CHAPTER 3.

196 10 0
                                    

GWEN'S POV

Pag labas ko ng kotse nakita ko ang sasakyan ni maloi sa tapat ng parking lot na kinatatayuan ko agad akong napaisip kung anong ginagawa nya dito, agad kong naalala yung sinabi nya sa akin na may lakad daw sila ng mga kaibigan nya. Habang nag lalakad kami napansin ako ni mikha na tahimik at may malalim na iniisip tinanong ako nito kung okay lang ako, tumango ako at sinabing okay lang ako.

Pag pasok namin sa xylo napansin kong papunta kami sa grupo ng mga babae napansin ko na nandoon si sheena kaya naisip Kong mga kaibigan nya itong babaeng ka table nya.

Habang papalapit kami sa grupo ng mga babae meron akong familiar na mukha na napansin kaya nag madali akong lumakad.

Nang makalapit na kami nagulat ako dahil nakita Kong kasama ni sheena si maloi inisip ko din na baka ito yung kaibigan na sinabi nya sa'kin. Dahil sobrang curious ako nag tanong na ako dito .

"Maloi, anong ginagawa mo dito?"

Maloi: "diba sabi ko sayo may lakad kami ng mga kaibigan ko, ikaw anong ginagawa mo dito may kasama ka sigurong ibang babae noh?"

"Anong ibang babae, diba sabi ko din sayo may lakad kami ng mga kaibigan ko" pag sagot ko dito

Mikha: "magka kilala kayo?"

"Oo mikhs sya yung sinasabi ko sa inyo na nililigawan ko"

Mikha: "ahh small world ha HAHAHAHAHA"

Tumawa nalang din ako sa sinabi ni mikha dahil alam Kong aasarin lang ako nito.

Mikha: "btw guys may kaibigan pa kaming papunta dito ma lalate lang daw sya unti" biglang basag nito sa katahimikan namin.

Sheena: "haynako babi lagi namang late si nico eh HAHAHAHA" pag singit nito. " Anyway guys hmm ate aiah ito pala si gwen at Jhoanna kaibigan ni mikha"

Aiah: " nice meeting you guys"

Jhoanna & gwen: " nice meeting you din aiah"

Sheena: " hmm Gwen ito si stacey kaibigan ko din and kilala mo na din naman si ate maloi kaya hindi ko na ipapakilala sayo HAHAHA"

" Hi stacey I'm gwen" pagpapakilala ko dito at nakipag kamay

Sheena: " jho ito si ate maloi"

Jhoanna: " hi maloi, nakilala din kita sa wakas"

Maloi: " hi Jhoanna nice meeting you"

Sheena: " jho ito si stacey kaibigan ko din"

Jhoanna: " Hi stacey nice to meet you, hindi mo masyadong favorite yung pink noh"

Stacey: " tskkk, nice meeting you too"

After namin magka kila-kilala nag kwentohan kami about sa mga kalokohan namin noon, bigla kaming naging komportable sa isa't isa na para bang matagal ng magka kila-kilala. Habang masarap ang pag kkwento namin biglang may nag text sa cp ko nakita ko naman na si nico na ito at nabasa ko ang text nya na nasa labas na sya ng xylo. Agad akong lumapit kay mikha para Sabihin na nasa labas na si nico.

Agad naman itong tumayo at lumabas upang sunduin si nico, panigurado kasi na mahihirapan syang hanapin kami dahil sa sobrang dami ng tao. After 5mins nakita ko ng kasama ni mikha si nico, naka suot ito ng khaki pants at naka white polo shirt lang ito.

"Oh nics late ka na naman palagi nalang ha" pang aasar ko dito

Nico: "sobrang traffic kaya" pag sagot nito at inirapan ako.

Mikha: "ahh stacey, ito pala si nico kaibigan ko"

Stacey: "hi nico ni meeting you I'm stacey ang pogi mo naman" pag papakilala nito

Nico: " hmm thankyou Stacey nice meeting you too"

Mikha: " maloi ito pala si nico, nico si maloi yung sinasabi ni gwen na nililigawan nya."

Nico: " hi maloi finally na meet ka din namin."

Maloi: " nice meeting you too nico"

Pag tapos nilang magka kila-kilala napansin naman ni mikha na wala si aiah dahil susunod sana itong ipapakilala kay nico

Mikha: " hmmm Teka nasaan pala si aiah?"

Sheena: "nag cr lang babi"

Tumango na lamang si mikha kay sheena bilang pag sagot dito.





NICO'S POV.

Habang nag eenjoy akong makipag kwentohan sa aking mga kaibigan at sa kaibigan ni sheena, merong isang babae na nakaagaw ng aking atensyon papalapit ito sa amin. Sobrang gandang babae ka mukha ni mama Mary meron itong dalawang maliit na dimple at sobrang bagay sa kanya yung suot nyang napaka simple. Umupo ito sa tabi ni stacey at nag salita.

Aiah: "sorry guys natagalan ako dami kasing tao sa cr haytss"

Mikha: "okay lang yun aiah, btw ito pala si Mile Nicole Vergara, nico for short"

Aiah: "hi nico nice to meet you" pag papakilala nito sa akin at iniabot ang kanyang kamay.

Agad ko namang tinanggap ang kamay nito at nag salita "hi aiah nice to meet you too" pag sagot ko dito. Ngumiti lang naman ito sa akin.

Mabilis kaming nagkaka sundo sundo ng mga kaibigan ni sheena madami na kaming nalaman tungkol sa kanila, at madami na din silang nalaman tungkol sa amin. Natahimik ako ng biglang nag tanong si aiah.

Aiah: "ahh nico, babae ka ba talaga? bakit parang ang laki laki ng katawan mo ang layo sa katawan ng tatlo mong kaibigan"

" Hmmm Asexual ako aiah, meron akong kasarian ng lalaki sa katawan ng babae" pag sagot ko dito.

Aiah: " ahh kaya pala ganyan yung tindig mo tsaka ang astig mong tignan ang pogi mo din sa suot mo"

" Hmmm thankyou aiah" pag tugon ko dito habang nag pipigil ng ngiti.

Pag tapos ng pag uusap namin ni aiah bigla namang lumapit sa akin si mikha.

Mikha: " tol kita ko yung pag pipigil ng ngiti mo"

" Haynako mikhs kung ano ano na namang napapansin mo, maissue ka talaga kahit kailan" pag susungit ko dito

Mikha: " nakaka attract naman talaga si aiah diba, kung wala lang akong gf magiging crush ko sya eh HAHAHAHA" pang aasar nito

Inirapan ko na lamang ito para tumigil na sa kakulitan. Napaisip ako sa sinabi ni mikha oo nga sobrang nakaka attract si aiah sobrang sweet mag salita mahinhin at sobrang bait hindi mahirap na magka gusto sa kanya.






I Think I'm Inlove (COLAIAH)Where stories live. Discover now