Gold Necklace
Elizabeth's POV
Inihinto ko sa harapan ng malaking pintuan nitong Mansion ang Silver Porsche ko. Bumaba ako sa sasakyan. Initsa ko ang key ng Porsche ko na kaagad naman sinalo ni Mang Randy, yung family driver namin.
Nagsimula akong maglakad sa gitna nitong red carpet na inaapakan ko. Habang naglalakad ako ay dinadama ko ang bawat yapak ko sa red carpet.
Bumukas ang malaking pintuan ng Mansion at saka bumungad ang tig-li-limang katulong sa magkabilaan kasama yung Mayordoma namin na si Manang Lucinda.
"Welcome back, Señorita Elizabeth!" bati nilang lahat, yumuko sila.
"Hi Katulongs! I like your new uniforms ha, so cute!" Kumindat ako sa isa naming katulong.
Ganito talaga sa Mansion. Every year nagpapapalit si mother ng uniforms ng mga trabahador sa Mansion, even the security guard. You know, ayaw niya kasing maiwan o mahuli sa uso. Gusto niya taon-taon ibang disenyo at styles naman yung makikita niya, para siguro hindi nakakasawa.
"Elizabeth, Elizabeth, Elizabeth!" I stopped walking when I heard Vao's gasping voice, ang Yaya ko.
She ruined my moment. Arrgghhh!
"What?!" Padabog akong humarap sa kaniya na ngayon ay nasa likuran ko na pala habang nakahawak sa tuhod niya.
Ilang metro kaya tinakbo niya para ganiyang siya maghangos? Kaka-bother ah.
Inayos niya ang magulo niyang buhok at umayos sa pagkakatayo. "E-eh, m-mamayang 4:00 p.m. na yung dating ni Don Federico at Donya Vertrana dito sa Pilipinas-"
"And then?" I cut her off.
"Eh, diba sabi mo ikaw mismo susundo sa kanila sa Airport?" Tinuro niya yung relo niya. "Eh, 3:30 na oh."
Omg! Oo nga pala, I forgot. Nangako pa naman ako kina Dad and Mom na ako ang susundo sa kanila mismo. Nasa Canada kasi sila dahil may business trip sila roon at pauwi na sila rito sa Pilipinas sakay ng Eroplano.
"Okay, Yaya." Nakaharap sa kaniya ang nakabukas kong palad. "Just wait here for a moment and give me a few minutes, I'll change my clothes first."
Kaagad na akong umakyat sa hagdan patungong room ko para magbihis.
Syempre noh, pangit naman siguro kung naka-school uniform akong pupunta sa airport. And what if may pogi roon, diba, at least prepared.
Lalong lalo na't gusto ko agaw tingin ako roon.
Pero hindi pa man ako nakarating sa taas ay napahinto ako nang marinig ko ang sinabi ni Yaya.
"Bilisan mo ha para hindi tayo malate, tumatakbo yung oras."
My brows meet. Humarap ako sa kaniya. "Yaya, How did time do that?" I asks.
"The what?"
"The running," sagot ko. Nangiwi ang bibig niya.
What's on her mind?
"Bilisan mo na nga lang, magbihis ka na, natatanga ako sa'yo eh." Tanga ka naman talaga, eh, ngayon mo lang na discover?
Tatalikod na sana ako pero napahinto ako nang muli siyang mag salita.
"Bilis bilisan mo pag-aayos ha, para hindi tayo ma-late."
I rolled my eyes saka ko siya hinarap.
"You know, Yaya, if you're worried that we might be late because time is running out, why don't you make the time 'pilay' so that we won't be late?"
YOU ARE READING
Four's In One Tale
Teen FictionFour rich and famous students, Avena Monroe, Margaux Syl, Elizabeth Dizon, and Demitri Alistair, are facing problems that have led to the ruin of their ten years of friendship. What should they do to rebuild their friendship? Do they need to face ea...