02

6 0 0
                                    

×××

Messenger | yappers 4 life 🎙️

Louvie Marquez:
m

y luvs ! where na kayo? dito na me sa west wing fieldddd

Fiann Zuero:
I'm trying to find where to park lang. Papunta na din ako.

Satasha Regalado:
otw pa lng aq hehehehehe

Napa-angat ang kilay ko sa reply ni Satasha. Iba ang feeling ko sa 'on my way' niya na 'yan!

Riyalisla Dominguez:
On the way or on the water, @Satasha? 🤨

Satasha Regalado:
huehuehueheueh the latter :Dddd

Louvie Marquez:
wow !!!!! the consistency since first year ? bow down, our queen sashie 🥹🔥

Fiann Zuero:
#PunctualityWho - Sashie, BCE
😆 3

Natatawa kong pinatay ang phone ko nang makita na ang gate ng west wing field ng University of Virtutem Excelente.

"Para po!" Nagbayad muna ako sa driver bago bumaba ng tricycle.

Ten minutes away lang ang bahay namin sa UVE, kaya from our village ay sumasakay na lang ako ng trike papunta ng campus dahil sobrang lapit lang talaga. Sa sobrang lapit ay doon kami minsan naglalaging apat na magkakaibigan tuwing mahaba ang vacant namin.

Pumasok na ako sa gate at nag-tap na ng ID sa identity machine. Himala nga na wala akong masiyadong nakasabay na mga students kahit na ngayon ang first day ng school year ng UVE. Or baka nasa west wing lang ako at medyo maaga pa naman.

It's just 7:30 in the morning. Sinadya talaga namin agahan ang pasok ngayong first day para mag-ayos ng school schedule ngayong taon at siyempre para magcatch-up na din dahil hindi kami nagkitang apat during the summer vacation! Literal na ngayon lang kaming apat magkikita-kita!

Dumiretso na ako sa usual spot namin dito sa west wing field. The university have four wing location. Obviously the north, east, west, and south.

The north wing are usually the spots for the Art and Sciences students since doon ang building ng department nila. Sa east naman ay mas marami kang mamatahan na mga Accountacy students. Then west is obviously ours! It's the spot for the College of Communications students dahil nga ay nandito ang department namin. And lastly, the south wing, mas marami ka doong makikitang Tourism, Culinary, and a lot of HRM students.

West wing is called as the WW Field. Dahil nandito sa west ang pinakamalaking field ng campus. Dito din makikita madalas ang mga varsity players na nagte-training. Tulad ng baskteball, volleyball, and football players. Pero madalas talaga ay ang mga football players ang nandito sa field because it requires their sport and ito din ang spot nila talaga, tulad ngayon.

Agaw-tingin sa mga estudyante ang mga football players na nagte-training ngayon sa field, lalo na sa mga babae. Paano ba naman kasi, most of them are half-naked! Kaya kapansin-pansin talaga. Medyo madami din sila ngayon, probably because madami ding new players dahil sa new school year.

"Ali!"

Umangat ang tingin ko at hinanap ang boses na tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako nang makita si Louvie sa tambayan namin magkaka-ibigan. Patakbo akong pumunta sakaniya at dinamba siya ng yakap! I missed this girl so much!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Goals After GoalsWhere stories live. Discover now