his wife. Why should he flirt? Hindi dapat siya nakikipaglandian kung alam niya na may asawa na siya.

Ang sama mo Dhale. Napakasama mo.

Naglakad ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta lakad lang ako ng lakad. Para akong isang lantang gulay, matamlay.

Galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil bigla-bigla nalang nasasaktan.

Nabalik ako sa sarili ko ng napansin ko na medyo may kadiliman na ang nilalakaran ko. Nilibot ko ang paningin ko at napansin ko na nasa isang abandonadong parke ako. Wait, what?

"Paanong..." Paanong napadpad ako rito?

Lakas kase ng trip mo Xan, ayan tuloy nawawala kana.

Bigla akong nakaramdam ng pagkatakot. Napakatahimik, walang halos tao. Nilabas ko ang phone ko at the fudge, napakawrong timing naman dahil patay ito. Nalowbat yata kanina.

Kinilabutan na ako dahil sa malamig na simoy ng hangin, sinasayaw nito ang mga halaman dito, mga punong sumasayaw at swing na tumutunog. Napakacreepy dito.

Unti-unti kong naramdaman ang luhang namumuo sa mga mata ko. Ito ang pinaka-ayaw ko, ang pinakakinakatakutan ko, ang dilim. Lalo na't ang tanging liwanag lang ay isang patay sinding ilaw na nasa lumang poste, hindi ko napansin. Madilim na hanggang dulo, at kapag magpapatuloy ako ay alam kong hindi ko na makakaya. Baka himatayin pa ako ng wala sa oras kaha tumalikod ako pero pati ang daanan ay madilim na.

Hindi ko alam, hindi naman medyo madilim kanina nung papunta ako rito. Or baka hindi ko lang napansin dahil sarado nga ang isip ko kanina.

Lumalagabog na ang dibdib ko. Hindi na kinakaya ng systema ko. Natatakot na ako kaya hindi na kinaya ng takot ko ay napahagulhol na ako.

Dhale? Nasaan ka na ba? Kailangan kita eh.

Kuya ko, I need your help. I badly need all your help.

Napaupo ako. Nag-pray ako. Halos siguro lahat ng santo natawag ko na. Tinakpan ko ang tenga ko. Ayokong marinig ang hanging malayang sumisibol sa kapaligiran.

Bigla akong napakapit sa bag ko. Nasilaw ako sa isang sasakyang huminto sa harap ko. Ayoko. Ayokong makita kung sino ang huminto sa harap ko. Baka kass isang masamang tao, pa'no nalang kapag pagtangkaan ako? Makakatakas pa kaya ako gayung takot ako sa dilim?

Narinig ko na bumukas ang pinto at may yapak din akong naririnig papalapit sa akin.

Bago pa niya ako malapitan ay nagsalita na ako.

"Please...... j-just please d-don't come near me...." halos pabulong ko ng sabi sa kanya habang nakapikit. Narinig ko naman na parang huminto ito.

"Ma..maawa ka please..." iyak na ako ng iyak. Wala akong narinig kahit ano sa kanya. "Please... don't do anything..."

"Xan..."

Parang huminto ang pintig ng puso ko. Ang boses na iyon... alam ko kung kanino galing. It's him. He's here.

Namamaga na ang mata ko kakaiyak kaya kahit masakit ay unti-unti kong minulat ang mata ko. Masilaw kaya mas lalong sumakit. Lumapit siya para takpan ang ilaw ng kanyang sasakyan. Inayos ko ang salamin ko, napakablurry ng aking paningin.

Pagtingala ko ay mukha niyang napakaseryoso agad ang bumungad sa akin.

"Kuya.... you're here... t-hanks God...." saad ko habang umiiyak. Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko. Basta alam ko, safe ako. Safe na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kneel Down, ProfessorWhere stories live. Discover now