what if pinagtagpo lang tayo para malaman ang totoong kahulugan ng buhay?
nakaupo ako sa tabing dagat, nakangiti. I'm finally here... Nagawa ko, nagawa natin hanggang dulo. Masaya ako. Masayang-masaya.
napatitig ako sa papalabas pa lang na araw. Alam kong mamaya maya lang ay tuluyan nang magliliwanag sa buong lugar. Nakangiti ako at biglang nangilid yung luha ko habang inaalala ang mga alaala naming dalawa.
yung saya
“hoy, ano ba! Ibaba mo nga ako! Kapag ako nahulog, ha. Ano ba! Ano ba!”
“hahaha hindi naman kita hahayaang mahulog, no. Atsaka sasaluhin naman kita,”
“puro ka talaga kalokohan!”
“mahal mo naman.”
yung galit
“ano na naman ba yun, Hailey?! Lagi mo na lang iniisip yung nararamdaman ng ibang tao, pano naman yung nararamdaman ko?!”
“sasamahan mo lang sya! Anong masama sa pagsama sakanya, Daerron? Anong mali dun?”
“Waling mali dun pero girlfriend kita, eh! Bakit hinahayaan mong samahan ko ang ibang babae? Bakit mo'ko pinagtutulakan sa iba? Bakit? Galit ka ba? May nagawa ba ako? Anong mali?”
“please. Gawin mo na lang. Isipin mo para sakin yung ginagawa mo. She need you.”
“pero kailangan mo rin ako.”
“ I'm totally fine. Okay ako. Sya, may sakit sya sa puso. She needs you! Listen to me, okay? You can save her by staying on her side.”
“Hindi ako Doctor, hindi ako Dyos, Hailey. Wala akong kayang gawin para gumaling sya! At lalong wala akong pakialam sakanya!”
“Daerron! Ngayon lang ako n-nakikiusap sayo. Wala kang ibang gagawin kundi ang manatili sa tabi nya hanggang mapilit mo syang magpaopera. Sige na, please? Kahit ngayon lang, wag matigas ang ulo.”
“Bahala ka sa buhay mo!”
Yung sakit
“Damn it, Daerron! Open the fucking door! Papatayin mo ba ang sarili mo?! Buksan mo to!”
“Umalis ka na lang, pwede? Gusto kong mapag-isa.”
“Fuck! Pitong araw ka nang nakakulong sa kwarto mo! Hindi ka pa kumakain! Balak mo bang patayin ang sarili ang mo?”
“Mukhang ganon nga...”
Yung pait
“Kailangan nating mabuhay na... wala yung isa't-isa.”
“No,.. hindi ko kaya. Hindi ko kaya.”
“Kaya mo. Alam kong kaya mo at kakayanin mo. Nagtitiwala ako sayo. Tuparin mo yung pangarap mo, yung pangarap natin para sa isa't isa. Sa ngayon kayanin mong wala ako sa tabi mo kasi yun yung kailangan mong gawin para sa sarili mo at matupad ang pangarap mo. Wag mong idepende ang sarili mo sakin, okay? I trust you. So, trust yourself. I love you, Daerron...”
“Hailey...”
“Kapag nagawa mo ang lahat, kapag natupad mo na lahat. Balikan mo ako mismo sa lugar na to. Maghihintay ako...”
“Happy birthday, Hailey... I love you so much,”
“I love you more, Daerron. Thank you for all those years. For your sacrifice. Thank you for everything and sorry for not staying on your side when you needs me the most.”
so, this is what she was saying before?
I sat on the sand. The sun rises and the light from the sun reflects on the water. Dahan-dahang tumama yung liwanag sa mukha ko kasabay nang pagsilay ng mga ngiti sa labi ko at pagdausdos ng luha sa mata ko at nasa tabi ko sya. Nakasandal sa balikat ko ang ulo nya habang nakatingin sa magandang tanawin.
This is A New dawn Awaiting. Another day to fight. Another day to live. Another day to survive. Another day for us.
YOU ARE READING
A New Dawn Awaiting (Barkadz series #1)
Teen FictionMairae Hailey Caguia and Daerron Bien