Chapter Por (ebermore)

76 3 0
                                    

ASDFGHJKL.

Putang ina. Tangina nakaupo pa ko e. Bigla akong hinatak. Sumabit paa ko sa upuan kaya nasubsob ako. Puta nagkasugat ako sa tuhod. Medyo maliit lang naman. Pero puta paren. Huehue.

"ARAY. PUTA."

"Mianhae. Mianhae." sabi niya habang pinapagpagan ako.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihipan niya tuhod ko. Puta. Ilong wag kang ganyan.

"B-bakit ka nakatingin?" tanong niya.Puta talaga.

"Ang laki kasi ng ilong mo. Huehue." palusoooooot.

"Gague." hinila niya ulet ako.

WAAAAAH. MARAMING TEDDY BEARS.MADAMI. *Q*

"Gusto mo?" tanong niya habang tinuturo yung stand na may babatuhin ka tapos may makukuha kang prize.

"Oo naman." sagot ko.

"Sige. Basta kapag may nakuha ako, papayag ka sa sasabihin ko mamaya." sabi niya.

Okeh. Ano kaya yun.

A. Will you marry me?
B. Pwede ba kitang ligawan?
C. Pwede ba kita maging kaibigan?
D. A at B, Pero hindi kasama yung C

SYEMPRE YUNG D. HAHAHA.

"Ge lungs." sabi ko.

Pumunta kami don at bumato na si Jungkook. Aba puta. Suki na ata dito, walang mintis. Kaya nakuha niya yung teddy bear. Shet ang ganda. Puta.

"Oh. Papayag ka mamaya ah." paalala niya.

"Oo. Kamsahamnida." sabi ko habang nakangiti.

"Marunong ka mag-korean?"

"Onti lang. Huehue."

May pumuntang bata sa harap namin. Umiiyak siya. Hila hila niya yung kasama niyang babae.

"WAAAH. GUSTO KO NYAN. ATE. PLEASE. AKIN NALANG PO YANG BEAR MO. PLEASE. AJUJUJU. PARANG AWA NA PO. HUHU. GUSTO KO NIYAN." sabi ng kapatid na babae ni Chorong.

OO. NANDITO SI CHORONG. KASAMA YUNG FAMILY NIYA.

Nakita ng mama ni Chorong si Jungkook. Kaya lumapit si Jungkook sa mama ni Chorong at hinalikan niya yung pisngi.

Puta kainggit si Tanda. Jok. Haha.

Lumapit din yung tatay ni Chorong kay Jungkook at nakipagkamayan.

Okey. OP here. Edi kayo na.

"Girlfriend mo ba 'to iho?" tanong ng mama ni Chorong saken. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Grabe naman tong babaeng to.

"Ahm, hindi po. Kaibigan ko po." sabi naman ni ilong.

"Good Morning pooo~." masiglang sabi ko.

"Good morning, iha." tsss. Mukhang mataray. Mayaman kase eh.

"Kamukha siya ni Mrs. Kim. Grabe. Parang anak ka niya." sabi ng nanay ni Chorong, pero nakangiti na.

"Ahm. Sino po si Mrs. Kim?" tanong ko. Umirap si Chorong kaya inirapan ko ren siya.

"Friend of mine, iha. Kamukha mo talaga siya. Pero imposibleng anak ka niya, mahirap kalang eh. Hahaha." natatawang sabi ng mama ni Chorong.

Okay. Edi ako na yung mahirap. Ako na dukha. Puta.

"Wag ka ngang harsh, Honey. Mukha namang mabait si iha. Pero kamukha niya talaga mama ni Unggoy na mahilig sa lion. Ang weird talaga nung batang yon. Haha. Sige na. Bye." sabi naman ng tatay.

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon