01

6 0 0
                                    

×××

"You're getting it na, love. Good job!" I clapped my hands when Aiah got the right answers on her assignments.


Nandito kami ng kapatid ko sa study area ng kwarto ko. I'm tutoring her. Nagkaroon kasi kami ng kasunduan na this summer break we'll do advance studies para hindi siya mahirapan sa incoming school year.

Aiah is incoming Grade 3 na this year. She's my younger sibling. Dalawa lang kaming magkapatid. She's nine years old already. And for some people, it's crazy to know our age gap. Yes, almost ten years! Sabi nila para ko na daw itong anak! Bigla tuloy akong naging batang ina.


"Isla, nakapag-enroll ka na ba?" Napa-angat ako ng tingin nang pumasok si Mama sa kwarto. Naka-ayos na siya, handa nang pumasok sa trabaho.

Umalis muna ako sa tabi ni Aiah, "Continue writing, love, ha. I'll just talk to Mama." Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Yes, Ma. Why po?"

"Huh? Saan ka kumuha ng pang-enroll this year?" Kunot-noo niyang sambit.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sakaniya. Ngumiti ako at umupo sa kama, "I took the beneficial exam this year, Ma," bakas pa din ang pagkalito sa striktang mukha ng Mama ko kaya nagpatuloy ako, "And I got a 100% discount sa tuition."

Napaawang ang mga labi niya, pero agad din namang tumango, "Mabuti iyon, makakatipid tayo. Aalis na pala ako, ang kapatid mo ha? May hinain na akong pagkain sa baba, kumain na kayo."


Tipid akong nangiti at pinagmasdan si Mama na magpaalam sa kapatid ko bago siya lumabas ng kwarto para pumasok sa trabaho. Napabuntong-hininga ako nang mawala siya sa paningin ko.

My mother is not really that expressive. Simula bata pa lamang ako hindi ko siya nakikitaan ng kahit anong tuwa sa mukha sa tuwing may magandang balita na dadating sakaniya. She'll just treat it as casual as she can. Even on me, sa mga achievements na binabalita ko sakaniya ay tipid na tango lamang ang mga ibinibigay niya at simpleng sabi ng 'good'.

Never did once I saw her face gleaming with happiness and enthusiasm. But despite those, nararamdaman ko naman ng sobra ang pagsuporta at pagka-proud niya sa amin kapag nagkakaroon ng achievements.

At kahit sa mga nakakalungkot na sitwasyon, she rarely show any emotions. Huli ko siyang nakitang malungkot at umiiyak ay noong... libing ng Papa ko.

It was twelve years ago...

At nagkaroon na lamang siya ulit ng emosyon nang makilala niya ang father ni Aiah. It was three years after my Dad died. I am nine that time. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niya ulit magkaroon ng karelasyon. Pero, noong nakita ko ulit 'yong ningning sa mga mata niya habang kasama si Tito Ariel... I gave up the frustrations and just celebrated my Mom's happiness. Hindi naman ako nagkamali because Tito Ariel is also a good man like my dad. For years, he became a father figure to me. He treated me like his own. And also, hindi ako magkakaroon ng super lovely na kapatid kung wala sila ni Mama.

But, of course, sometimes 'what-ifs' are coming at me... what if my dad didn't left us? Siguro ngayon nararamdaman ko pa rin 'yong mga init ng yakap niya... nararamdaman ko pa din ang kalinga ng isang ama.


"Ate, tapos na po," Napunta ang atensyon ko sa kapatid kong pinapakita sa akin ang gawa niya. Nang makita kong tapos na nga siya ay inaya ko na siya sa kusina para kumain.


Parehong may work si Mama at Tito Ariel, kaya ako ang naiiwan palagi kay Aiah. Mama works as a general manager sa isang company sa Taguig kaya most of the time umuuwi na siya ng late dahil in-demand ang workloads niya. Si Tito Ariel naman ay isang seaman, kaya talagang wala siya dito lagi sa bahay at occasional lang ang uwi niya.

Tito Ariel once asked my Mama na mag-resign na sa trabaho niya dahil sapat naman na daw ang sinasahod niya sa barko para sa amin. Pero ayaw ni Mama, hindi siya sanay na wala siyang trabaho. Matagal na ang trabaho niya sa kompanyang pinapasukan niya, doon pa nga sila dati nagkakilala ni Papa.

Pero ang totoong rason niyan ay kumakayod talaga si Mama para sa pag-aaral ko. Sabi ko naman sakaniya ay may sapat na trust fund naman na iniwan sa akin si Papa para magpatuloy ako sa college. Pero ang sabi naman niya sa akin ay hindi naman daw namin masasabi ang future kaya't mas mabuti nang 'wag namin galawin ang trust fund ko na 'yon at siya ang kakayod para sa akin.

Tito Ariel insisted na siya ang magsusupport sa akin sa college ngunit hindi pumayag si Mama, gayon din naman ako. I know na mabuti naman 'yung intensyon ni Tito pero sabi ni Mama ay hindi ako responsibilidad ni Tito Ariel dahil siya ang naka-atas doon.

My mom is a very independent and intelligent woman. Halata naman sa aura at prinsipyo niya sa buhay. That's why she inspires me so much. Kaya sa lahat ng ginagawa ko ay iniisip ko ang mga sakripisyo at nakikita kong kasipagan sa akin ni Mama.

That's why I applied for the beneficial discount sa school ngayong third year college na ako. May binibigay na financial rewards ang University of Virtutem Excelente sa mga students na na-maintain ang general weighted average that's not higher than 1.45 simula first year.

I maintained mine at around 1.30 since my freshman year, with that being said I took the chance and I applied for it. It's not actually easy to qualify. Ang daming requirements na kailangan and mayroon ding qualifying examination. In God's grace, I passed the tests and the admins approved my requirements.

UVE is a very prestigious school here in Manila. Mama wants me to study here kahit sobrang laki ng tuition and fees na kailangang bayaran. Sabi niya kasi ay makita lang daw sa resume ng isang estudyante na dito nagtapos ay malaki na 'yung posibilidad na matanggap ka kaya dito niya talaga kinayod na pag-aralin ako.

At dahil nga sa mga bayarin — na ako na lang sumasakit ang ulo sa tuwing matatanggap ko ang resibo galing registrar, kaya I strived hard talaga to receive the full financial reward. Gusto ko nga din sanang mag-working student pero my Mom won't allow me. Mag-focus na lang daw ako sa pag-aaral at bantayan at alagaan ko si Aiah ng mabuti tuwing nasa trabaho siya, ayon lamg daw ang gawin ko.

Pero dahil anak ako ng Mama ko, I sometimes work secretly. Minsan ay sa mga convenience store na tumatanggap ng part-time employees o kaya naman sa mga katabing stores ng school. Ayoko kasi ng humingi pa kay Mama ng pera sa tuwing lalabas ako para sa sarili o kung kasama ko ang mga kaibigan ko. Though, she's giving me weekly allowance na kung minsan ay sobra pa, pero tinatabi ko na lang 'yon sa bangko at kukuha na lang kung kailangan ko na talaga.

My mother inspires me so much at gusto kong suklian siya balang araw— na kahit sinasabi niyang hindi ko 'yon obligasyon. Bilang isang anak that's still my goal and inspiration to strive hard and continue craving for what's bests— for my parents. Kaya as much as possible talaga ay iniiwasan ko ang distractions.

But not to the point na I will not enjoy my life; I just really want to focus on two goals. That is to focus on my studies and give my Mom and my sister— my family, a better future. That're my goals for now. Just my studies and family.

⚽🎙️

Goals After GoalsWhere stories live. Discover now