1

1 1 0
                                    

"Kaya pa ba Esca? Parang lasing ka na ah"

I took my glass from the table and drank my remaining shot. Nahihilo na ako at ramdam ko ang init ng katawan ko dahil sa tama ng alak. Idagdag mo pa ang maingay na sigawan at tugtugan lalo na ang nakakabulag at paikot-ikot na ilaw dito sa club.

"Kaya pa. Hindi ako lasing!" sigaw ko at tumayo pa para ipakitang kaya ko pero agad ring napahawak sa ulo dahil sa biglaang pagsakit nito.

Tumawa lang sina Temie at tumayo sabay hila sa akin. Tangina. Ang sakit ng ulo ko tapos bigla akong hihilain.

"Sayaw tayo dali" hinihila na ako at tinutulak papuntang dance floor kaya nagpatiyanod na lang din ako.

Pagdating namin ay agad silang sumayaw habang sumisigaw. Sina Temie at Majah na gumigiling giling habang ang mga kamay ay nakataas at sina Rylee at Mayo na tumatalon habang iwinawagayway ang mga kamay para sabayan ang malakas na tugtog.

Napatigil ako sa pagsasayaw nang may matanaw ako na naglalakad sa gilid. Tinignan ko ito nang mabuti at ang babaeng kasama niya. What is he doing here? And he's with another woman again, huh?

Damn.Cheater.

He had really guts to show his face here after cheating. I saw  how he wrapped his arm to the girl's waist and smiled at her while walking to their table.

"Come on, let's dance. Why did you stop?" Tumingin ako sa lalakeng kasayaw ko kanina at umirap.

Umalis ako sa dance floor kahit tinatawag niya ako at diretsong nagtungo sa mesa namin. Nag-iba na ang timpla ko ngayon dahil sa lalakeng iyon. Nanggigigil pa rin ako sa t'wing iniisip ang ginawa niyang panloloko.

"Bat ka umalis doon. Sayang ung kasayaw mo, gwapo pa naman" sina Temie na kababalik lang habang patuloy pa rin ang pag-aalburoto ko sa isip ko.

"Bat ganyang nakabusangot yang mukha mo. Para kang aso" si Majah na tumatawa habang umuupo.

"Hey, I've seen your ex there with another girl" si Rylee at talagang itinuro pa kung saan sila nakaupo.

"Still into him? It's already one month since you broke up with him" nakangisi pa sa akin si Mayo na parang may pinapahiwatig.

"I already moved on so please stop teasing me with him" I clearly told them but they just looked to each other while shaking their head.

"Nakamove-on ba yung nakita lang ang ex, iniwan na ung kasayaw" pang-aasar ni Rylee bago sila nagtawan. I rolled my eyes and just drank another shot.

I continuously drink with my friends and sometimes, I will glance to their table, my ex table. I don't know if he's aware that I am here but I hope that he didn't see me cause he's busy drinking while laughing with his friends.

"Ang sakit ng ulo ko" daing ko habang nakaalalay sakin si Temie papuntang parking lot. Pagiwang-giwang na ako at halos matumba na sa sahig dahil sa pagkahilo ko.

"Ayan inom pa kasi" saway sakin ni Majah habang hinahalungkat ang susi ng kotse ko sa bag ko.

Inihatid din ni Rylee si Mayo dahil sa lasing na lasing na hanggang sa nahimatay. Nauna si Majah sa kotse para paandarin ito habang patuloy pa rin sa pag-alalay sakin si Temie.

"It's just a game Chad" papasok na sana kami sa kotse nang makita ko siya. Agad nagtama ang mga mata namin kaya napahinto rin siya sa paglalakad pati na ang kasama niya, si Jored na kaibigan niya.

"Oh, nandito ka pala Esca" bati sakin nito saka lumingon kay Temie na nasa tabi ko lang. Matagal ang paninitig niya rito habang iwas na iwas naman si Temie. Lumingon ako kay Chad na ngayon ay nakaiwas na ng tingin.

Save Her From WavesWhere stories live. Discover now