Nagising si Kianna na nasa Ospital pa rin Siya habang nasa tabi niya si Ricky na bunsong Kapatid ng Asawang si Dwayne. Napatingin Siya sa orasan ng kaniyang Private Room sa Ospital at napabalikwas Siya ng bangon dahil 5 AM na, kailangan niya pang linisin ang kalat nila Dwayne sa Bahay nila at magluluto pa siya.
"Careful, Ate."
Wika ni Ricky."I need to go home, maglilinis at magluluto pa ako."
Wika ni Kianna at bumaba sa Kama ng Hospital."Happy Birthday, Ate Kianna."
Bati ni Ricky kay Kianna.Bigla namang napahinto ang Dalaga sa paglalakas ng batiin Siya ni Ricky, akalain mong mismong Birthday niya at nakalimutan niya pa.
Sakto namang pagpasok ng Doctor na may dalang Finding's sakaniyang sakit.
"Kia, lumala ang Asthma mo. Madalas ka bang mapagod ngayon? Kailan pa ang sugat mo sa likod? Infected na Siya, Kia. Sagad hanggang buto mo ang naging sugat kaya nilagnat ka."
Imporma ni Doctor Leo Delos Reyes, pinasang buo ni Kianna."Nasaan ang waiver? Lalabas ako ngayon din."
Seryosong tanong ni Kianna."Can't you hear me, Kia? You need to stay here. Pag lumabas ka ngayon, pwedeng mas lumala ka pa at kailangan Operahan ang naging sugat mo sa likod."
Tutol ng Pinsan niyang si Doctor Leo Delos Reyes.Hindi nakinig ang Dalaga at tuluyan na Siyang lumabas ng Ospital kasunod niya si Ricky.
"Ate, What's happening?"
Seryosong tanong ni Ricky."Ayaw ko na makalabas ang lahat ng nasaksihan mo, Ricky. Maaasahan ko ba?"
Mas seryosong tanong naman ni Kianna."I'm here to help."
Wika ni Ricky."I'm okay."
Wika na lamang ni Kianna."Kapag handa ka na Ate mag kwento at kapag kailangan mo ng tulong, andito lamang ako."
Ani ni Ricky."Salamat, salamat."
Hikbi ni Kianna.Tinulungan na Ricky ang Hipag na si Kianna sa paglilinis at pagluluto ng Almusal ng kaniyang Kuya Dwayne.
Nag makaligo naman si Kianna ay sa labas na lamang Sila Kumain ng Almusal ni Ricky, hanggang sa makarating na sa Opisina ang Dalaga.
Natapos ng maaga ang mga Papeles na nakatambak sakaniyang Lamesa dahil maghapon na hindi nagpakita ang Asawa niyang si Dwayne.
Marahil ay naroon ito sa Puntod ng Kambal ni Kianna, balak sanang pumunta doon ng Dalaga ngunit baka maabutan niya pa doon ang Asawa niya.
Happy Birthday saatin, Kambal ko!
Kamusta ka diyan? Ako eto miserable!Bati ni Kianna sa kaniyang Kakambal, ni walang tawag ang kaniyang mga Magulang para batiin Siya. Maralil ay Galit pa rin ang mga ito sakaniya.
Paguwi niya ng bandang 2 AM ay may narinig siyang kasiyahan sa loob ng kanilang Bahay.
Andon ang mga Magulang niya!
"Andiyan ka na pala, happy birthday."
Matamlay na bati ng Daddy Javier ni Kianna.Tumakbo Siya at niyakap ang mga ito ngunit pilit na kinalas ng kaniyang mga Magulang ang yakap niya.
"Aalis na kami, Dwayne."
Paalam ni Mommy Mona na nakatingin lamang kay Dwayne."Salamat sa pag-alala ng Birthday ni Kevianah."
Pasalamat pa ni Daddy Javier kay Dwayne.Parang nais na maglupasay ni Kianna sa inakto ng kaniyang mga Magulang.
"Ingat po kayo Mommy and Daddy."
Malungkot na wika ni Kianna.Hindi Siya pinansin ng mga Magulang niya kaya naman nilinis na lamang niya ang pinagkainan ng mga ito.
Nang matapos Siya ay nagkulong na Siya sa kaniyang Kwarto at umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog Siya.
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNE
रोमांसSi Kianna Delos Reyes o mas kilala sa bilang Kia ay isang sikat na Volleyball Player sa kaniyang Henerasyon ngunit naging Sekretarya Siya ni Dwayne Ramos dahil sa isang pangyayari na kontrolado ng Dalaga. Matagal ng may pagtingin si Kianna sa Nobyo...