Dedicated to Catiana Fiorisce
Reposted from my RP Account
(don't mind the untitled sa pic, wala kasing title before)
Sabi nila ang pagkakaroon ng lalaking kaibigan ang tunay na masaya. Yes, masaya nga ang magkaroon ng kaibigan na lalaki not until mahulog ka sa kaniya.“Hoy, Pusaa! Tara, kakain tayo,” bungad ni Miguel na ikinairap ko ng wala sa oras.
“Catiana! Catiana, hindi pusa!” inis kong saad ngunit tinawanan lang ako nito.
“No. Pusa! Pusa! Pusa ko!” tuwang-tuwang saad niya.
“Pusa ko?” natulala ako ng ilang segundo at hindi mapigilan ang pagpula ng aking pisnge.
Inang! Bakit naman kasi may ko?
Parang mahihimatay ako sa nararamdaman. Masaya sa dibdib pero—
“Ha? Oo, may kaibigan na nga ako, may pusa pa,” nakangiting saad niya na ikinawala ng aking ngiti.
Tama, kaibigan. Kaibigan lang ang turing niya sa akin o kaya naman nakakabatang kapatid. Kailan man ay hindi niya ako tiningnan biglang isang babae, babaeng maaari niyang mahalin.
Masakit man ngunit pilit kong inalis at ibinabaon sa aking isipan na tama na, tama na ang pagmamahal sa kaniya na alam kong malabo niyang ibalik sa akin.
“Tulala ka na riyan. Anong iniisip mo ha?” pang-aasar niyang saad na may kasama pang pag-akbay sa aking balikat.
Ginulo nito ang aking buhok na malakas kong ikinasinghap. “Inamo ka! Tumakbo ka, lagot ka talaga sa akin once na mahuli kita,” kunwari ay galit kong sigaw na ikinatakbo niya palayo.
Bumuntong-hininga ako ng ilang beses bago siya hinabol na palagi kong ginagawa.
Tss, magmahal ng isang kaibigan ay sadyang mahirap. Minsan mapapaisip ka na lang kung anong pipiliin mo, ang umamin o itago na lang ito.
Ako si Catiana, mananatiling nagmamahal ng palihim sa lalaking ‘ni minsan hindi man lang ako tingnan na na may pagmamahal, pagmamahal higit sa isang kaibigan.
Masakit ngunit ang isang martyl na kagaya ko ay tila ba isa ng bulog, bulog sa pagmamahal na ultimo ayaw na tumingin sa iba.
YOU ARE READING
GIVE AND READ
RandomMaglalaman ng mga kwentohang gagawin ko galing sa mga litratong makikita ko, randomly o mga picture na isinend sa akin. I will dedicate this to each reader, who gave a picture of the story or who wants a dedication. Welcome, a story with different...