MAAGA AKONG nagising dahil balak kong magluto ng pang-umagahan namin pero hindi natuloy dahil may nakahanda na agad na pagkain. Nandun na rin sila at mukhang ako na lang ang huling nagising samin.
naglalapag na sa lamesa ng mga baso si Mama habang si Papa at si Marie ay nakaupo na sa upuan. Nang makita ako ni Marie ay agad syang ngumiti sakin
“Take a sit, ate!” dali dali syang tumayo at pinaghilahan nya ako ng upuan kaya pareho kaming natawa “Rise and shine, ate! I love you.”
“I love you, more.” nakangiting sagot ko
hindi nagsalita si Mama at Papa. Nanatili naman akong tahimik at nagkikiramdam sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung gusto ba nila akong kasalo O hindi pero dahil wala naman silang pagtutol ay hindi naman siguro sakanila problema ang makisalo ako ngayon
hindi muna kami nag-umpisang kumain dahil nakagawian na namin ang mag pray bago mag-umpisang kumain. Pagkatapos magdasal ni Mama ay pare-pareho na kaming tahimik na nagsimula kumain. Tanging mga kutsaritas lang ang nagsisilbing ingay hanggang sa basagin yun ni Marie
“Ate Mairae will stay here na. Please, Mommy? Daddy?” may pangungumbinsi sa boses ni Marie kaya palihim ko syang tiningnan
“Sino bang umalis?” seryosong tanong ni Mama na hindi man lang huminto sa pagkain at hindi man lang ako nagawang tingnan
mahina akong napabuntong hininga at lalo akong napayuko dahil sa tanong na yun. Oo nga naman. Ako yung nagkusang umalis sa bahay. Napagdesisyunan ko na kasing mag-apartment para mas mapadali sakin ang pagpasok dahil malapit lang din yun sa University na pinapasukan ko.
Ang Med school na pinapangarap nila para sakin.
“Ate, wag ka nang umalis ha?” mahinang bulong sakin ni Marie kaya muli ko syang nilingon at nag pilit ng ngiti bago tumango
Nagalit sila sakin dahil sa pag-alis ko na hindi man lang nagpapaalam sakanila. Lagi naman kasi silang busy. Minsan lang sila mag stay sa bahay kasi nakafocus sila sa trabaho nila. Ako ay hindi na rin makapagstay masyado sa bahay dahil bukod sa may apartment na ako, nagtatrabaho rin ako pandagdag sa mga bayarin ko
kaso simula nung tanungin ni Marie kung paano sya. Nabuo ulit ang desisyon kong manatili ulit dito sa bahay. Masyado pa syang bata para hayaang mapag-isa rito. Kailangan nya pa rin nang gabay naming matatanda sakanya. Atsaka delikado para sakanya. Baka bigla kaming loobin.
“Papasok ka na, ate?”
“Hindi pa. Mamayang 10 am pasok ko.”
“Okay. Mauna na po kami. Uwi ka rito mamaya, ha?” paninigurado nya sakin kaya nakangiti akong tumango at ginulo ko ang buhok nya
napasimangot naman sya “Kakasuklay ko lang ng buhok ko, ate!”
inismiran ko na lang sya at pinanuod ko syang ayusin ulit ang buhok nya. Pagkatapos nyang ayusin ang buhok nya ay muli nya akong nilingon at nagpaalam. Kanina pa sya hinihintay sa labas nina Mama.
nang maiwan akong mag-isa sa bahay ay naupo muna ako sa sofa sa sala. Sinandal ko pa yung batok ko sa sandalan at napatitig sa kisame. Hindi pa man natatapos ang araw pero feel ko pagod na pagod na agad ako. Wala pa nga akong ginagawa pero feel ko gusto ko na ulit magpahinga.
Napabalikwas agad ako nang biglang tumunog ang phone ko kaya agad akong napatingin dun. Tumatawag si Saira. Umayos muna ako nang upo bago sinagot ang tawag nya
“Where are you?” agad na tanong nya sakin
“Nasa bahay. Bakit?”
“Pwede mo ba akong samahan?”
YOU ARE READING
A New Dawn Awaiting (Barkadz series #1)
Roman pour AdolescentsMairae Hailey Caguia and Daerron Bien