Chapter 1
"Lalabhan ko muna, ibabalik ko sa'yo to bukas." sabi ko sa kanya pagkatapos kong umiyak sa tabi niya. Nakakagaan ng pakiramdam kapag may karamay ka. Well not exactly karamay dahil nakasagot siya at ako yung kulelat.
"Sabihin mo kaya yung nangyari sa'yo kanina sa adviser natin. I get that gusto niya lang tayo matuto pero yelling in front of the class is just too much." Sabi niya sa akin habang binubuklat yung librong inabot niya kanina sa may shelf. Mabait pala siya, I really should explore the classroom para naman may kakilala ako.
Pero paano ko naman gagawin yon? Napahiya na ako sa harap ng classroom. Ano pang mukha ang ihaharap ko?
"Hindi na siguro. Wake up call na rin siguro para sa akin na I should push myself harder."
"Okay, if that's what you want.." he replied.
"Ang galing mo. Paano mo nasasagutan yung mga math problems na yon? May magic ka ba? Anong secret mo? Pashare naman?" Tanong ko sa kanya para gumaan naman yung atmosphere namin.
Alam mo kasing kapag napapalibutan ka ng malulungkot na tao, nakakahawa, malulungkot ka rin.
"Advance studying. Mahirap pumasok sa classroom na wala kang alam. Mas mabuting prepared ka." Sabi niya sabay buklat ng librong hawak niya. Grabe ang isang to, kaya akong kausapin habang nagbabasa ng libro? Multitasking king!
"If you want, you can come with me in Math Club. I tutor students there. Pwede kang bumisita do'n, marami kaming volunteers."
"Nahihiya ako." Sabi ko at humarap sa shelves. Baka naman ma-shame ako dun. STEM student tapos kailangan ng tulong sa math? Di kaya ng pride ko!
"Why? There's nothing wrong in wanting to learn." Sabi niya pa. Naku! Konti na lang makukumbinsi na ako nito.
"Ano kasi.. Di ba si Sir Thomas rin yung Adviser ng Math Club?"
" Just like I said, there's no shame in learning. Nandoon naman ako, if he says something na hindi tama, I'll report him."
Wow.. ang bait niya. Gusto niya talaga akong tulungan.
" Okay." Sabi ko
"Anong okay?" Kunot noo niyang tanong.
"Sige, pupunta na ako doon. Magpapatutor ako." Pagkatapos kong sabihin yun ay ngumiti siya. Napatulala ako. Ang cute niya magsmile!
" Okay. Aasahan kita bukas. After class, sabay na tayo."
"Sige, uh.. uuwi ka na?" Tanong ko.
" May gagawin pa ako sa club. Hihiramin ko lang itong libro. It's for my sister."
"Ah.. okay! Mauuna na pala ako."
" Ingat." Pagkasabi niya ay naglakad na siya papunta sa librarian at ako naman ay nagligpit na ng gamit ko. Imbis na hiramin ang librong dinampot ko kanina ay binalik ko na lang yon sa pinagkuhanan ko. Papalabas na ako ng pinto at nang mamataan ko siya ay nagpaalam na rin ako.
Umuwi na ako at dumeretso na ako sa kusina. As usual wala ang mga magulang ko. Lagi silang busy paano kasi'y ay sa ospital nagtratrabaho. Hindi naman ako makapagreklamo dahil para rin naman yon sa nangangailangan.
Kumuha ako ng kawali at naisipang magluto na lang itlog para ulamin. May tira pa namang kanin sa rice cooker kaya hindi ko na kailangan magsaing.
Pinainit ko muna yung kawali. Nagbuhos ako ng mantika doon at sinunod ang pagbasag ng itlog. Hindi ako mahilig sa scramble. Mas bet ko yung bagsak at hilaw yung yolk.
Habang kumakain nagbukas ako ng cellphone at napansin ang Earth and Science group chat namin ay may new messages.
Ms. Rodejas:
BINABASA MO ANG
Her Sketches And His Calculations
RomansSophie Caden Poblacion loves art, pero hindi aligned ang pinili niyang strand sa gusto niya. Now, she is stuck in STEM and is struggling. Her teacher says that she is in a need for tutoring. But what if, Ethan Tobias Guevarra, her classmate, not onl...