Serena Ivelle AcostaKakagising ko lang at wala ako masyado sa mood dahil papasok ako ngayon sa bagong school kung saan hindi ako pamilyar.
Kinailangan ko lumipat dahil tuluyan nang naghiwalay sila mama at papa.
Hay, buhay.
Tumulala muna ako saglit dahil tinatamad pa ang katawan ko na gumalaw. Tumayo rin ako at naligo.
Nakakalungkot lang dahil naiisip ko ang mga kaibigan na naiwan ko sa dating paaralan.
Isinuot ko ang uniporme ng Maxwell University. Sakto lang ito sa katawan ko, ngunit hindi ako naging komportable dahil above the knee ang skirt nila.
Nang matapos ay bumaba ako para tingnan ang ginagawa ni mama.
"Elle, gising ka na pala halika't tikman mo ang niluto ko!" masayang sabi ni mama sa 'kin. Itinapat ni mama ang sandok sa bibig ko kaya tinikman ko ito.
"Masarap ma, anong luto yan?" tanong ko habang nilalasahan ang luto niya.
"Menudo yan. Siya kumain ka na para may lakas ka pag pasok mo" pinanood ko lang si mama na sandukan ako ng kanin at ulam.
Naubos ko kaagad ang pagkain dahil talaga namang magaling magluto si mama. Ang sabi niya ay magaling din daw magluto si lola at siya ang nagturo sa kanya.
Inayos ko na ang mga gamit ko bago nagsapatos.
"Ma aalis na ako!" paalam ko kay mama na busy maghugas ng mga plato.
***
Napanganga na lang ako nang makita kung gaano kalawak ang Maxwell University. Ganito kalalaki ang university na napapanood at nababasa ko sa mga libro.
Isa ito sa sikat na unibersidad sa Pilipinas. Kadalasan ay mga sikat na influencers at anak ng mga business owners ang nag-aaral dito.
Mabuti nalang ay kahit hiwalay na ang mga magulang ko ay hindi pa rin tumigil si papa na tustusan ang pag-aaral ko.
Pumasok ako at hinanap ang room ko. Ngunit sa sobrang laki ng university na 'to ay mukhang malabo na mahanap ko kaagad ang room ko.
Ilang minuto na akong palakad lakad sa loob. Nakarating na ako kung saan saan ngunit hindi ko pa rin mahanap ang room ko.
Bwiset kasi, bakit ba napakalaki ng school na 'to!
Palinga linga ako habang diretsong naglalakad hindi ko napansin ang lalaki sa harapan ko kaya nabunggo ko ito.
"Damn!"
Ininangat ko ang tingin sa isang matangkad na lakaki sa harapan ko. Kitang kita ko ang guwapong mukha niya na parang perpektong inukit.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay habang nakatingin sa 'kin.
"Sorry.." tanging nasabi ko.
Sinamaan niya lang ako nang tingin bago naglakad palayo.
Hmp, sungit.
Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa makita ko ang room number ko. Mabuti naman at hindi pa nagsisimula ang klase.
Sumilip ako sa bintana at tiningnan ang mga tao sa loob bago pumasok. Lahat sila ay tumahimik at napatingin sa gawi ko.
So damn awkward!
YOU ARE READING
Stolen Heart (Maxwell Series #1)
Storie d'amoreSerena Ivelle Acosta was forced to transfer to a well-known university due to family issues. She doesn't believe in true love because she saw how her parents separated. As a child, even though it was difficult, she tried to understand it because she...