Muli

0 0 0
                                    


Sa aking pagbabalik, aking paksa ay magpapalit
malulungkot at masasakit na alala
papalitan ng masaya at puno ng ligaya
akala ko iyon na ang simula
ngunit heto ako at muling lumuluha

Muli, kailangan kong tanggapin
masakit man ay wala akong magagawa
mahirap tanggapin ngunit kailangan
pagmamahal nga naman

problema at pagsubok ang haharapin
magiging tulay para makapagdesisyon ka ng labag sa iyong loob
ngunit anong magagawa?
pareho lang tayong mahihirapan na dalawa

tapusin na natin ang librong inumpisahan
wag na ipilit na ito'y tuldukan na may kasamang masaya alaala
Hindi lahat ng istorya ay natatapos ng masaya
minsan, masasaktan ka rin at iiyak

huwag kang mag alala at may nakalaan para sa iyo
taong sasamahan ka sa hirap at ginhawa
saya at ligaya
pahahalagahan ka at aalagaan,
sabay ng pangangako nyo sa harap ng maykapal

Her thoughts turn to a Masterpiece Where stories live. Discover now