Wala akong ibang ginawa at humilata lang sa higaan ko. Nakakapagod din kasi mag-commute tapos pumasok araw-araw.Isang linggo na ako sa bagong university pero si Brielle lang ang naging close ko.
Tumulala lang ako sa kisame dahil wala akong magawa. Tinatamad rin ako bumaba para manood ng TV.
Pumasok bigla sa utak ko ang tatlong sikat na lalaki sa eskuwelahan ko. Right! Maybe I should stalk their account?
Agad akong tumayo at nagpunta sa study table ko para buksan ang laptop. Isinearch ko ang pangalan nila sa Instagram at hindi na ako nahirapan hanapin ang mga account nila.
Dreimartinez_
674 post 678K followers 5 following
La Martinez | SSG Treasurer
Wow ha, nahiya yung one-hundred-two followers ko!
Nag-scroll ako sa mga post niya puro mga pictures lang naman yun kasama ang family niya sa ibang bansa dahil madalas ata sila mag vacation.
Tiningnan ko ang limang following niya at nakita ko ang account ng dalawa niyang kaibigan ang iba naman ay mga family members niya na.
Sunod kong pinindot ang account ni Castiel.
Castialejandro
542 post 765K followers 7 following
Cheers🥂 | SSG VP
Nag-scroll ako sa mga post niya at ang karamihan ang puro picture niya sa mga club.
Napangiwi nalang ako nang makita ko na iba't ibang babae ang kasama niya sa bawat post. Hindi maipagkakailang babaero talaga ang lalaking 'to.
Pinindot ko ang huling account.
Zariusariec
1 post 997K followers 3 following
Heir | SSG President was
Kahit iisa lang ang post niya ay madami pa rin siyang followers. Ang profile niya ay naka-suit at naka-side view.
Kahit ang side view ay perpekto pa rin, so unfair!
Tiningnan ko ang tatlong following niya sila Drei at Castiel lang ang nandoon at ang kompanya nila.
***
Nagising ako sa alarm ko 5 o'clock na pala. Tumulala muna ako saglit bago tumayo at naligo.Pagkatapos ay nagbihis na ako. Nadatnan ko si mama sa kusina na nagluluto ng chicken curry, isa sa mga paborito kong pagkain.
"Good morning mama" hinalikan ko ang pisngi ni mama at napangiti nalang siya.
"Hintayin mo lang 'to at maluluto na."
Ako na ang nagsandok ng kanin dahil busy si mama magluto. Inilapag niya ang ulam sa lamesa at nilagyan ang plato ko.
"Elle, kumusta ang new school mo?" tanong niya.
"Okay naman po mama, nagkaroon ako ng bagong kaibigan."
Nag-kwentuhan lang kami ni mama hanggang sa matapos kaming kumain. Umalis na rin ako kaagad dahil ayokong ma-late.
Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa mga tao.
YOU ARE READING
Stolen Heart (Maxwell Series #1)
RomanceSerena Ivelle Acosta was forced to transfer to a well-known university due to family issues. She doesn't believe in true love because she saw how her parents separated. As a child, even though it was difficult, she tried to understand it because she...