Kasi, maganda ako!
"Irish! Shayne! nasa bulletin board na raw 'yong result!" pasigaw na nagtatatakbong aniya ng kaibigan niyang si Jillian.
" Kahit kailan talaga ang ingay mo" komento ko pagkarating niya sa pwesto namin.
" Hayaan mo na, ikaw ba naman hindi kinakausap sa bahay, hindi ka mag-iingay" sarcastic na aniya naman ni Shayne sa tabi ko.
" Grabehan kayo ah, nagbalita na nga ako eh" rason naman nito.
" Sus, nakita mo na ba kung sino nasa top?"
" Hindi pa, ibinalita ko nga muna sa inyo para sabay na tayong tumingin do'n, pero syempre expected na kong sinong nasa top 'no, tinatanong pa ba yan?" mahabang salaysay nito na tumingin sa'kin.
" Oo nga naman, ba't pa ba ako nagtanong" baling din ni Shayne sakin.
" Ewan ko sayo tànga ka kasi"
We start to go to the bulletin to see the result in our first quarter while her friends are still exchanging words.
Kwento pagkaraan ay away na, 'yan na ata ang hobby ng dalawa n'yang kaibigan.
Break time kasi nila kanina kaya napatambay muna sila sa bench. Ang sabi ni Jillian kanina ay mag c-cr lang, pero heto news na pagkabalik.
Pagkakita ko sa result, lahat ata ng mura ay nasabi ko sa aking isip.
Pa'no ba naman, sa top notcher nang over all strand ay pumapangalawa lang ako?
1. Zerah Divine Rizardo 97.17 ABM
2. Irish Vivianne Golez 96.5 STEM
3. Vonne Kaizer Valenzuela 96.2 ABM
4.
5.Hindi ko na binasa pa ang kasunod na mga pangalan... I hate her!
Kahit na ako 'yong top one sa all STEM hindi parin ako masaya.
Every semester lang sana ito ina-announce, pero nagbago ang SSG president at nag request agad ito na kung pwede ay every quarter nalang. They agreed with it anyway.
Tuwang-tuwa naman 'yong mga kaibigan niya sa naging resulta ng kanilang first quarter dahil kasali din sila, pero siya? Hindi siya masaya.
How come?
The girl she hates the most replace her position.
"Inagaw na nga niya si Kaizer sa'kin pati ba naman 'yong place ko?"
" Ha? Inagaw? Eh, hindi naman kayo ni Kaizer" Shayne commented.
" As what I've heard, ni-reject ka diba?" Jillian said in unison while wiggling her eyebrows.
" Kaibigan ko ba talaga kayo?"
" Oo naman, kaya ka nga namin ginigising sa bangungot mo eh."
" Baka kasi matuluyan ka."
She really pissed off, hindi pa nakakatulong 'yong dalawa n'yang kaibigan na pinagkakaisahan siya.
Bwésit na bwésit siya pagkauwi niya.
She didn't talked to all of them on there home even her Mimi, her second mother, her yaya but she never called her that way, she called her Mimi instead.
Her Mimi Merlin is the one who's always on her side when her parents are not to be seen. Parating out of the country. So 'yong kaniyang Mimi ang nag-aalaga sa kaniya kapag may sakit siya, ito 'yong kalaro niya when she was young hanggang sa lumaki na siya. Wala itong pamilya kaya sa kanila na namalagi. She's seventeen years on them, she started when I was born. Parang ito pa nga 'yong naging magulang niya eh.
"Baby anong problema? Anong gusto mong kainin? Gusto mo ipagluto kita ng paborito mo? Magpapabili ako ng ice cream kahit bawal, pati 'yong tsokolate?" she gently knocked on my door while saying those words.
Instead of Vivi, she prefer to say it baby. Nahihirapan daw siyang i-pronounce eh. Kilalang-kilala niya talaga ako, mga paborito ko, mga makapag papasaya sakin pati narin 'yong kahinaan ko.
I pouted and open my door. May hawak itong cookies at isang basong gatas.
"M-Mimi, I'm hurt" pagsusumbong ko dito at tumulo na nga ang nagbabadyang luha na kanina ko pa pinipigilan.
I hugged her side way and cry on her shoulder.
"Shh na baby, kain ka tapos kwento mo sakin"
I just nodded in response. She place the tray on the mini table and we sat on the sofa.
I preferred to have a mini sala on my room, 'cause sometimes her friends want to sleep over on her place.
"O bakit ka nga ba umiiyak?" umpisa nito.
Kumuha muna ako ng cookies at kumagat, linunok, bago sumagot.
"Mimi, do you remember Kaizer? 'yong crush ko po last year?"
"Ah 'yong binasted ka?"
"M-Mimi naman" napabusangot ako lalo sa sinabi niya.
"Ay p-pasens'ya na baby, shh na, oh kain ka pa" binigyan niya na naman ako ng cookies. " Bakit? Anong nangyari sa krass mo? "
" Kasi Mi, palagi s'yang may kasamang girl at ang sweet po nila lagi"
" Ay hala, baka jowa? "
Sa sinabi n'ya ay lalo akong humagulgol, nataranta naman siya sa pagpapatahan sakin at agad ding binawi ang sinabi.
"Joke lang ito naman, baka klasmeyt niya lang, kaibigan o 'di kaya ay pinsan, diba? " pampalubag-loob nito.
" Pero Mi, ang sweet nila, tapos 'yong girl inagaw niya sa'kin 'yong place ko. Ako dapat 'yong top one eh"
" Pangalawa ka? Ay hala, ang galing talaga ng baby ko! Wala kayong klase bukas diba? Sabado naman eh. Gusto mo gala tayo, ako taya! "
Alam ko namang gusto niyang maging masaya lang ako kaya nililihis niya 'yong usapan.
But I felt relieved of what she said. Agad naman akong napangiti at tumango sa kaniya bilang pagsang-ayon.
"Oh ayan bagay sayo 'yong naka ngiti kaya ngumiti ka lang. H'wag kang umiyak hindi bagay sayo, papangit ka niyan sege ka. Oh sige na, kailangan ko pang asikasuhin 'yong hapunan. H'wag mo nang masyadong isipin 'yan, basta alalahanin mo 'yong sinabi ko. Ano nga 'yon? "
"Hindi ko deserve umiyak! Kasi, maganda ako!" sabay naming saad ni Mimi at natawa nalang sa huli.
She left me there eating the remaining cookies and drink the milk.
Tinawag niya ako nang hapunan na at nagpahinga narin ako pagkatapos.