chapter 3.

0 0 0
                                    

Van Kyle chua's pov:

Nagising akong naghahabol Ng hininga. Iniisip ko Ang nangyari kanina. What the hell was that? Panaginip ba yon? Bakit parang totoo?

Luminga Ako sa paligid pero Wala namang gothic-looking girl tumingin Ako sa dibdib ko at kinapa-kapa at Ang buong katawan ko. Wala Rin namang sugat. Nakahinga Ako Ng maluwag.

Akala ko katapusan Kona. Buti nalang, Hindi totoo at mukhang panaginip nga lang. But I had never seen that woman before for me to dream of her. She was definitely not my type of girl kaya noway in this world that I could meet her before.

Tumayo Ako Mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Naghilamos Ako sa lababo at kinuha Ng Isang bote Ng gatas sa refrigerator. Agad ko itong ininom at dadalhin ko sana sa mesa pero pagharap ko.....

"Ay, putang ina!"

Nagulat Ako nang muli kong Nakita Ang gothic-looking na babae. Nabitawan ko Ang bote Ng gatas. Napa-atras Ako hanggang sa tumama Ang likod ko sa refrigerator. Nakaupo sya sa upuan Ng dining table at nakatingin saakin. Her face seemed so very serious and her grey eyes gave me the chills.

"S-sino ka? A-ano'ng ginagawa mo Dito?" Hinihintay kosyang magsalita pero Hindi Siya sumagot. Kinusot ko Ang mga mata ko at pagmulat ko... Wala na Ang babae.

What the hell? Ano iyon? Guniguni ko?

Tumayo Ako at nilinis Ang natapong gatas.
Mabuti nalang at Hindi nabasag yong bote. Sa tingin ko, may hangover pa Ako Hindi lang sa alak kundi pati narin sa panaginip ko. I believed I had to take a bath.

Kinalimutan ko Muna Ang breakfast. Agad akong nag hubad Ng damit at pumasok sa shower. Habang naliligo Ako, tumatayo Ang mga balahibo ko dahil pakiramdam ko, may nanonood sa akin. Pagkatapos maligo, humarap Ako sa salamin para magsepilyo. Nagmumog Ako habang nanatiling naka tingin sa sink. Nag-angat Ako Ng Mukha para sana tinignan Ang mga ngipin ko sa salamin.....

Napasinghap Ako at parang huminto Ang tibok Ng Puso ko nang makitang nasalikuran ko Ang babae. Humarap Ako at naroon nga Siya. Kasama ko sa loob Ng banyo habang Wala akong saplot. Nanlaki Ang mga mata ko at napatitig sa mga mata niyang parang nakatingin sa kawalan. Nanginginig Ang mga labi ko na napahiyaw Ako Ng malakas habang natarantang umatras palayo. Nadulas Ako at napa-upo sa sahig kasabay Ng paghawak ko sa shower curtain na agad namang nasira sa lakas Ng paghila ko. Natakluban Ako Ng shower curtain sa ulo kaya Wala akong Nakita. Nang alisin ko ito, Wala na Ang babae sa banyo.

Napahawak Ako sa dibdib dahil sa sunod-sunod Ang pag tibok nito na para bang tinatambol. Parang kinakapusan pa Ako Ng hininga habang hinahanap Ang babae sa paligid.

Anong nangyari? Minumulto ba Ako?

Tumayo Ako at muling nag hilamos nang paulit-ulit. Humarap Ako sa salamin pero Wala na Ang babae. Nakakapagtaka dahil dalawang beses ko nang guniguni iyon and there was no way in the world that ghost were real.

Kahit pa Hindi Ako naniwala sa mga multo ay dali-dali akong lumabas Ng banyo at nagbihis. Lumabas Ako Ng unit at agad na pumunta Ng kotse. Sa tingin ko dahil ito sa hangover kagabi kaya kung ano-ano Ang nakikita ko. I better had some nice soup.

I DECIDED to go to ramen house. The salty, savory, and replenishing taste of ramen soup will definitely kick the hangover on me. Matapos ibigay sakin Ang order ko, dahan-dahan Kong hinigop Ang sabaw. Sa pagdaan niyon Mula sa bibig ko papunta sa tiyan, damang-dama ko Ang ginhawa. Ang sarap!

Muli akong himigop Ng sabaw pero bigla ko itong naibuga nang Makita ulit Ang babae sa labas Ng ramen house Mula sa glass wall. Nakatingin Siya sa akin at nakakatakot talaga, putang Ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

grims do fall Inlove Where stories live. Discover now