PROLOGUE

17 4 0
                                    

"Darcie! Late ka na naman?! Ang lapit-lapit nga lang nang tinitirhan mo, late ka pa rin. Makakapasok ka pa ba sa eskwelahan ng ganito?" bungad sa akin ni Ma'am Rita, ang aming strict na guro sa English. Ang mga mata niyang tila sumasabog sa galit at pangungutya, ang tindi ng pagkakasilip sa akin ay parang humahabol sa bawat hakbang kong nagmamadali papunta sa aking upuan.

"Pasensya na po, Ma'am," sagot ko, mabilis na naglalakad patungo sa aking pwesto. "Matagal po kasi akong naligo dahil sa mahina ang tubig."

"Isa na namang dahilan," sabi niya, ang tono ay mas matalim kaysa sa dati. "Dapat hindi ka na maliligo kung alam mong late ka na." Ang mga kaklase ko ay nagkatinginan, at isang mahinang pagtawa ang lumabas sa kanila.

"Ehhh, Ma'am, grabe naman yan! Hindi na maliligo? Ang init-init ng mundo, tapos hindi pa maliligo? Nakakasira ng beauty yan," biro ko, na sinagot ng halakhak mula sa klase.

"Kaya nga, Ma'am!" pagsang-ayon ng isang classmate ko. "Kaya mas lalong hindi yan magkakajowa kung hindi mo papaligoin!" Dagdag pa niya, kaya't lalong tumaas ang ingay sa loob ng klase.

Akala ko tapos na, pero dinagdagan pa ng walang hiya si Christian, ang sarap ihulog sa 7 floor ng building.

"HOWOW! GWAPO KA?! GWAPO KA?" asar kung tanong sa kanya sabay roll ng mata.

"YES OF COURSE! Crush mo nga ako eh," Proud niyang sagot  sabay kindat. Nag-simula na ang mga kaklase ko na mag-asaran, at may mga kilig pang umabot sa mga silya. Mas lalong umingay ang room, dahilan para lalo pang mainis si Ma'am Rita.

"Mag-sitahimik kayo!" sigaw ni Ma'am Rita, kaya agad nag-sitahimik ang lahat. "Huwag mong gawing biro ang iyong pagiging late, Darcie!" dagdag niya, ang galit ay bumabalong sa kanyang boses.

"Ok po, Miss. Sorry po, hindi na mauulit," sagot ko na may ngiti sa labi.

"Ilang beses mo nang sinabi iyan, Darcie," sagot niya, kaya nag-peace sign na lang ako bilang tugon. Hindi na ako nagsalita pa.

"Ok, let's go back to our discussion," sabi niya, at ibinalik ang atensyon ng klase sa kanyang pagtuturo.

Bago ko kinuha ang gamit ko sa bag, nilingon ko si Christian. Nakita kong nakatingin siya sa akin, ang mga mata niya ay may halong pang-asar at pang-aakit. Agad ko siyang tinaasan ng ring finger sabay pinakitaan ng masungit na tingin. Ngumisi siya sabay kindat, na lalo pang nagpagalit sa akin. Ang pag-aalboroto sa loob ko ay tila nag-aapoy, kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap, umiiwas sa kanyang mga pang-asar.

MR.CUPIDOWhere stories live. Discover now